Nag-doorbell na siya at napapitlag ng biglang may nagsalita sa intercom malapit sa doorbell.

"Sino iyan?" tanong ng isang boses ng babae.

"Uhm. Ako po si Adrienne Martin. Pinadala po ako ni Mr. Marco Dame Montello ng Mon Records."

"Oh, come in." pagkasabi nun ay bigla nalang bumukas ang gate. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip tuloy niya na i-suggest sa parents niya na ipa-automatic narin ang gate nila. Why not?!

Naglakad si Adie sa pathwalk na napapalibutan ng mga light posts. Tapos sinalubong siya ng isang matandang babae na naka-uniform. Mukhang kasambahay ito.

"Good Evening po." Bati niya sa matanda. Six pm na kasi ng makarating siya rito.

"Good Evening rin. Halika at doon daw kayo sa studio." sabi nito at naunang maglakad. Sumunod siya at hindi niya naiwasang manlaki ang mata ng makita ang isang malaking portrait ng isang babae.


"Pasok na ho kayo." sabi ng matandang babae ng pinagbuksan siya nito ng pinto sa studio na sinasabi nito.

Nginitian niya ito ng tipid. Hindi siya makapaniwala. Nasa bahay siya ni..

"Take a seat." pukaw sakanya ng isang magandang babae na kalalabas lang sa isa pang pinto. Nakasuot ang babae ng isang simpleng black long sleeve dress na abot sa tuhod nito at naka-heels. Naka-ponytail ang buhok nito na kita ang napakaperpektong hugis ng mukha at makinis na kutis.

"Oh my God." hindi niya napigilang usal.

Natawa naman sakanya ang babae. "Let me guess, hindi mo alam na ako ang pupuntahan mo?"

Umiling si Adie bilang sagot. Nasta-star struck kasi siya sa puntong ito. Biruin niyo, maghahatid lang siya ng CD makikita niya pa ang idol niya?

There she was. Ang tinaguriang The Melody of an Angel.

Eunice Tan. Ang kanyang idol pagdating sa musika. Maniwala kayo't sa hindi, halos lahat ng kanta sa iPod niya ay kanta nito. Marami rin siyang poems at stories na naisulat at ang inspirasyon niya ang mga kanta nito.

"Are you okay?" nakangiting tanong nito sakanya.

"I-IDOL!!!" hiyaw niya at tsaka mabilis na niyakap niya si Ms. Eunice.

Natatawang gumanti naman ito ng yakap sakanya. Natauhan naman bigla si Adie at mabilis na bumitaw mula rito.

"Sorry po! Na-excite lang. Idol ko po talaga kayo! Ang ganda niyo po! Parang wala kayong asawa at anak."

Ngumiti naman ito sakanya. "Thank you. Ano nga pala ulit pangalan mo? Adrienne nga ba?"


"Opo! Pero Adie nalang po."

Tumango ito at pinaupo na siya. Jusko. Maging sa pag-upo nito ay napaka-eleganteng tignan. Grabe!

"And you're Marco's...?"

"Ah! Secretary po. Temporary." nakangiting sagot niya.

"Temporary? Well that's interesting."

"Two weeks lang po ako sakanya kasi po may trangkaso yung totoong secretary niya. Ay, eto po pala ang CD'ng pinabibigay niya, Ms. Eunice." sabay abot sa CD.

"Thanks. Wait here okay?" sabi nito at tsaka tumayo at lumapit sa isang player. Ipinasok nito ang CD doon ay maya-maya lang ay pumailanlang sakanila ang isang tugtugin. Habang tumutugtog ang CD ay umupo na ulit si Ms. Eunice sa upuan nito kanina na kaharap niya.

Ah. So eto pala ang laman ng CD na iyon. Ito kaya ang kino-compose ni Marco kanina?

"So what do you think?" napabalik siya sa katinuan ng bigla siyang tanungin ni Ms. Eunice sakanya.

"Po?" di na niya pala namalayan na tapos na ang tugtugin.

"Ano'ng tingin mo sa napakinggan mo?" nakatingin ito sakanya na para bang hinihintay talaga ang opinion niya.

"Maganda naman po." tipid na sabi niya.

Humalukipkip ito at sumandal sa upuan. "I'm planning to retire next year."

"Po?!!" gulat na usal niya.

"Ten years in the industry was enough. Gusto ko namang ituon ang atensyon sa pamilya ko. Pero hindi ko kayang basta-basta nalang iwan ang mga fans ko na nagmahal sakin these years. Kaya naisipan kong gumawa ng last album. And I'll entitle it as 'Angel's Last Melody'. So I asked Mon Records para sila ang mamahala ng album ko. Kasi I've been working with them for five years. Gusto ko ang mga kanta ko ay magpapaalala sa fans ko na kahit na retired na ako, my songs will be kept in their hearts. Kaya, tatanungin ulit kita Adie. Sabi mo nga, fan kita. As a fan, what would you feel about the song you've heard?"

Napaisip tuloy si Adie. Ipi-nlay niya ulit sa utak niya ang napakinggan niya kanina.

"Malungkot." nakita naman niyang ngumiti at tumango-tango si Ms. Eunice kaya ipinagpatuloy niya ang sinasabi. "Kahit wala pang lyrics, nararamdaman ko na malungkot yung melody. Parang..iyon ang nararamdaman ng gumawa.." mabagal na sabi niya sa huli.

Kung gayon, malungkot ba si Sir Marco?

Ano bang meron sa'yo, Marco Dame Montello?

---------

VOTE AND COMMENT. ;))
Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now