Chapter 1 - The Beginning

85 5 7
                                    

Let's start off with me.

Ako si Drazen Ferrer. Gitarista ng bandang Wapakols.

Kasama ko dun sina Vincent Herrera (guitarer), PJ Bernal (Basser), Neo Diaz (drummist), at si Nikki Trinidad (songer).

We're just your typical band. Friends from Highschool tapos sali sa gigs tuwing may event.

Nothing special. Ngayon 1st year college na kami, at dahil BFF's kami ng bandmates ko, sa iisang school kami pumasok! XD

About lovelife?

Damn, ayoko pag usapan. Ganito kasi, my past relationships SUCKED!

Ako yung tipong nagmamahal ng buong puso. Pero ako din yung laging INIIWAN. /wrists

So that made me the man I am today:

Isang taong hindi naniniwala sa pag-ibig.

Ano ba nangyari kamo?

Well, ganito kasi; yung first gf ko, 3rd year HS ako nun.. So young and so in love. We had a pretty good relationship. I was the sweetest guy to her. Yung tipong, nagawa kami ng scrapbook, I'd make poems on our monthsary, I'd sing for her, and when we fight, I was always the one who kept quiet and the one who will first say "Sorry".

Pero pusang gala lang, ang TANGA ko shet! Haha.

One night nakita ko siyang may kalaplapan! Ang sakit lang, pero ako bilang isa tanga, ay pinatawaran naman ang baluga! And the saying goes, once she cheats, she will keep doing it. 

Weeks passed and talagang hindi ko na kinaya yung sakit. We broke up. But 3 days later, BOOM! In a relationship na agad ang status sa FB -.-"

Dun naman sa 2nd ko, It started out great. 4th year HS ako nun, From being friends all the way to panliligaw. 

13 ung day na sinagot niya ako. Ang tuwa ko, sabi ko, eto na talaga. Don't mess this up. 

You see, ayokong mangolekta ng babae. I want long term relationships.

But what happened to us? Wala pang 1 week, nakipag break siya sakin. Sabi niya "hindi pa ata ako ready magka bf"

Sabog.

 Kaya ayun, ayoko na, hindi na ako naniwala na may tunay na pagmamahal.

 Kontento na ko sa mga kaibigan ko. Ang aking mga ka banda.

First day of the second sem ngayon. Nag meet up kami "sa may puno" sa school bago pumasok sa klase. 

Eto mga course namin: Si PJ at Vin, engineering. Bagay sa kanila kasi ang galing nila sa math. *drools*

Si Neo, BS CS naman. Hindi Bachelor of Science in Counter Strike ha. :P

Si Nikki, BSA. Hanga ako sa kaniya kasi ang hirap nun! Alam ko kasi BSA dn ako nung first sem. Hindi ko kinaya kaya ako ngayon ay isang... PSYCHO! haha. BS Psychology naman ako ngayon.

So eto, nakaupo lang kami sa bench at nagmeeting lang bago pumasok...

"Zen, pano ba yan, hindi ka na namin kasabay mag graduate!" Napatawa si Vin.

"Oo nga, nangiwan!" Pabirong sinabi naman ni Nikki. 

"Sasabog na utak ko diyan sa lintek na debit credit na yan eh. Pangasar" Sagot ko.

Nangasar si PJ at Neo, "Weak ka lang!". 

"Eh di weak na kung weak! Tara na ngang pumasok. Malapit na din mag time. Pati excited na ko mameet mga bago kong classmates." Kinuha ko ang clutch bag ko, tumayo, at nagpaalam na. 

"Ge boy, pakilala mo kami sa mga chicks mo ah!" Tumawa si Vin na pang manyakis. Napa "heh" na lang ako sa itsura ng mukha niya XD

....

Chem Lab. Doon ang room ko sa first period. Wow, lab agad sa first day, -..-"

Kabado ako nung pumasok ako sa room.

Shet.

Napatingin sila sa akin...

Bakit ganito?

Puro babae ang mga classmate ko... T_T

Rhythm of LoveWhere stories live. Discover now