"Mona"tawag ni Nanay
"Po?"
"Mamaya mamili kayo nang uulamin natin"sabi ni Nat at binigay sa akin ang isang papel na nakalista ang mga bibilhin
"Nay sama ako kay ate"sabi ni Shina
"Samahan mo dito si Nanay"sabi ko
"Dito ka na lang apo walang kasama si nanay"sabi ni Nanay kay Shina
"Okay po"malungkot na sabi ni Shina
"Maligo lang po ako"sabi ko
"Sige"sabi ni Nanay,naligo na ako
Ako si Mona Gomez,tatlo kaming magkakapatid si Ronald,ako at si Shina kasama namin si Nanay Jean
Mga magulang namin iniwan kami kay nanay nung 10years old ako simula noon naiinggit ako sa mga kasing edad ko na kasama nila mga magulang nila may negosyo kami pero ang may may ari nun ay anak sa labas ni papa na si Kuya Richard sa amin rin sya nakatira
"Nay punta na po ako sa palengke"paalam ko kay Nanay
"Ingat ka"sabi ni Nanay
"Salamat nay"sabi ko
Lumabas na ako nang bahay na may dalang wet bag para sa mga pamimili ko
Ang daming tao ngayon sa palengke
Pumunta ako sa nga gulayan
Matubig ang sahig nang palengke
Nakabili na rin ako nang baboy,isda,manok,baka at nang mga gulay tapos mga panlasa
Yun ang mga nakalagay sa listahan na binigay sa akin Nanay
"Miss"tawag nang lalaki
Medyo matangkad,maputi,naka eye glasses sa sobrang sikat nang araw
"Ano po yun?"tanong ko
"Saan ba banda dito ang Malayuan?"tanong sa akin ni kuya
"30minutes po papunta dun"sabi ko
"Ahh ganun ba,puwede mo ba ako samahan sa lugar na yun"sabi ni kuya
Hindi ko sya matutulungan at mamaya anong gawin sa akin nito
"Sorry kuya hindi po kita masasamahan"sabi ko at naglakad na ako palayo sa kanya
Tumingin ako sa kanya kung ano ginagawa nya nakita ko syang nagtanong tanong sa iba pero hindi sya pinapansin
"Salamat apo"sabi ni nanay
"Walang anu man po"sabi ko at nilagay na sa ref ang mga dapat ilagay
"Ilabas mo yung baboy apo magsi-sinigang na baboy tayo ngayon"utos ni Nanay
Sinunod ko ang sinabi ni nanay at nilabas ko na rin ang mga kailangan sa sinigang na baboy
Tinulungan ko si nanay mag luto
Si Shina nagwawalis at nagpupunas
"Ang swerte ko sa mga apo ko"sabi ni Nanay habang naghihiwa
"Kami nga po ang maswerte kasi maganda ang Nanay namin"ngiti kong sabi
Natapos na rin ang pagluluto namin kaya nilagay ko na sa lamesa ang mga pagkain
Tapos na rin maglinis si Shina
"Nay may dumating bang lalaki dito?"tanong ni kuya
Nagulat naman ako dun
"Wala apo"sabi ni nanay
"Dito mag homestay kaibigan ko galing sa..."sabi ni kuya
"Siguro naligaw yun kuya"sabi ko
"Siguro nga"sabi ni kuya at nagdial
"Si shina?"tanong ni nanay
"Naliligo po"sabi ko
"Hugasin ko lang mga ginamit natin sa pagluto"sabi ni nanay
"Sabay sabay na natin hugasan kasama itong kakainan natin"sabi ko
"Sabi mo ahh"sabi ni nanay
"Woww amoy na amoy ang ulam"sabi ni shina na may tuwalya sa ulo
"Nay nandito na kaibigan ko"sabi ni kuya
Pumasok ang isang familiar na lalaki
"Ikaw?"sabay turo nya sa akin
"Magkakilala kayo?"tanong ni kuya
"Sya yung babaeng tinanungan ko kanina na 30minutes daw papunta sa malayuan"sabi nang kaibigan ni kuya
"Malayuan dun ba yun ahh"sabi ni Shina
"Maloyuan to brad"sabi ni kuya
"Mali ako nang pagbigkas"ngiti nang kaibigan ni kuya
"Tara sabay ka na mag tanghalian sa amin"sabi ni nanay
"Salamat po"sabi nang kaibigan ni kuya
Kaharap ko yung kaibigan ni kuya
"Napakasarap naman nito,anong pangalan na ulam nato?"tanong nang kaibigan ni kuya
"Sinigang na baboy"sabi ni Shina
"Parang narinig ko na yung sinigang na baboy first time ko lang makakain nito"sabi nang kaibigan ni kuya
"Iho anong pangalan mo?"tanong ni nanay
"Felix po"sabi nya
"Gwapong pangalan"sabi ni nanay
"Ako si Shina"sabi ni bunso
"Ehh ikaw"tanong ni Felix
"Mona"sabi ko
"Cute name"sabi ni felix,first time ko lang masabihan ako na cute name ang pangalan ko kasi nung first day ko sa school nung grade 1 ako inaasar nila akong monay kasi mona na dagdagan nang y
"Salamat"sabi ko
Tapos na kami kumain
"Tara pre samahan kita sa magiging kwarto mo"sabi ni kuya
"Okay"sabi ni felix
"Nay salamat sa ulam"sabi ni Felix kay nanay
"Walang anuman yun felix at magpasalamat ka rin kay Mona tinulungan nya ako sa pagluto"sabi ni nanay sabay turo sa akin
"Salamat Mona"sabi ni Felix
"Walang yun"sabay ngiti ko
Umakyat na sila kuya sa taas
"Ate ang gwapo ni kuya Felix"sabi ni Shina
"Oyy crush nya"sabay kiliti ko
"Hahahah..hindi ko..sya..crush..ta..ma..na..ate"tinigil ko na ang pagkiliti sa kanya
"Crush nya si Felix"mahina kong boses na binulog ko kay Shina
"Nanay ohh si ate inaasar ako"sumbong ni Shina
"Hahhaha"tawa ko,tumawa rin si Nanay
Naghugas na ako nang mga kinainan at nga ginamit namin sa pagluto
•••••
Comments
