"Hindi eh" sabi ko tapos nagtago ako sa likod niya
"Miss may problema kaba?" Tanong niya sa babaeng sasampal sana sakin
"Let go of my hand , wag ka ngang makealam dito , siya ang problema ko hindi ikaw layas!" sigaw niya sa crush ko
"Miss kung may problema ka sa kanya parang sinabi mo ng may problema ka sakin"sabi ng crush ko grabe na ito kinikilig ako naku naku oxygen please!!!!!
"Sino kaba?" Tanong nung babae
"Ikaw sino kaba?" Tanong din ng crush ko OMG ang cool niya
"Aiiiish tara na nga" sabi nung babae tapos umalis na sila grabe sabi ko na eh isa sa mga fan girls ni kuya Neil eh naku naku
"May araw karin sakin!" Sbi paniya bago tuluyan umalis
"Ok ka lang?" Tanong sakin ng crush ko naku hihimatayin ata ako dito oh
"Ah oo ,ayos lang ako salamat pala ah" sabi ko grabe kinikilig ako haha
"Tara gusto mong sumama sakin?" sabi niya eto nanaman tayo sa poker face niya
"Ah eh saan?" Tanong ko
"Uuwi kana hindi ba?" Tanong niya
"Oo bakit?" Ako
"Wala tara samahan mo nalang akong kumain sa labas" wait? Inaaya ba niya ako sa isang date?
"Ah hindi date , kakain lang tayo " ano bayan kinikilig nako oh pero syempre no sasama ako hahaha
Gaya ng sabi ko sumama ako tapos dinala lang naman niya ako sa isang lugar na puno ng street foods
"Kumakain ka naman ng street food no?" Tanong niya sakin poker face padin
"Ah ... Oo " sabi ko kumakain naman talaga ako eh
Tapos dinala ako sa isang stall kung saan iba iba yung street foods name it andito lahat!
"Sige kuha ka lang ng gusto mo ako magbabayad " sabi niya sakin akala ko ba hindi to date? Hahaha
"Wag na ako nalang nakakahiya naman may pera ako " sabi ko
"Ako magbabayad" sabi niya poker face pero this time may pagka stern kaya nag nod nalang ako
Binayaran nga niya yung binili kong one day old at bituka ng manok , tapos umupo kami sa isang lamesa
"Teka bibili lang ako ng inumin natin" sabi niya sakin tapos umalis na
Bumalik din agad siya may dala siyang dalawang baso ng juice tapos umupo na sa tabi ko grabe totoo ba tong nangyayari sakin?
Hindi ba talaga date to?
Kumain lang kami at nagkwentuhan grabe poker face lang tlaga siya pero madaldal din haha ang kulet nga eh
Tapos ang sarap ng juice na pinainom sakin lasang yakult , tapos ng tinanong ko kung ano yon sabi niya mixture ng icetea at pineapple juice solid ang sarap!
"Nga pala ang tagal na nating magkakilala tapos hindi ko pa alam number mo , pwede kong makuha?" Tanong niya sakin syempre no tatanggi bako? Syempre hindi :)
Sinave ko sa phone niya yung number ko tapos , kinuha ko din yung phone ko para makuha ang number niya
Pagtingin ko sa phone ko 27 missed calls grabi halos galing kay kuya Neil tapos yung iba sa iba kong kuya mamaya ko nalang sila itetext
Sinave niya yung number niya tapos umuwi nadin kami ang lungkot nga kasi di kami parehas ng direksyon ng uuwian eh
Pagdating ko sa bahay nagpalit agad ako at nagsulat sa diary ko
Dear diary
Diary kyyyyyyaaaaahhhhh hindi ako makapaniwala na , nagdate kami ngayon ng crush ko ,pero sabi niya hindi daw date yon , pero parang ganon nadin yon diba? Hayyyyy grabe diary kinikilig talaga ako,isipin mo yon may magkakamali sa kapangetan ko hahaha , btw kahit ganon diary parang may mali eh may kulang hindi ko alam kung ano eh sige na diary bbye na ....
"Thank you sa time" uy nag text yung crush ko wahhhhh
"Thank you din sa libre" reply ko
5 minutes
10
15
20 minutes okay hindi na siya nagreply
Teka may nagtext baka nagreply na
"Baby bat hindi mo sinasagot tawag ko? Okay ka lang? Nakauwi kana? I miss you so much :c" si kuya Neil
Magrereply palang sana ako ng tumawag siya
"Oh kuya?" Sabi ko
"Baby bat dimo sinasagot tawag ko?" Sabi niya sakin na parang bata
"Wala tinatamad ako ?" sabi ko kasi hindi ko pwedeng kasama ko yung librarian aasarin ako non , sorry kuya i know i promised na hindi ako magtatago ng kung ano sa inyo
"Aw ganon hindi mo kami namiss?" Tanong niya
"Hindi bat ko kayo mamimiss?" Biro ko masayang lokohin to
"Ganon? Nagmadali pa naman kaming puntahan ka sa school kaya lang wala kana pala , tapos halos mamatay nakami sa kakaalala kung bakit hindi mo sinasgot yung tawag namin sayo , nageffort pa kaming sabihing miss kana namin tapos yung reason mo bat dimo sinasagot kasi tinatamad ka? At bat mo nga naman kami mamimiss diba? Okay!" Sabi niya
Toot...toot... Ano bayan nagbibiro lang ako tapos nag drama at binabaan pako hala galit ata? Naku naku -.-"
Matawagan nga ulit
1 call hindi sinagot naku tamporurut nanaman to
Hindi ako titigil hanggat hindi niya sinasagot namimiss ko naman talaga sila eh
2nd call
8th call
Wala padin baka busy ulit?
10 th call
15 th call
Hindi padin?
Isa pa
The subscriber cannot be reach please try again later...
Pinatayan ako ng phone?
Ah hindi baka na lowbat kakatawag ko tetext ko nalang
"Kuya kong pogi wag kana magalit joke lang naman yon eh , miss na miss ko na nga kayo eh , see you tom :)" ayan sana gumana :)
Nakatulog nako at lahat wala hindi man siya nagreply naku galit talaga siya patay ako neto
[an sana magustuhan niyo :) on hold lahat ng stories ko maliban sa Diary Ng Panget kasi tatapusin ko muna tong story kong to salamat 😘]
YOU ARE READING
Diary ng Panget
Teen Fictiondear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...
Chapter 27
Start from the beginning
