Men. Isang eskinita. Pundidong ilaw. Screams. Bato. Black out.

Bigla kong binawi ang kamay ko sa kanya. Tinignan ko ang life span niya at nanlaki ang mga mata ko. Two days na lang ang natitira niya!

"Viv, mag iingat ka ah, wag ka basta-basta maglalakad sa dilim ngayon, delikado na," paalala ko sa kanya but she just looked at me with a weirded out expression. "Reed, okay ka lang? Baliw ka na ba? May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?" Gusto kong sumagot na meron pero ayoko siyang matakot. She seemed scared now at sinusubukan na lang palakasin ang loob.

"Basta mag-iingat ka," mahina kong wika at tinalikuran na siya. "Nababaliw na ba siya?" Rinig kong tanong ng bagong dating niyang kaibigan. "Hindi ko rin alam."

Nanghihina na lamang ako umupo sa desk ko at dumukdok. It's frustrating how I can't tell others about my ability. Siguro para sa kanila nasisiraan na ako ng ulo pero hindi eh. Ibang iba, hindi na lang life span at kung kelan sila mamatay ang nakikita ko kundi kung paano sila mamamatay.

I'll try to alter death pero kung makikinig sila sa magiging precautions ko. But I suddenly remembered that death is inevitable, it cannot be altered nor stopped when it comes.

"Reed.." Iniangat ko ang aking ulo at nakita ko si Lau na nakatingin sa akin. "Totoo ba yung balita? Na montik ka nang masagasaan ng sasakyan nila Ryoichi at nababaliw ka na raw?"

"Pati ba naman ikaw, Lau?" I stated with frustration. Ginulo ko ang buhok ko at tinignan siya. "First, oo montik na, okay? Second, like hello? Mukha ba akong baliw?" Turo ko sa sarili ko matapos ko sabihin ang mga binitiwan kong kataga.

"Sis, alam ko naman na tanga ka at kalahati pero yung masagasaan ka aba umabot na ng talampakan ang katangahan mo, yung baliw naman alam kong abnormal ka lang pero wag mo na ring sagadin." Gusto kong magface palm at batukan si Laurice sa mga sinabi niya.

"Laurice! Best friend ba talaga kita?" Tanong ko. Tumango-tango siya na parang bubble head habang nakapikit. Akala ko ba ako ang abnormal sa aming dalawa parang mali ata ang turan niya.

Dumating na ang homeroom teacher namin at nagcheck ng attendance. Katulad ng mga normal na umaga naging boring ang klase. Nililibang ko lang ang sarili ko sa paglilista ng mga parameters nila.

Bumalik muli sa isip ko ang nakita ko kanina. Vivien Delgado, 082834, Murder.

"August 28, 2034. Murder." I mutter. How I wish I could alter it. May chance nga ba na ma-alter ko yon? I don't think so.

Lumipas ang buong araw at halos pinagtitinginan ako ng ibang estudyante, some of them even look at me from head to toe at ang iba ay nagbubulungan oras na dumaan ako.

How I could say na kaya kong malaman paano sila mamamatay at kung kailan pero lalo lang akong magiging freak para sa kanila. Hindi pa naman nagiging totoo yung nakita ko so wala pa akong proof na magiging totoo yon.

"In two days, Reed. In two days malalaman mo kung totoo ba ang nakikita mo," I convince myself.

Matapos ang buong maghapon ay umuwi na muna ako sa bahay upang kumuha ng bagong laba na mga uniform at bagong mga pamalit na damit para sa pagstay ko sa ospital. "Reed," napangiti ako nang narinig ko ang boses na iyon.

"Kuya Rich!" I squealed when I saw my kuya coming from upstairs. "Kelan ka pa nakauwi kuya?" I asked my big brother. Mahaba pa ang buhay ni Kuya. He will still be on his sixties as I read on his parameters. "Kanina lang, traffic sa bandang Pasig kaya medyo natagalan ako," he said as he sip on his ice cold water.

Napansin niya ang mga dala kong damit. "Dadalin mo yan sa ospital?" Tumango lang ako. "Kuya Rich, una na ako," tumayo na ako at nagtuloy-tuloy sa pintuan. "Ingat, Reed," malambing niyang paalam sa akin. Ngumiti ako sa kuya ko at tumango.

Her Eyes #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now