Chapter 1:

265 4 0
                                    

Nasa loob kami ng classroom. Wala kaming ginagawa, wala kasi yung prof namin. Nagku-kwentuhan lang kami ni Aya.

Si Aya, siya ang bestfriend ko simula nung elemtary. Parehas kami ng hilig kaya hanggang ngayon magkasama pa rin kami.

Ako nga pala si Lara, simpleng tao at hindi kagandahan at ang lagi kong kasama ay si Aya.

Habang nagku-kwentuhan kami ni Aya, biglang dumaan sa harap namin si Jake at sinabing..

"Hi babe!" Jake

Hindi na kami nagulat ni Aya kasi ganun naman palagi si Jake sa mga babae. Gwapo siya pero ubod ng yabang. Biglang nagtanong si Aya.

"Lara, paano kung ligawan ka ni Jake?" Aya

"Ano ka ba Aya? Hindi mangyayari yun nuh! Ang yabang yabang niya tsaka hindi ako matitipuhan nun. Baka ikaw pwede pa."  sagot ko

"Lagi ka kasi nyang inaasar di ba? kaya napag-isip-isip ko, paano nga kaya kung bigla ka nyang ligawan?" Aya

"Hay naku Aya, nambubwisit lang yun parang hindi mo naman kilala si Jake. Itigil mo na nga yang imahinasyon mo."  Ako

"okay" Aya

Si Aya talaga kung ano ano na lang ang naiisip. :D

Spin the BottleWhere stories live. Discover now