EPISODE 43: 12:51

Start from the beginning
                                    

“anong problema? Huwag kang mag sisinungaling sa akin… alam kita.. dali na sabihin mo na sa akin” umiling ako..

“jasmine..” napabuntong hininga muna ako..

“break na naman kame ninang..”

*blah.. blah blah blah blah blah blah*

Kwinento ko lahat sakanya…

“hmm.. ganun ba yun.. ang landi naman nung coco..” sabay bukas dun sa pamaypay nya at nag de-otso ng upo.

“pero, alam mo.. kung ako ikaw Jasmine.. mas pipiliin ko si Uno..”

“Ha? B-bakit mo naman nasabi yan ninang??”

“bakit nga ba si uno? Simple lang, Kung si Zach.. naiintindihan ka.. mas triple ang pag intindi sayo ni Uno. Si Zach sweet.. pero si Uno? Mas Sweet sya.. Si Uno.. Single at walang commitment sa iba...”

Napatingin ako kay ninang beki.. At medyo napa OO nga ako..

“habang si Zach.. malapit ng ikasal.. oo masakit baby girl.. pero this is reality. Hindi lahat patas.. mabako sa dinadaan.. pero, hindi ibig sabihin non.. e kailangan mo na ding mag padala sa bako bakong daan. Pag isipan mong mabuti kung anong gagawin mo.. mag relax ka.. at for sure.. magiging okay din ang lahat…” tinapik nya ako sa mukha..

“bata kapa.. huwag kang mag madali. Sige na.. mag pahinga kana.'' inayos nya yung higaan ko. ''huwag kang masyadong mag iisip. The more na nag iisip ka.. The more na dumarami yung mga tanong sa utak mo. Kaya kung ako sayo.. Mag pahinga kana. Trust me, magiging okay din ang lahat.''

pagkalabas nya, dumeretso na ako sa banyo para mag hilamos. Pagkatapos nun, agad akong humiga para matulog na.. Mag twe-twelve 30 na pala.. At gising na gising pa ako. Kinuha ko yung teddy bear kong pillow, puwesto ng pa side at yinakap yun. Pinikit ang mata ng biglang tumunog ang pesteng cellphone.

SA MATA NG MGA SINGLE (REVISING)Where stories live. Discover now