EPISODE 21 >>>>

92.9K 1.1K 163
                                    

EPISODE 21 >>>  

JASMINE’S POV

 

tinulungan naman akong makaahon ni jacob. At ikinabit ni xander yung coat nya sa akin.

pinag tinginan ako nang mga tao dun.. pinag tatawanan... Hinusgahan.

''are you okay jasmine?'' pinupunasan ni yumi yung mukha ko gamit nung handky nya.

''gago pala tong Greg na toh.. Guess sya hindi waiter!'' susuntukin sana ni jacob yung lalakeng lumapit kanina sa akin.. Kahit papaano, sumasaya yung puso ko.. Buti nalang nandito ka jacob.

''nadine ask me to do that..'' dumating na si nadine. Linapitan sya ni ayumi..

''nadine, are you trying to kill jasmine??'' mas matangkad si Yumi kay Nadine..

''duh Yumi.. nag papaka super hero ka nanaman..'' maldita talaga tong babaeng toh.

''atleast sya super hero.. Ikaw kontra bida!'' sabay sabunot sakanya ni mika.

''let go of my hair bitch!!!'' sambit ni nadine.

''Mika.. Hayaan mo na sya.. Tuturuan ko sya nang lesson pag ka uwi namin sa bahay. Mahaba nanaman yung sungay nya. Pumunta muna tayo sa bahay ko.. Dun muna si jasmine.. Para makapag palit sya nang damit.''

Dinala nila ako sa bahay nila Yumi… dun muna daw ako mag iistay. Dumeretso kame sa kwarto ni Yumi..

''isuot mo muna tong damit ko, baka mag ka sakit ka kung hanggang mamaya yang damit na yan yung suot mo. Tapos tong mga undies na toh.. Hindi ko pa sila nasusuot so isuot mo. Mag shower ka na din.. Okay?? Hintayin ka nalang dun sa baba. Ipag luluto kita nang lugaw.. Para mainitan yung katawan mo.'' ang gaan nang loob ko sa taong toh.. Parang girl version sya ni jacob.

Pumasok na ako sa banyo nya.. Nag shower.. Pag katapos nun sinuot ko yung damit na binigay nya. Pantulog yun.. Ang ganda nang tela.. Super lambot.

SA MATA NG MGA SINGLE (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon