Ang Katapusan

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumayo agad ako. Hindi ako nanghihinayang o natatakot para kay Koko. Naiirita ako sa babaeng iyon. Chesca ba yung sinabing pangalan? Basta naiirita ako sa kanya! Ke babaeng tao at kay ganda pero ginagamit niya ang mukha niya para mahulog ang mga tao sa bitag niya. That woman is evil.

"Saglit lang, ginugutom ako." Untag ko.

Tumayo ang lahat dahil sa pagtayo ko.

"Hector, anong kakainin mo?" Malambing na tanong ni Kathy.

Nilingon ko silang lahat. Gusto kong iwasan ang tingin ni Chesca ngunit iyon agad ang natagpuan ng mga mata ko.

"Depende kung anong nakahain." At agad na akong dumiretso sa canteen para pumili.

Hindi maalis sa isip ko ang babaeng iyon. Chesca. Kaya naman nang nag hapon at nangabayo ako sa buong rancho ay siya ang naging laman ng isip ko. Iyong mga mata niyang mataray at yung pandidiri niya sa kamay ni Koko nang inakbayan siya.

"Hector!" Sigaw ni Koko sa akin nang nadatnan ko sila ng kanyang ama sa mga baka.

"Uy!" Tumango ako at hinaplos ng marahan si Abbadon.

Hinila ko ang kanyang lubid at tumigil siya sa pagtakbo. Pinunasan ni Koko ang kanyang pawis gamit ang kanyang braso at tiningala niya ako. Bababa sana ako nang napagtanto na may kailangan nga pala ako kina Aling Nena.

"Ano? Maganda ba iyong Chesca na ipinakilala ko kanina?" Kumindat siya.

Dinig ko sa boses niya ang pagmamalaki. Hindi ako makangisi kaya imbes na sumang ayon ay taliwas ang sinabi ko.

"Hindi. Hindi ko type ang mga ganun, Koko. Mag ingat ka run. Mukhang manloloko."

Natatawa akong tinuro ni Koko. "Hector? Halos di makabasag pinggan ang mukha nun! Kita ko? Mala anghel? Tapos sasabihin mo saking manloloko? Tsss." Umiling siya.

Umiling din ako at tinaas ang kilay. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

Tinalikuran niya ako habang tumatawa. Inangat niya iyong mga dayami at nilipat sa kabila. Nakita ko ang suot niyang jersey ko na iniwan ko kay Aling Nena noon. Ipinagkibit balikat ko iyon at pumanhik na sa bahay nina Aling Nena.

"Hiya~ Abbadon!" Tinapik ko ang kabayo at itinali sa kahoy na nasa tabi ng bahay ni Aling Nena.

Papalubog na ang araw at alam kong kanina pa ako hinihintay ng matanda.

"Oh, Hector, nasa mesa na yung binilin ni Carolina sa akin." Anang matanda na umiinom ng tsaa sa kanyang upuan.

"Salamat, Aling Nena. Bait mo talaga!" Tumawa ako at niyakap siya.

"Aray, itong batang ito!" Tinampal niya ang braso ko.

Tumawa na lang ako. "Ito naman. Naglalambing lang ako!"

Siya ang nagpalaki sa akin. Madalas ko siyang nilalambing noong malakas pa siya at bata pa ako. Kaya naman nakagawian ko ng bumisita sa bahay nila araw-araw. Sa mansyon siya nakatira noon. Pero nang tumanda at hindi na kinaya ang mga gawain ay binigyan na lang siya ni Lola ng bahay dito at pinatira kasama ang anak niyang ranchero din namin.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon