Bygone Times (Chapter Five)

20 4 0
                                    

Happy reading! :*
**************************************
Bygone Times

[Chapter Five]

>Abigail's P.O.V

12:30 na at di parin ako makatulog! I tried but I can't!

"Aaaaahasdfghjkl!!"

Nakarinig ako ng sigaw mula sa ibaba! Nakabukas kasi yung window ko kaya naman rinig kung ano mang ingay sa baba.

Di ko nalang pinansin baka sa kapit bahay lang. I closed my eyes when...

"ABIIIIIIIII LUMABAS KA DYAN!!!"

Napabangon ako bigla ng marinig kung may sumisigaw ng aking pangalan. Wth. Binuksan ko yung pinto at lumabas..
Pagdaan ko sa kwarto ni Kris tulog na siya, di man lang nagsasara ng pinto tong babaeng to.

Pagbaba ko, sinalubong ako ng mga maids namin, nagising din siguro sila sa sigaw.

"Manang anong pong nangayari?" tanong ko.
"Ma'm di po namim alam, bigla nalang pong may nagsisisigaw dyan sa labas, Tinatawag po kayo." -maid

Lalabas sana ako para tignan ng pigilan ako ng mga maids. Nagising na rin yung driver namen.

"Ma'am may tatlong lalaki po sa labas" -Manong driver. Nakakatakot naman yung pagkasabi ni manong.

"Sinisigaw po yung pangalan niyo.. Kilala niyo po ba sila?" Tanong ni manong driver.

"Sino  po sila manong?" Tanong ko, lalabas sana ulit ako para tignan ng pigilan nila ako. Paano ko nga malalaman kung kilala ko eh' ayaw niyo naman akong pasilipin.
"Ma'am mas mabuti po sigurong tumawag na tayo ng security.. Edi hindi niyo naman sila kilala eh." -maid

Sumilip ako sa may bintana at nakita ko si ALLEN?? Anong ginagawa niya dito?
Pinigilan ko si Manang na tatawag na sana ng security.

"Sandali lang po, Kilala ko po sila." Sabi ko at lumabas para tignan, sumunod naman si Manong.
"Sigurado po kayo ma'am?" Pag aalala ni manong.

"Tama na pare!"
"Nakakahiya ka, Tara na aning oras na oh!"
"Baka ireport pa nila tayo dito!"
"Steven awatin mo nga!!"

Mga pamilyar na boses ang sumalubong saakin.

"ABIIII! Lumabas ka dyan!"
Patrick?

Pag open ni manong sa gate, bumungad sakin ang isang lasing na Patrick.
Wth.
Napahawak naman sa batok yung dalawa niyang kasama. What are they doing here? It's so late. Tska..
Naamoy ko na agad yung amoy ng alak.... Wtf! Nakainom nga sila.

"Ikaw!! Ha! Bakit ka pa bumalik?" Sigaw ni Patrick sabay turo saakin. Bigla naman siyang natumba buti nasalo siya ni Manong.

"Hah! Eto ba yung boyfriend mo? HAHAHAH! Tangina, pinagpalit mo ako sa mokong na to?!" wtf! Sinong pinagpalit? Ano daw?

"Hahaha, So-sorry po, na-nakainom kasi.." Sabi naman ni Allen tapos kinuha niya si Patrick.

"Pare, umayos ka nga!" inis naman ni Steven.

"What are doing here seriously? In this hour!" -ako

"Bakit ayaw mo na ba akong makita kasi nanjan yung boyfriend mo?" what the fck! Sinong boyfriend ko?

"Pinagpalit mo ako dito sa..." tiniro niya si manong at "mokong na to?"

Napatingin ako kila Allen at nakayuko lang sila.

Bygone TimesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum