My Love
One Shot
Mystery, Fiction
DarkMaden20 (OtorPab)
Lagi ko syang kausap at lagi nya akong napapasaya, mga ngiti na kay tamis at minsan pa ay kay lambing. Na mananatili nalang sa aking alala.
****
Naglalakad ako noon sa simenteryo para dalawin ang puntod ng namayapa kong Ina,
Ng may mapansin akong nitso na halos hindi na makilala ang pangalang nakasulat sa lumang lapida.
Pilit ko tong binasa para malaman ang naka akda.
"Alex Drexiel Lee" yan ang pangalang nabasa ko.
Puno Ito ng lumot at napapaligiran ng matataas na damo.
Halatang napabayaan na Ito ng Ilang taon siguro ng kung sino mang pamilya nito.
Dahil don nagkusa na ako na ipagtirik na rin sya ng kandila at ipagdasal.
Wala pang isang minuto akong nananalangin ng biglang isang hangin ang humihip sa aking mukha.
Kasunod non ay ang matinding ginaw at lamig na aking nadama.
Napalingon ako ng marinig ko bigla ang isang napakalamig na tinig.
Pagharap ko isa itong lalake na kasing edad ko.
nakaputi sya at napakalinis ng hitsura nito.
"Hi, isang maikling pagbati nya ngunit naghatid sakin ng kakaibang interes para makilala sya.
"Hello, maikling tugon ko at doon nagsimula na kilalanin pa namin ang isat-isa.
****
Araw Araw akong pumupunta sa simenteryo para lang makausap sya.
Tinanong ko sya kung san ba sya nakatira pero sabi nya dyan lang at malapit na.
Malapit na? San ba sya pupunta?
Napakamisteryoso talaga ni Hindi ko napapansing hulog na ako at lalo pa itong lumalala.
Halos walang araw na hindi ako pumupunta sa simenteryo para lang kausapin sya. Ang lugar kung saan kami unang nag kakilala. Kwentuhan, tawanan, asaran, kulitan.
Pero nung huli akong nagpaalam nahalata ko talaga na malungkot sya.
Doon nag simula na ako'y umibig sa kanya.
Araw Araw akong nagtataka kung bakit lagi syang naroon at Hindi man lang umaalis. Anu ba ang binabantayan nya dun at parang lagi syang malungkot at may inaalala.
Mahal ko sya oo Mahal ko na sya.
****
November 01, 2016
Magtatapat ako ng nararamdaman ko sa kanya.
Bahala na ang mahalaga masabi ko sa kanya na Mahal ko sya.
Agad akong nagbihis, nag ayos, at nagpaganda. handa na akong umibig muli sa lalaking ni hindi ko man lang gaanong kilala.
Napansin kong marami ang tao araw kasi ng Patay at dadalaw ako sa aking Ina.
Napangiti ako bigla kasi nakita ko agad sya.
Nakatalikod at nakaharap sa isang pamilyar na Puntod. Malapit sa aking Ina.
May hawak itong kandila at bulaklak. Mukhang may dadalawin rin pla sya.
Nagulat ako kung anung Puntod ang tinirikan nya ng dala nyang kandila.
Naalala ko ang puntod na yon.
"Hi!" Mahinang sigaw ko na nilingon naman nya.
Agad akong lumapit at akmang hahagkan sya sa pisngi na lagi kong ginagawa sa twing kami ay magkikita.
Pero nagulat ako sa reaksyon nya.
"Si-sino ka?" Tanong nya na labis kong kinabigla. Hindi nya ako kilala? Pero bakit?
"Ako to" hindi mo na ba ako nakikilala?" Agad kong kinuha ang kamay nya at hinawakan Ito ng mahigpit.
"Hindi, miss pasensya na." Sabay piglas ng kamay nito na hawak ko.
Maiksi ngunit Nagdulot ng matinding sakit saken ang pagtugon nyang yun.
Bakit bigla nalang syang nagbago? Anu ang nagawa ko? may nagawa ba akong mali?
Kinausap ko sya ng masinsinsinan para malaman ko kung anu nangyari.
Kinuwento nya sa akin ang lahat. nalaman Kong galing syang ibang bansa at nag balik bayan lang dito para dalawin ang puntod ng yumao niyang kakambal.
Pinakita nya sa akin ang mga pictures nilang dalawa nung nabubuhay pa Ito
Larawan yon ng masaya at maligayang pamilya.
Dun ko nalamang may kakambal talaga sya at kamukhang kamukha nya pa.
Napatanong tuloy ako kung anong pangalan niya.
Nagulat ako ng malamang siya si....
"Alex Drexiel Lee"
Ang lalaking minahal ko.
Na isang MULTO pala.
WAKAS
