Ang hirap mag move off?

28 2 0
                                    

Una sa lahat ako nga pala si Don Mendez, ginawa ko to kasi 5 taon na nakalipas since ang break up namin. Pero pag nakikita ko sya sa school mahirap na. Inspired by my Organic Friends at si Hernane Nacario, Pero..

Bakit Move off? Diba pag kaya mong makalimot ka "Move On" pero pag di mo kayang makalimot "Move Off"


Ang hirap makalimot sabi ng iba. Pero may ibang nagsasabi ng "ay nakalimutan ko na". Nakalimutan ko na ata ang salitang kalimutan kita. Kahit na nasabi ko na sa sarili kong wala na, tapos na. Kasi nagpaalam na tayo sa isa't isa, at di ka na nakausap ng mahabang panahon. Pero bakit ganun? Tila nagbabalik pa ang ala-ala nating dalawa. Nung tayo pa, nung bawat gabi kausap ka hanggang hating gabi, at di ko malaman ang dahilan kung bakit laging kulang ang oras na nakalaan. 

Ang nakaraan, bakit bumabalik pa? Diba sinabi ko nang kakalimutan na kita? Pero bakit tila yata ang kalimutan kita. Nakalimutan ko na. Hindi ko napuna, nang ibinigay ko ang lahat wala na palang natira, mali pala na magpaalipin sa nararamdaman, dahil kahit saan pumunta? 

Ang isip ko ikaw ang laging laman, pano ba naman may sasakyan lang na dumaan, yung may pangalan sa harapan? Kahit katunog lang naman ng sayo, ikaw agad ang naaalala ko tapos ang susunod, biglang may tutunog na kanta, hays yung paborito pa nating dalawa. Ang baduy diba? Nananadya ba ang tadhana? O pati mundo nagpapaalala sakin, sayo, satin.

Noong meron pang tayo, noong paghatid ko sayo pauwi at yung sabay nating paglakad? Habangmagkahawak ng kamay? Pero diba dapat kalimutan ko na? Bakit sa pagsulat ng storya, ala-ala mo parin ang nasusulat? Naalala mo paba yung sinulat kong "Limot?" Dapat yata kalimutan ko na ang salitang kalimutan kita. Kasi hindi ko na yata magawagawa.

Baka kasi mahal parin kita, Mahal parin ba kita? Siguro, baka, oo, hindi na, o diba ang labo? Kasi hindi na malinaw na ikaw parin ang kasama ko sa panghabangbuhay. Dahil sa lahat ng nangyari at sa lahat ng nakita sa panahon na lumipas at sa damdaming lumilikas palayo, patago na itinuro saking buhay na ang mga masakit na ala-ala ang dapat magturo kung paano umusad, hindi para huminto.

Pero paano tatakas ang puso na nakulong mo? Kasi oo masakit pa nang nagpaalam na tayo sa isa't isa. At di na nag usap ng ilang taon, pero bakit ganon? Kahit ganon ang nangyare walang nagbago. Kaya kung tatanungin mo ako kung mahal pa ba kita? Para san pa eh hindi naman na mahalaga,  Kasi hindi naman nawala, wala namang nagbago, Mahal parin kita.

 Naalala ko nung sinabi ko na Kapag lagi mong sinasabing mahirap gawin ang isang bagay? Mahihirapan ka talaga lalo. Kapag lalo mong iniisip na, kakalimutan mo siya? Mas lalong hindi mo siya makakalimutan. Alam mo kung bakit? Kasi sinasabi mo lang pero hindi mo ginagawa.

Sa ngayon ako ay naka move on na. Madaling sabihin. Pero totoo na. Isipin mo 5 years bago maka move on. At sa huli naman masasabi mo ring worth it, tandaan mo patience is a virtue


Bakit Ba? (Series)Where stories live. Discover now