Chapter 3

14.9K 208 27
                                    

>KYLE'S DIARY<

So eto uwian na.. Nahihiya parin ako sa kanya.. Eh pano ba naman kasi.. Diary ko.. Nasakanya.. Kahapon.. Kagabi.. Kanina.. AAAAAAHHHHH!!! Ano ba naman to?? Tsssssss.. Wala daw syang nabasa.. Pero feel ko.. Feel ko talaga.. May nabasa yun!!

So eto ako ngayon.. Nasa gate.. Inaabangan sya kagaya ng ginawa ko last week.. Pero wala eh.. Halos lahat n estudyante nakalabas na ata.. Pwera nalang sa mga kabarkada kong buguk na baka ngayon ay may pinagti-tripan..

Di nyo pa nga pala kilala mga kabarkada ko noh? Well, hindi naman kasi talaga sila isinama ni Author sa cast. Sila lang yung magco-comfort sakin sa kapag down na down ako.. Pero ipapakilala ko na rin..

Si Renz malamang kilala nyo na.. Si Terrence Nuestra.. Kagaya ko, sikat rin sya sa school Actually buong barkada namin sikat. Pero kame ang PINAKA. Hearthrob kasi kami sa school. Pero wala kaming pinapansin na girls.. Ewan nga kung ano nakain namin at pinansin namin si Patrisha.. Makulit yan, at palabiro.. At masasabi naring sya ang pinaka-close ko sa barkada..

Si Jupiter Sy.. Sya ang siga sa barkada.. Kaya mula nung mapa-barkada sya samin.. Kinatakutan na din kame.. Nirerespeto kame.. Pero syempre pag may pinag-tripan kame wala kaming takas, may parusa parin pag nalaman ng teachers..

Si Seven Relloso.. Isa syang CASSANOVA. Sya ang PINAKA sa grupo. Oo PINAKA.. Pinaka-MAKULIT, KENGKOY, MADAMING KALOKOHAN.. For short sya ang clown ng grupo.. Pero ito pinaka-malupet, pag magkakaron ng session (inuman) ang grupo, hindi namin sya sinasama.. Nanghahalik kasi pag lasing.. Unang biktima nga nya si Taku eh..

Si Taku Itachiyama ay isang Hapones.. Mahuhulaan mo naman agad yun sa pangalan palang eh.. Half Japanese-Half Filipino sya kaya naman he knows how to speak both languages.. Pero eto ang hindi mo mahuhulaan sa kanya, makulit sya at masyadong malikot na kala mo eh may kiti-kiti sa pwet.. PERO, daig pa nya ang ninja kung mang-observe.. Even the simplest of details napapansin nya..

Hindi ko nga alam kung ba't kay Renz ko pinasundan si Patrisha eh.. Dapat dito nalang kay Taku.. Ehh si Renz unang pumasok sa isip ko eh.. Siguro kasi alam kong magka-kilala na sila ni Patrisha.. Makulit din tong isang to eh.. Lalo pag lasing.. Kung si Seven nanghahalik, sya naghuhubo. =____________________=

Ako.. Kilala nyo na siguro ako noh? Ako si Rui Kyle Jimenez.. Isang hearthrob.. Seryoso kung titignan sa panglabas, antipatiko at masungit pag kinakausap pero may kakirehang taglay.. But one thing for sure.. HINDI AKO BAKLA! Ok? Hinde!

So ayan kilala nyo na ang barkadahan namin.. HAHAHAHA! Muka lang mga nakakatakot yan pero sinasabi ko sayo, sasakit ang tyan mo katatawa pag sila kasama mo.. Hmmm, well, depende din sa mood.. Pag malungkot isa, malungkot lahat. Pag masaya isa, masaya lahat. May BLUETOOTH kame eh! ^_____________________^

Reading my CRUSH's DIARY. ♥ [COMPLETED]Where stories live. Discover now