Awww!! Great! Just great! Nahulog na naman ako sa kama. Grrrr! Anong oras na ba? WTF! 7:30 na! Kuh! malelate ako nito!
First day of school namin ngayon. Wait! Bago ko makalimutan. Ako nga pala si Samantha Hailey Monteverde-Villareal, 17, nakatira sa SouthVille Subdivision, Quezon City.
Magarang bahay at kotse, madaming bodyguards. Ito na ang namulatan kong buhay. Nag-iisa lang akong anak. Negosyante ang mommy at daddy ko. Palagi silang wala sa bahay. Sina Nana Melba at Aling Betty lang ang lagi kong kasama, pati ang limang bodyguards na binabayaran ni daddy para magbantay sakin.
Parehong tagapagmana ng kani- kanilang kompanya sina mommy at daddy. Kaya nung nagpakasal sila. . .ayun! Nagmerge na yung mga kompanya nila. Kaya naman naging isa ito sa pinakamalaking kompanya sa Pilipinas.
MONTEVERDE- VILLAREAL EMPIRE. Ito ang name ng company namin. Isa itong Investment Company. Mayayamang tao sa Pilipinas ang mga investors dito. Madaming investment company sa Pilipinas at isa ang company namin sa tinitingala nila. Milyon milyon ang perang pumapasok dito araw-araw. Bakit ko alam? Nabasa ko lang sa newspapers at napapanood ko sa TV.
Running a company like ours is not my genre. Mas gusto ko pang magbilad sa araw at maglaro ng volleyball. Yes! I'm a volleyball player. Maraming nagtatanong kung bakit sa Volleyball Team ako sumali. Well. . Bakit nga ba? I stand 5'7. Hindi na masama para sa isang Pilipina.
Madaming oraganizations na ang nag-alok sakin na sumali sa Orgs nila. . .pero wala eh, hilig ko talaga ang volleyball. Bukod sa naeenjoy ko ang larong iyon namemaintain ko pa yung hugis ng katawan ko. Ohah! Medyo maarte din ako kung minsan mga sis!
Oh sya! Mamaya na ulet tayo magkwentuhan, maliligo muna ako.
After 30 mins. Time check 8:00 na. 10 AM pa naman yung start ng first period namin. Pero aagahan ko na din para mahanap ko agad yung classroom ko.
8:30 nakababa na ako.
"Magandang umaga Iha. Nakahanda na ang almusal mo. Kumain ka muna." Aya ni Nana Melba.
Si Nana Melba ang nagpalaki sakin. Sobrang bait niya. Hindi naman sya spoiler pero parang ganun nangyayare kasi lagi ko siyang kinukulit. Madali ko siyang napapakiusapan. Pag may nagawa akong mali, siya ang katulong ko sa pagpapaliwanag kay mommy.
"Wow!" Sabi ko pagdating sa kusina. "Nana Melba, mapapadami na naman kain ko nito!"
Tuyo, kamatis at mustasa. Yan ang inihanda ni Nana Melba. Meron din namang hotdog at bacon. Pero mas gusto ko yung nauna. The best talaga kasi lasa nun.
"Sabayan niyo na po ako Nana Melba. Si Aling Betty po?" ako.
"Naku Iha! Umuwi muna sa probinsiya nila. May sakit daw ang anak niya eh." Nana Melba.
"Kawawa naman." Saad ko. Pagkatapos kumain, pumasok ulet ako sa kwarto para magtoothbrush. Mahirap na baka may makaamoy pa ng tuyo.
Time check. 9:00 am.
Nagmamadali akong lumabas para kunin ang kotse ko. Yes! May sasakyan ako. Honda Civic, black, hard tinted ang glass. Nang makita ako ng mga bodyguards, dali dali silang pumasok sa kanilang sasakyan. Hanggang school nila ako babantayan. Pero hindi naman yung OA na pagbabantay. Nasa labas sila ng school. Binabantayan ang entrance at exit. Dati kasi hanggang classroom ko meron.
Nagpaalam na ako kay Nana Melba. 15 mins lang nasa school na ko. Dahan dahan akong pumasok sa gate ng school. May mga estudyante kasing dumadaan sa vehicle entrance. GRRRRR. Pagdaan ko kay Manong Guard pinakita ko ID ko at ID ng car ko. Sosyal diba. Pati car may ID.
By the way. Welcome to ELITE ACADEMY. School for the most richest students in the country. Pero hindi naman lahat mayayaman talaga. Yung iba kasi nakapasok dito kasi scholars sila.
BINABASA MO ANG
A Special Kind of Love
RomanceLove doesn't need the right time. Love just need the right person. In life, there is someone who is destined to be with one of us. Someone who's not perfect but will make our life special. Lets join Sam and Zach in "A Special Kind of Love" story. "P...
