Pero miss na miss na kita -gusto ko nasa malapit ka lang -gusto ko kasama kita pero hindi naman pwedi -naiiyak nya nang saad -wala akong ibang gustong gawin sa mga sandaling ito kundi ang yakapin at halikan sya para tumahan

Hush love -promise dadating ako dyan soonest 

Kilan yan -bukas? -sa susunod na bukas? -next week? -next month? -ayoko nang ganitong feeling Jason -I can't sleep -I can't eat enough lage akong walang gana -gusto ko lage kang kasama -at ayoko nitong nararamdaman ko -ayokong naka depende lage sayo ang lahat pero hindi ko na kaya -I need you -humahagulgol na saad nito 

Naihilamos ko nalang ang mga kamay ko sa aking mukha -matagal pa bago tumahan si Trinity sa pag-iyak -nakatulugan nya nalang ang bigat ng kanyang dibdib -at kahit anong gawin ko ding pag pikit hindi ako makatulog -kaya maaga palang pinuntahan ko na ang pinapagawa kong bahay -kinakausap ang Engineer na namumuno sa construction na kailangan nilang doblihin at bilisan ang paggawa -kung kailangan nilang magdagdag ng tauhan gawin nila -basta mapapa iksi lang ang duration period nito

You look wasted -mahina pero may diing saad ni tito Condrad na nagpalingon sa akin at ng Engineer na kausap ko

Tito ano pong ginagawa nyo dito? -tanong ko nang makalapit na sya

Dumaan lang ako since on the way naman sa pupuntahan ko and I saw you -eh ikaw anong ginagawa mo dito -at bakit ganyan ang itsura mo -ilang lingo palang naman kayong nagkahiwalay ni Trinity at alam kong kino-contact mo sya -napayuko ako ng ulo sa sinabi ni tito dahil guilty ako -agad naman din nagpaalam ang Engineer na babalik na trabaho -what am I right? -marahan ang tango na ginawa ko

I'm sorry tito hindi ko lang talaga kaya na hindi sya makita at makausap -tito please let me see her in person -shes not okay right now -I've talked to her last night and she was crying

Why -may pag-aalala sa boses ni tito Condrad

She wanted to come home -she said she is not happy in there -alam ko pong ako ang dahilan kaya ayaw nyang tanggapin ang promition na binigay sa kanya -as much as I wanted to tell her na tanggapin nya iyon -tito mas gusto kong nandito lang sya kasama ko -kasama natin -natahimik naman si tito Condrad ng matagal kaya binalingan ko sya -tito I can provide Tin's every need just let me -please -pagmamakaawa ko

Let this house be finished and you can bring her home -yun lang ang sinabi ni tito sabay tapik sa balikat ko at umalis na -nabunutan naman akong ng tinik -pero nang maalala ang isa pa sana sa ipapaki-usap ko ay agad akong tumakbo sa pinagparkingan nito at mabilis na kinatok ang bintana nito -what is it?

Tito pupuntahan ko si Tin sa Singapore -diri-diritso kong sabi -mataman at matalim akong tiningnan ni tito Condrad  -please tito -muli kong paki-usap ng hindi pa rin sya nagsalita -tito please I can't just stay here knowing that my girl there is not doing well -please tito just this one

Marahang tumango si tito Condrad kaya nabitawan ko ang kanina ko pa pinipigil na paghinga -promise me you will make my princess smile

I promise tito I will even make her happy -mabilis kong pangako na may kasamang ngiti -agad naman ding pinatakbo nito ang kanyang sasakyan -muli akong bumalik sa site para magpaalam sa mga Engineers doon

Nasa airport na ako ng tawagan ko si Kevin para sabihin na hindi ako makakapasok ng ilang araw dahil may aasikasuhin ako outside the country -good luck man -mabilis nyang sabi -napakunot ang noo ko -ngunit ng mapagtanto ko ang ibig nyang sabihin ay umoo nalang ako -gago talaga sa kanya naman naka assign ang mga investors na iyon gusto pa atang ako ang haharap -magulang talaga ang isang iyon pagdating sa trabaho -napapailing nalang  habang kausap ang sarali -in anyway naiintindihan ko din naman ang pinagdadaanan ng isang iyon -he has all the hope he loses ng makita nya si Ara sa isang mall -pero gumastos na sya ng malaki para maghire ng investigator pero wala pa din syang makuhang lead kung nasaan ito and I know na pagnalaman ni Kevin ang kinalaman ko kung bakit hindi nya magawang mahanap ang mag-ina nya sigurado akong mabubogbog nya ako -gusto ko mang kampihan ang pinsan ko sa panahon nato pero I just can't -mas mahal ko si Tin and I won't do anything para mabawasan na naman ang tiwala nya sa akin

Halos alas dyes na nang gabi ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ko -hindi kasi ako makakuha ng ticket sa mga naunang flight kahit chance passenger dahil punuan ang mga ito -Iknow I can use my connection dito sa airport but I refuse not to -agad akong kumuha ng cab para magpahatid sa inuupahang bahay ng mahal ko -ilang besis na akong kumakatok ngunit wala ng nagbukas ayaw ko namang gamitin ang doorbell dahil ayokong maiskandalo ang lahat lalo na ang bata -isang subok pa uli sa pagkatok -kung wala tatawagan ko nalang si Trinity kahit pa ang gusto ko ay ang isurprise sya -pero kung na sayong paning ang swerti 

You bastard don't you know tha---- -Ja -Jason? nagkandautal-utal na saad ni Javier -napangiti nalang ako dahil biglang nag-iba ang templa nya mula sa parang tigreng galit into amusement

Hi -bati ko dito -pasensya na sa istorbo ha

What are you doing here? -takang tanong nito habang niluluwagan ang pagkakabukas ng pinto -I thought some nonsense people who used to knock the neighbor's door -paliwanag nito -kaya pala ito galit ng una

Lage bang nangyayari yan sa inyo dito?

Minsan kapag weekends lalo may mga teenagers kasing mga tambay yan ang trabaho nila mang-istorbo -teka bakit ka nga nandito?

I want to see her -sabay tingala ko sa taas

Good that you are here -ilang araw nang walang buhay ang babaing yun -namamaga na ang mata kaka-iyak -pagtinatanong iiling lang naman -teka have you eaten yet? -may pagkain pa naman ipainit ko gusto mo? -alok pa nito

Mamaya nalang Jave I need to see Tin now -marahan naman itong tumango kaya nagmadali na akong umakyat pero siniguro na walang bakas ng ingay......


Love at First Sight -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon