Chapter 1 Part 2: A hundred........................PESOS!

41 2 0
                                    

(Dane’s POV)

“Bakit ko pa siya naging kaklase… sa dinami-dami ba naman nang tao diyan siya pa…” sabi ko

“Alam mo, isa lang ang tawag diyan eh… Destiny yan te! Meant to be talaga kayo! Pak na pak! Eh, ano bang problema mo dun sa lalake na yun? Gwapo naman ah! Jackpot ka nga eh…” sabi ng kaibigan kong si Lene, sabay kagat nang burger niya

Andito nga pala kami ni Lene sa canteen. Break kasi eh…

“Eh pano kaba namang hindi maiinis dun, parang hindi naman ginagamit ang mata… Tapos takbo pa ng takbo… Nabangga tuloy ako… Nagmamadali raw siya…” sabi ko

“Yun naman pala eh… Nagmamadali naman kasi” sabi ni Lene

“Eh sa, alam naman niyang nasa school siya at maraming tao, dun pa siya nagtatatakbo” inis na sabi ko

“Hayaan mo na lang, kahit papaano naman eh, may nangyari namang maganda… buti ka pa!” parang kilig na kilig na sabi ni Lene

“Anong maganda?!” nagtatakang tanong ko

“(mahinang tili) Nagkadampi naman balat niyo! Tapos, nagkatinginan pa kayo! Inggit ako sa’yo girl! Ang swerte mo!” sabi ni Kate na tili parin ng tili

“Yuck! Tsk… Tigil-tigilan mo nga ang kalandian mo!” inis kong sabi

“Gravyyyyyyy! Huy, pagkinasal kayo ha… alam mo na!” parang tangang sabi ni Kate

“Ano kaba, sinapian?!” nanlalaki-matang sabi ko

“Hindi kaya!”

“Joke lang… asan nga pala si Harry at Arnold?”

Yessssssssssss! Naiba ko yung usapan XD

“Ah… si Harry, andun sa Library, may hahanapin daw siya eh. Tapos, si Arnold naman, ayun, binabarkada si Clifford” pagpapaliwanag ni Lene

“Oh… I see…” sabi ko

“Tara, punta tayo sa washroom…” pag-aaya ni Kate

“Anong gagawin mo dun?” pagtatanong ko

“Kakain, bakit?!” sigaw ni Kate

“Huh?!” pagtataka ko

“Joke lang… syempre maghuhugas ng kamay at magreretouch na rin.” sabi ni Lene

“Ah, ok!” pagsang-ayon ko

Pumunta nga kami ni Kate sa washroom. Pagkatapos ay bumalik kami sa room namin. Natapos ang klase at papauwi na kaming apat (Ako at ang aking tatlong dakilang alalay… Joke!)

“Sabay-sabay na tayong umuwi…!” pag-aaya ni Arnold

“Sige!” sigaw naming tatlo

“Ay!” pagsigaw ko dahil may naalala ako

“Anong problema Dane?!” tanong nilang tatlo sa akin

“Ah, eh,…” pagdadalawang isip ko kung sasabihin ko ba sa kanila

“I,o,u…” sabi ni Harry

“Huh?!” tanong naming tatlo

“Sabi kasi ni Dane A, E, kaya tinuloy ko lang…” pagpapaliwanag ni Harry

“AHHHHHHHHHH!” sabi naming tatlo

Back to reality… kahit wala namang katotohanan to! XD

“Ah, kasi, may kailangan pa pala akong gawin… mauna na kayo” sabi ko sa kanila

“Ano yun?” tanong nilang tatlo

“Basta! Umuwi na lang kayo. Ipapaliwanag ko na lang sa inyo bukas. Sige, Bye!” sigaw ko sa kanila habang lumalayo

“Sige! Ingat ka ha!” sigaw ni Lene

Sa wakas! Nakalayo na rin sila!

“Ano kaya ipangbabawi nang mokong na iyon…” pabulong kong tanong

Pumunta na ako sa gate ng school nang makita kong wala na ang akingng mga kaibigan.

“Hello, miss…” tanong nung lalaki kanina nakabangga sa akin kanina

“Buti naman at andyan ka na…” inis na sabi ko

“Kanina ka pa ba diyan?” tanong nang lalaki

“Tama na ang satsat. O, ano na yung sinasabi mong ipangbabawi mo sa akin?” inis ko pa ring tanong

“Ano bang gusto mo?” tanong nang lalaki

“Hmmmmmh… 100 pesos!” pang-iinis kong sabi

“Yun lang ba?” tanong ulit nang lalaki

“Bakit, pwede pa ba?!” inis kong tanong

“O sya, ito na nga, (sabay abot nang 100 peso bill sa’kin) yan na ah, wala na akong utang sa’yo…” sabi nung lalaki

“Mayaman ka pala eh… o sige, sa susunod uli, Bye!” pang-iinis kong sabi sabay alis

“Sa susunod?” pagtataka nang lalaki

“Yahoooooo! (happy face) Huh?! (shocked face) sa susunod?!, nasabi ko ba yun?! Ah, basta! Hehe…” pabulong kong sabi

Clifford's DiaryWhere stories live. Discover now