Napalundag siya ng padabog na inilapag nito ang heaphones niya. "Miss Martin, hindi ba at may trabaho ka? Hindi kita binabayaran para lang tumunganga sa akin magdamag. May I suggest na lumabas ka na so I can work in peace."

Napanganga naman si Adie sa sinabi nito. Hindi rin naman ito masyadong mayabang,ano? Kahit na gustong-gusto niya itong sagut-sagutin ay nginitian nalang niya ito. "Sorry sir. Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo." matapos niyang sabihin iyon ay mabilis na lumabas siya at padabog na naupo sa upuan niya.

"Akala mo kung sinong magaling! If I know, hindi benta ang kantang kino-compose niya! Naku! Kung hindi lang talaga dahil kay Ate Alex, hinding-hindi ko pagtiya-tiyagaan iyang lalaking iyan! Bwisit!" napasabunot nalang siya sa sarili.

Naalala niya kasi ang sinabi ng Ate Alex niya kagabi ng tawagan niya ito.

"Amuhin mo siya Adie. Get his trust, nang sa gayon, kapag nanghingi ka na ng pabor ay hindi ka niya matanggihan."

Napahinga ng malalim si Adie. Ano pa nga ba? Endure lang ang peg niya.

Alas dose na ng tanghali pero hindi parin lumalabas si Marco sa lungga niya. Si Adie naman ay naglunch na sa cafeteria ng kompanya ng mga Montello. Medyo naninibago parin siya sa trabaho niya pero buti nalang may nakausap naman siya na mukha namang mababait.

Dahil hindi naman din siya iniistorbo ni Marco, ay inabala niya ang sarili niya sa pagsusulat ng mga poems niya. Ayan ang libangan niya. Ang magsulat ng poems at stories. Minsan naman ang mga poems niya ay binibili ng kaibigan niyang nagbabanda at ginagawang kanta ang mga ito.

Lumingon siya sa taong bigla nalang tumikhim sa harap ng desk niya. Tumayo naman siya para batiin ito.

"Good Morning Sir, may I help you?" magalang na tanong niya sa lalaking nasa harap niya. In fairness, may itsura si kuya!

"Nasa loob ba si Marco?" tanong nito sakanya.

Ngumiti naman siya sa lalaki. "Yes sir, may appointment ba kayo sakanya?"

Natawa naman ito sa sinabi niya. Napakunot naman ang noo niya. Pinagtatawanan ba siya nito?

"What's so funny, sir?" sarkastikong tanong niya.

"Oh I'm sorry! Bago ka nga pala. Tell him, nandito si Mico."

Tumango naman siya at pumasok sa loob ng opisina ni Marco matapos niyang kumatok. Nakita niya itong nasa tapat may studio niya at nakaheadphones parin habang tutok na tutok sa computer nito tapos may mga buttons itong pinipindot sa gilid nito. Kinalabit niya ito para makuha ang atensyon.

"Sir, a certain Mico is outside. Papapasukin ko po ba?" tanong niya.

Napasandal ito sa upuan nito. "Ano'ng kailangan ng gagong yun?" bulong nito sa sarili nito pero narinig parin niya iyon. Magkagalit ba ang mga ito?

"Paaalisin ko ho ba?" nag-aalalang tanong niya. Aba malay niya ba kung kaaway pala ni Marco ang gwapong lalaking iyon! Mukha pa namang cowboy sa suot nitong brown leather jacket.

"No, let him in. At tsaka pakikuha kami ng lunch sa cafeteria."

Tumango naman si Adie at lumabas na ng opisina. Nakita niya yung Mico na hawak-hawak ang papel na sinusulatan niya kanina ng poem niya. Nang makita siya nito ay tila hindi naman ito nagi-guilty sa pagkahuli niya na pinapakealaman ang gamit niya. Nakaramdam tuloy siya ng inis.

"Pasok na po kayo,sir."

"Ang galing mo palang sumulat. Ano ito? Kanta?" usisa nito.

Lumapit siya rito at kinuha ang papel na hawak nito at inipit sa ilalim ng planner niya. "Poem lang po,sir. Pasok na ho kayo." sabi niya rito.

"Thanks!" nakangiting sabi nito. Pero hindi nakatiis si Adie at tinawag niya ang pansin nito.

"Sa susunod po sir, huwag niyong pakielaman ang hindi sainyo." nakangiting sabi niya at tsaka yumuko at tinungo ang elevator.

----

Ibinagsak ni Mico ang sarili sa swivel chair ni Marco. Si Marco kasi ay nasa tapat ng computer nito at gumagawa na naman ng kanta.

"You've got a one hell of a secretary pare!" natatawang sabi ni Mico kay Marco.

"Si Adie? Bakit?" tanong niya sa kaibigan na feel at home sa upuan niya at nakuha pang itaas ang dalawang paa sa lamesa niya.

"Wala. Never mind." sagot nito. Hindi na niya iyon pinansin at isinave na muna ang ginagawa niyang composition at tsaka iniharap ang upuan kay Mico.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Katamad sa rancho eh." sagot nito.

"Ewan ko sayo. Eh bakit ako ang ginugulo mong gago ka?" nakangising tanong niya rito.

"Eh busy si Dylan sa mag-ina niya. Si Jeremie naman hayun at bubuo daw sila ng anak ni Colyn, si Vin naman missing in action nanaman ang loko!" reklamo nito.

"Eh ano ba kasing kailangan mo?" iritadong tanong niya. Sa kanilang lima, itong si Mico ang pinakasimple pero sa kanilang lima ito ang akala mo eh walang negosyong pinapatakbo. Paano ba naman, laging nasa lakwatsa ang hayop! Papetiks-petiks lang ba.


"Bored nga kasi ako!" reklamo nanaman nito.

"Ulol! Huwag ako ang guluhin mo. Nabibwisit na nga ako dahil halos limang oras na ako sa tapat ng computer na iyan at wala pa kong matinong nagagawa!" frustrated na sabi niya.

"Sus! Kailan ka ba pumalpak ha?"

"Ewan! Basta parang walang pumapasok sa isip ko!"

Napatingin silang pareho nang kumatok sa pinto si Adie at pinasok na ang pagkaing pinakuha niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil may kasunod pa itong dalawang tauhan galing cafeteria na may dala ring pagkain.

"Ano 'to Adie?!" hiyaw niya rito.

"Pagkain sir?!" mabilis na sagot nito.

Narinig naman niya ang malakas na pagtawa ni Mico na ngayon ay sinisipat ang bawat pagkain na nasa lamesa na.

"Bakit ang dami?!" hiyaw niya ulit rito.

"Eh sir, hindi niyo naman po kasi sinabi kung ano ang gusto ninyo kaya hayan, inorder ko lahat ng nandoon." nakangiting sagot nito.

Napapikit nalang siya ng mariin sa pagkabuwisit sa bagong sekretarya niya. Akala niya eh matino itong nakuha ni Mrs. Duquez. Jusko! Mukhang siya pa ang aalalay sa babaeng ito!

"Sige sir. Happy eating!" masayang sabi ni Adie bago lumabas ng opisina niya.

Natatawang nilapitan siya ni Mico at tinapik ang balikat niya. "Mukhang hinding-hindi ka mabobore dito sa opisina mo,pare! Ayos iyang secretary mo!"

"Yeah, makakalbo ako pagkatapos ng two weeks!"

----------

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now