Chapter 36

6.9K 70 20
                                    

A/N: Keypayn. Kung kelan malapit nang matapos ang RMCD tsaka pa ako naka-experience ng writer's block. Psssh. Hahahahah! Pero sa chapter lang to. Yieeeee.. Sino makakamiss sa kanila pag natapos na to? Wushuuu!!! Don't worry. RMCD still has maybe 4-5 chapters. Maybe lang. Basta malapit nang matapos to. ^_^v

--

>PATRISHA'S DIARY<

(Patrisha.. Don't worry. Baka naman stalker lang yon or some sort. Sabihin mo nalang kaya sa mama mo yung tungkol jan?)

"Ayoko nga. Eeehh.. Ayoko talaga pumasok ngayon.. Nakaktakot ako. :("

(E hindi naman pwedeng hindi ka papasok noh. Kasama mo naman si Renz e.)

"Oo nga.. Kasama ko nga.. Pero.. Kahit pa.. I still have a bad feeling about that.. Whoever that person is."

(Aysh. Sige na. Get ready for school. Wag matigas ang ulo. Bye bye na ha? I love you. Ingat ka.)

"Sige. Ikaw din. I love you too."

And with that, he ended the call. That was Kyle on the phone. Somehow, naisip ko kasing baka naisave pa ni Renz ang number ni Kyle. At swerte nga naman, nai-save daw nya. Inabot nya sakin yung phone nya at tinawagan ko si Kyle. Takot na takot na kasi talaga ako. Mula nung napag-tanto kong nung isang linggo pa kami sinusundan nun. T_T

Inabot ko na ulit yung phone kay Renz.

"Eto o. Salamat."

"O anong sabi nya?"

Sabi ni Renz. Oo nandito sya. Sabay kami laging napasok. Lagi nya akong sinusundo. Tumawag nga sya sakin kagabi para sabihin na hindi nya ako masusundo kasi madaming recquirements sa school. Pero nagpumilit ako na sunduin nya ako kasi natatakot parin ako. Meron na kasi akong MPPor Mysterious Person Phobia. Gawa-gawa ko lang yan. =_=

"Pumasok daw ako. Wala naman daw akong dapat ikatakot kasi kasama naman daw kita e."

"Totoo naman e. Ang kaso, hindi ako makakasama sa'yo ngayong linggong to. Busy kasi ang orgs ngayon."

"Eeehhh.. Renz.. Wag ka muna um-attend ng meetings. Samahan mo muna ako. :("

"Hindi pwede. Naturingang president ako tapos hindi ako a-attend?"

"Kelan ka pa naging president? Kalilipat lang natin ah?"

"Kahapon lang. Wala daw kwenta yung president nila kaya nag-nominate ulit ng bago. At karamihan ako ang boto."

"Psssh. Wareber.. Eeeeeehhh.. Dali naaaaaaa. *pout*"

"Hindi nga pwede."

"Edi hindi nalang ako papasok."

Humiga ako ng ayos at tinakpan ang sarili ko gamit ang kumot. Pati yung ulo ko tinakpan ko. Ang totoo kasi nyan, naka-pajama parin ako. Kaya nga galit na galit si Renz pagdating dito e. =_=

"Hindi pwede. Tumayo ka na nga jan! Sumama ka nalang kay Vincent. Dadaan daanan ko kayo pag may time ako."

Umupo ulit ako. Nakasimangot parin. Half-opened ang eyes at ang gulo gulo ng buhok.

"Promise?"

Tumungo sya at huminga ng malalim tapos tumingin ulit sya sakin.

"Promise."

Reading my CRUSH's DIARY. ♥ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon