WSF: Chapter 24

2.2K 97 22
                                    

Ris' POV

Laking gulat ni Via ng dumating sya dito sa bahay at nadatnan kami ni Marco na tinuturuan kong sumayaw habang nakaupo ako, magaling sumayaw si Marco at dahil lagi syang kasama sa practice namin ay nakabisado nya yung mga dance steps.

Hindi ako pwedeng sumayaw dahil sobrang namamaga yung paa ko, hirap ako sa paglalakad at tinulungan lang ako ni Marco na makalakad papunta dito sa garden kung saan kami lagi nag-eensayo.

"Via!" Bati ni Marco ng may masayang ngiti.

Bahagya akong nangiti at pinaghalukipkip ang aking mga braso dahil sa nakikita kong saya ni Marco, matagal na namin syang kaibigan ni Tessa at ngayon lang namin sya nakitang magkagusto sa isang babae, para syang bata na nakakita ng candy sa tuwing makikita nya si Via, nagniningning ang kanyang mga mata at mabilis na napapalitan ng galit yung aura nya sa tuwing nagseselos sya. Sobrang bait ni Marco at masayahin kaya mabilis makita pag hindi maganda ang pakiramdam nya. Naaawa ako sa kanya sa totoo lang dahil alam namin ni Tessa kung sino ang gusto ni Via kahit hindi aminin ni Via, alam namin na may nararamdaman sya kay Sir Kyle.

"Ikaw ang magiging partner ko?" Gulat na tanong ni Via.

"Parang ayaw mo ah." Ngumuso pa si Marco na ikinatawa ko.

Natawa din si Via. "Baliw! Bihis lang ako tapos simula na tayo." Tumango si Marco tsaka pumasok si Via sa bahay.

Nakangiting bumalik si Marco sa pwesto nya kanina nung nagsasayaw sya. "Marc, yung bibig mo baka mapunit." Hindi sya nagsalita at nagpatuloy lang sa ginagawa habang nakangiti pa din at umiiling-iling.

Ilang sandali pa ay bumaba na si Via at nagsimula na silang magpractice. Habang pinapanood ko sila ay hindi ko mapigilan ang mangiti, bagay sila at may chemistry lalo na kapag magtititigan sila dahil required yun para masfeel yung sayaw. Ramdam mo yung init ng tingin ni Marco kay Via, ramdam mo na may gusto talaga ito sa kanya.

Mabilis na natapos yung ensayo nila dahil sa magaling nga si Marco at alam nya yung steps kaya hindi sila nahirapan.

Kinabukasan ay hindi pa din ako nakapasok kaya inayos ko na lang yung susuotin ni Via, Tessa at Marco pero pupunta ako mamaya sa DND. Si Tessa at Marco ay hindi part ng employees ng Paragon dahil sa private company sila nagtatrabaho pero dahil pwede kaming mag dala ng tig-isang kasama ay naisama namin sila as our guests.

Umuwi muna sila dito para makapaghanda para mamayang gabi ng matapos ang trabaho nila tapos ay sabay-sabay na kami pupunta ng hotel kung saan gaganapin yung DND.

Madami ng tao sa venue ng dumating kami, abala ang lahat sa pakikipag-usap habang si Marco at Via ay nagpunta na ng CR para magbihis. Ilang sandali lang ay lumabas na sila.

 Ilang sandali lang ay lumabas na sila

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.
When Sparks Fly (Slow Update)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن