Ang Makahiyang Walang Hiya

37 0 0
                                    

Noon, buong akala ko ang maging mahiyain ay tama,

 mali pala, lalo na pag wala ka naman nagawang masama.

Ako'y natakot magkamali at mapintasan,

kaya katulad ng isang makahiyang nahawakan, ako'y tumiklop ng tuluyan.

Pakiramdam ko nagmumukha na akong tanga,

simpleng pakikipagkilala ay hindi ko magawa.

Hindi ko masabi kahit ang magagandang salita ng paghanga,

kabiguan sa sarili'y dinadaan na lamang sa tawa.

Hindi ko alam kung paano ito nagsimula.

Hindi ko alam pero ito ang aking hula,

baka sadyang nagmana lang ako sa aking amang mahiyain,

baka nga sa kanya ko ito nakita at pinilit gayahin.

Sana hindi pa huli para baguhin ang maling gawain,

sana hindi pa huli para sagabal ay sugpuin.

Sana hindi pa huli para bunutin,

ang walang hiya na makahiyang nakatanim sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Makahiyang Walang HiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon