Nanlaki ang mga mata ko. She's crying for him! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Chesca?" Tawag ng walang kamuwang muwang na si Hector sa gilid ko.

Nanlaki din ang mga mata ni Elena nang nakitang nakatingin ako sa kanya. Agad agad ay binawi niya ang titig niya kay Hector at tumakbo na siya at lumiko para mawala na sa paningin ko. Unti unti ko namang nilingon ang nakataas na kilay ni Hector.

"Ano? Tulala ka?" Tanong niya sa akin.

Hindi niya nakita iyon. Hindi niya nakita ang pag iyak ni Elena na paniguradong dahil sa kanya. Ang swerte naman talaga ng lalaking ito at madali siyang mahalin. Lahat ata ng napapalapit sa kanya ay paniguradong magmamahal. Pero sakin... sakin hindi pwede yun. Ako lang dapat. Nilingon ko ulit ang kinatatayuan ni Elena kanina bago ako sumama sa kanya palabas ng ospital.

"Anong pinag usapan ninyo ni Clark?" Tanong niyang halatang may bahid na pagdududa nang papasok na kami sa sasakyan niya.

Umirap ako. "Kung ano ang pinag usapan namin nung nandun ka, yun na yun." Sabi ko.

Tinitigan niya ako bago pinaandar ang sasakyan pagkapasok niya.

"Ikaw? Anong pinag usapan ninyo ni Elena?"

Nagkasalubong ang kilay niya. "Yung nangyari sa daddy niya. Bakit? Nagseselos ka?"

Ngumuso ako at nag iwas ng tingin.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Hindi ko sinagot iyong tanong niya. Imbes ay tinarayan ko na lang.

"Ba't ako magseselos? Tsaka, paandarin mo na nga iyong sasakyan." Utas ko.

"Asus! Dumideny pa, e, alam ko naman na mabilis kang magselos." Natatawang sinabi ni Hector.

Umirap na lang ako sa kawalan buong byahe. Ni hindi ko alam kung saan kami patungo pero base sa mga dinadaanan ay siguro sa bahay kami pupunta. Nabanggit niya rin namang lumilipat na ng paunti unti ang kapatid at pinsan ko doon. Gusto kong umangal pero magmumukha na talaga akong tanga kung nandito na lahat ng gamit ko sa bahay na ito.

"Bibisitahin natin ang kapatid mo." Aniya sabay sipol na parang ang saya niya.

Hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang kinaiinisan ko ngayon. Basta naiirita lang ako at hindi ko siya magawang sabayan sa kanyang kaligayahan.

Itinigil niya ang sasakyan sa bahay na miss na miss ko na. Walang pinagbago ang maitim naming gate. Lumingon ako sa bakanteng lupa na matalahib sa tapat ng bahay. Bakante pa rin iyon. Wala pang nakakabili kaya kitang kita namin pababa ang buong village. Tumingala ako sa veranda namin. Pag naroon ka ay ang buong syudad na ang makikita mo.

Excited akong nag doorbell. Ngunit nagulat ako nang binuksan lang iyon ni Hector nang walang kahirap hirap. Ngumisi siya sa akin at naglahad siya ng kamay para imuwestrang papasok ako.

Nakataas ang kilay ko papasok ng bahay. Walang pinagbago ang glass doors at sliding windows namin. Naroon parin ang japanese inspired fountain sa garden at naroon din ang bagong sasakyan ni Teddy sa garahe. Para na talagang inangkin ng mga tiyanak ang lugar na ito. Hindi ba sila nahiya kay Hector?

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon