Seventeen

1.9K 58 1
                                    

Trinity's POV

Hoy anong nangyari sayo? -nag-aalalang tanong sa akin ni Ara -dito ako dumiritso sa kanila pagkagaling ko sa condo ng walang hiya kong asawa -Tin ano ba? -bakit ka ba umiiyak ha -ano bang problema mo? -naiiyak na rin nyang tanong habang panay ang hagod sa likod ko

Ara ang sakit -saad ko ng hindi humihiwalay ng yakap  sa kanya -paano nya nagawa ito sa akin -sumbong ko sa kanya

Teka ano ba kasi ang nangyari -inalalayan nya akong maupo sa sofa nilang gawa sa ratan -pagkatapos agad syang tumungo sa kusina at binigyan ako ng tubig -bakit ba ha? -muli nyang tanong ng makaupo sa tabi ko

I saw Jason and his ex sa condo nya? -mahina kong saad -nanlaki naman ang mga mata ni Ara sa narinig

Anong ginawa nila?

Muling namasa ang mga mata ko ng maalala ko ang ginawa nila -hangang sa kusa nalang bumukas ang bibig ko at nagkwento sa kanya 

Parehas talaga kayo nitong kaibigan mo ng palad Trinity -saad ni nanay Lucy na may bitbit na banana cue -oh ito mag meryenda muna kayong mga sawi -sabay kaming  napangiti sa tinuran ni nanay pero alam din naming pareho na hindi umabot sa mga mata namin ang ngiting iyon -alam nyo yang mga lalaki hindi yan dapat iniiyakan -patuloy na saad nanay habang nagsasalin ng juice sa baso

Atey anong ibig sabihin ni nanay? -baling kong tanong sa kaibigan ko

 Atey wala na kami ni Kevin -mangiyak-ngiyak nyang pahayag -kaya mahigpit ko nalang niyakap ang kaibigan ko 

Anong nangyari? -mahina kong tanong kay Ara

Atey sorry ha kong hindi ko pa nasabi sayo ang sitwasyon ko -nahihiya kasi ako 

Ano ba Arabella nagpunta dito si Tin para magsumbong ng hinanakit sa iyo -kaya sabihin mo na agad at nang magdamayan kayong nadalawa -mabilis na singit ni nanay -kaya napangiti nalang din ulit ako -ang kwela lang kasi nitong si nanay Lucy eh -kahit na maraming problema ang dumarating idadaan nalang nya sa biro ang lahat -wkapag dinibdib daw kasi mas magiging doble lang mangyayaring sakit

Nanay talaga panira ka ng moment -di ba maglalaba ka pa kina Mayor puntahan mo na at nang matapos ka agad

Tsee -nakikiramay na nga ako -pinapalayas naman -kunyari tampong saad ni nanay bago tumayo

Teka nay -pigil ko sa kanya dahil naalala ko ang nabanggit ni kuya noong minsan nandoon ako -gusto mo ba magtrabaho kila kuya Eric -naghahanap kasi yun ng makakasama nila -para di na daw isipin ni Manang Rosing ang umuwi sa kanila -nalulungkot daw kasi

Abay nakakahiya naman Trinity -tinulungan mo na nga ang anak ko sa pag-aaral at libreng pa board and lodging  pa

Nay okey lang po yun mas magiging panatag po kami ni Ara kapag nag OJT na kami

Talaga bang sa kumpanya nyo ipapasok ang anak ko sa OJT nya? -may pag alinlangan na tanong ni Nanay Lucy

Bakit po nay may problema po ba doon? -nagugulahang tanong ko naman

Anak sige na karapatan ng kaibigan mo ang malaman ang tungkol sa sitwasyon mo -malumanay na saad ni Nanay

Atey? -baling ko kay Ara

Muli na namang nagtubig ang kanyang mga mata na humarap sa akin sabay gagap ng kamay ko -atey buntis ako -hindi ko alam kung ano ang magiging dapat kong reaction sa narinig -buntis ang kaibigan ko pero hiwalay na sila ng kanyang boyfriend

Love at First Sight -CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon