Chapter 2 - Textmates

5.3K 76 13
                                    

Lance’s POV

Hello. Hindi ko naintroduce yung sarili ko ng maayos kanina kaya uulitin ko nalang. I’m Lance Joshua F. Gonzales. Nag stay kami sa US for 2 years. Magaling pa din  naman akong magtagalog kasi nga diba 2 years lang naman kami dun. Sa GT University ako nag-aaral ngayon with my younger brother.

Nagtataka kayo kung bakit sabay lang kami ni Kevin eh mas matanda naman ako sakanya? Kasi inoperahan ako 2 years ago. Kaya kami nagpunta sa US para dun gawin ung operation ko. Nagpa Heart Transplant ako dun. Naging successful naman ung operation ko kaya lang sabi nung doctor eh kelangan ko daw magpahinga kasi hindi pa ako pwedeng mastress.Tapos after 2 years,ayun pumasok na din ako.

Actually ayaw ko nang mag-aral sana. Kaya lang mapilit si Kevin eh. Pero ok na rin kasi nakilala ko si Pam. Grabe.  Ang ganda niya talaga kaya hiningi ko number niya. Ayaw niya pa ngang ibigay nung una eh.

FLASHBACK

“May itatanong ako sayo Pam” seryosong sabi ko sakanya. Pffftt. Nakakatawa itsura niya nung sinabi ko yan. Haha. Kinabahan ata siya bigla.

“Ba-bakit?” haha. Ang cute niya talaga. :)

“Pwede bang mahingi number mo?” diretsong tanung ko sakanya. Ayaw ko na kasing magpaligoy-ligoy pa.

“Sorry. Hindi ko kasi basta basta binibigay ung  number ko kung kani-kanino lang eh.” Ayyy. Ano ba yan. Akala ko madali ko lang makukuha ung number niya.

Di ba ganun naman talaga un, kapag nagwagwapuhan ka sa guy, ibibigay mo na agad number mo sakanya. Minsan nga,sila pa ung nanghihingi ng number eh. Iba talaga si Pam.

“Sige na please?”

“Sorry talaga Lance. Hindi talaga pwede”

 Aish. No choice na talaga ako. Ito nalang ang paraang naiisip ko para ibigay niya na.

“Pls. Pam. Hindi ako tatayo dito hangga’t hindi ko nakukuha number mo” Nakaluhod na ako sa harap niya at naka-please sign. Wala na akong pakialam kung marami nang student na nanunuod samin. Desperado na talaga akong makuha number niya. Haha

“Aish. Sige na nga. Ito na. 0949*******. Ayan  na ha. Tumayo ka na jan. Nakakahiya ka.”

Yes! Nakuha ko na din sa wakas. Kelangan ko lang palang magmakaawa eh.

“Salamat Pam”

“Welcome” nakangiting sagot niya sakin. Ang  ganda  niya talaga.

After ng ilang hours, nag-uwian na din. Nauna na siyang umalis kasama ung mga kaibigan niya. Hmmm. Maitext nga siya.

To: Pam <3

Hello Ms. Beautiful

Hmmm. Ang tagal naman nung magreply. Busy ba siya o wlang load? Papunta na ako sa parking lot nang maramdaman kong mag vibrate ung phone ko. Pag-open ko.

From: Pam <3

Who's this?

Wow. Mataray pala siya sa text. Haha

To: Pam <3

Lance to. :)

Tapos nagvibrate nanaman phone ko. Ang bilis niya nang magreply ahh.

From: Pam <3

Ahhh. Hello Lance. Sige ahh. Busy kasi ako eh. Next time nalang. Sorry

To: Pam <3     

Ganun ba? Sige. Bye

Sayang. Busy pala siya. Pero oka na rin un,atleast nakatext ko siya kahit sandali.

Pam’s POV

Grabe. Nakakahiya si Lance kanina. Bigla nalang kasi siyang lumuhod sa harap ko para lang mahingi number ko. Haaaaaayyyyy. Di ko dapat ibibigay un ehh kaso sabi niya hindi daw siya tatayo dun hanggat hindi nya nakukuha number ko. Ang dami na kayang taong nanunuod samin kanina. Nakakahiya talaga. >_<

“Grabe best! Ang haba haba na talaga ng hair mo!”

“Tsk. Di ako makapaniwala sa napanuod ko kanina best. Parang nagpropropose na sayo si Lance eh. Haha”

>______<

Grabe naman tong dalawang to. Parang hindi ko naman sila bestfriends eh. -____- Haaaaayy. Anu naman kayang kelangan ni Lance at hiningi niya number ko? Naglalakad na kami ngayon papasok sa village namin. Magkakalapit lang naman mga bahay namin. Hahaha. Nagtataka kayo kung bakit naglalakad lang kami eh ang yayaman namin? Gusto kasi ni Justine at Laine na magcommute kami eh. >____<

 After 5 mins., nasa bahay na ako.

 “Manang,dumating na po ba si kuya?”

“Ayy mam. Wala pa po ang kuya mo eh.”

Antagal naman ni kuya Xander. Matutulog na nga muna ako. Maya-maya ay nagising ako dahil may kumakatok.

“Mam,may naghahanap po sa inyo sa baba.”

“Ha? Sige po manang. Bababa na ako.”

Hala. Sino naman kaya ung naghahanap sakin? Gabi na eh.

_________________________________________________________________

-sino kaya ung naghahanap kay Pam??  haha :))

-bakit hiningi ni Lance ung number ni Pam?

hello po. Sorry po kung may typo ako ahhh. pasensya na po :))

salamat nga po pla sa mga nag-add nito sa RL nila. :)

VOTE,COMMENT and BE A FAN

-aj <3

An Innocent Girl Turns Into a PLAYGIRL [COMPLETED]Where stories live. Discover now