Seen in the Rooftop

139 7 8
                                        

"Monique! Stop eating, we're gonna be late for our next class!" Kanina pa kasi kain nang kain 'tong best friend ko. Yet, she's not even gaining weight. Ang unfair talaga ng life.

"What subject?" tanong ni Monique habang patuloy na ngumunguya ng burger.

Nasa cafeteria kami at parang kami nalang ang tao dahil ang iba ay mga nasa klase na sila.

"Uhm.. Mathematics." nag-aalangan pa kong sumagot dahil alam niyang paborito ko ang subject na 'yon.

"Oh, your favorite subject huh? Ikaw Castry ha! Stalker ka talaga ni mystery guy!" pang-iinis niya sa akin. Hinila ko na kaagad siya bago pa niya ako pagtawanan. Pumapalag pa siya kaya mas lalo akong nahihirapan.

Yes, Math is my favorite subject. Kase naman, yun lang ang subject na katabi ko ang bintana sa sitting arrangement at alam yun ni Monique.

Agad naman kaming nakarating sa room at dumeretso sa upuan. Nasa bandang likuran ako, while Monique's in the front so wala talaga akong nakaka-usap. But still.. katabi ko pa rin ang bintana, making my situation a lot more bearable.

Our class started nang dumating na ang prof. Wala pa rin akong maintindihan dahil nasa likod ako at mahina pa ang boses niya kaya ayoko nang pilitin pa ang sarili ko na makinig hindi din naman nakikinig yung iba dahil kung hindi cellphone, drawing lang ang inaatupag nila.

Inadjust ko ng konti yung upuan ko para mas lalo akong mapalapit sa bintana.

And when I hit the right angle, there I saw him.

He's still there in the rooftop. Nakikinig ng music sa headphones habang naka upo at naka labas ang mga paa niya sa railings ng rooftop he's always there tuwing Math subject namin at siguro yun din ang dahilan kung bakit gusto ko ang subject na 'to. Nasa 4th floor kami ng building at nasa rooftop naman siya ng katapat naming building so kita ko talaga siya.

I might sound creepy, but I enjoy staring at him tuwing nabobored ako. Two months na nang magsimula ang klase at two months na rin siyang nakatambay sa rooftop tuwing ganitong oras. Hindi kaya napapansin ng iba kong classmate yun? Wala siguro siyang klase tuwing ganitong oras kaya lagi siya doon.

Nakikinig lang siya ng musics pero minsan meron siyang hawak na gitara. I can't hear him singing pero dama kong kumakanta siya when he's playing his guitar. So nag-aassume na lang ako na ako ang kinakantahan niya.

Naeenjoy niya siguro ang view sa pwesto niya kaya palagi siya roon. Hindi ko kase matukoy ang direksyon ng mga mata niya dahil masyado siyang malayo. Never ko din siyang nakasalubong sa hallway or kahit saan sa school kaya hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

"Class Dismiss! See you tomorrow class." natauhan naman ako sa salitang 'Class Dismiss' at tinuon ko naman ang atensyon ko sa mga nagkakagulo kong mga kaklase.

"Castry!" Sigaw ni Monique na para bang sobra ang pag-alala. Agad ko naman siyang nilapitan at naabutan ang nakatulala niyang muka. "Monique, are you okay?" tanong ko sa kanya. Ano bang nangyayari dito? Mukang sobrang lalim ng iniisip niya at para bang wala sa sarili.

"Sorry Castry, pero hindi muna ko makakasabay sayo ngayon. Pinapa-uwi ako agad nila mommy. May emergency sa bahay e, sorry talaga." hindi pa ko nakakasagot nang tumakbo siya paalis. May nangyari kayang masama? Wag naman sana.

Bago ko umalis, tumingin muna ako sa bintana pero umalis na ata yung lalaki kaya nag handa na lang akong umuwi.

***

Panibagong araw na naman, pero wala namang pinagka-iba sa huli. Hindi pumasok si Monique kaya wala muna akong kasama for now.

Excited na akong magmathematics para makita ko na yung guy kaya ito ko ngayon halos takbuhin ko na ang classroom namin. Saktong pagdating ko ng classroom ang pagpasok ng prof namin kaya di ako na-late.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scene in the Rooftop (ONE SHOT STORY)Stories to obsess over. Discover now