Tama ba itong ginagawa niya? Hindi kasi siya nagtitimpla ng coffee sa tanan ng buhay niya. Hindi naman kasi siya umiinom ng kape dahil ninenerbiyos lang siya. Puros juice at tsaa lang ang iniinom niya. Never ang kape.

Hinalo na ni Adie iyon at nilagay sa isang platito pagkatapos ay pumasok siya sa opisina ni Marco at nakita itong nakatalikod mula sa kinaroroonan niya at patuloy sa pakikipag-usap sa phone nito. Dahan-dahan niyang nilapag ang kape nito sa lamesa nito. Mukhang hindi naman siya napansin ni Marco kaya ginala na muna niya ang paningin sa napakalaking opisina nito.

'Opisina ba ito o recording studio?' tanong niya sa isip niya.

Ang lamesa kasi nito ay nasa kaliwang bahagi ng kwarto,nandoon rin ang isang mahabang couch para siguro sa mga bisita tapos sa tabi ng office table nito ay may isa pang mahabang lamesa na nakaharap sa isang salamin na nagsisilbing divider ng kwarto. Sa lamesang iyon, ang daming pindutan na hindi niya malaman kung para saan tapos may mga computers.

Tapos may pinto pang isa sa kanang bahagi na papasok sa parang recording studio dahil sa loob noon ay may mga microphone stands,lyrics stands at iba't ibang instrumento.

Natauhan naman si Adie ng tapikin siya ni Mrs. Duquez na kakapasok lang. Yumuko nalang si Adie at dali-daling lumabas ng opisina ni Marco.

---

Matapos makipag-usap ni Marco kay Colyn ay napabuga nalang siya ng malalim. Kinukuha nanaman kasi siya nitong modelo sa bagong polo designs nito. Haaay. Ang hirap talaga kapag kaibigan na ang humihingi ng pabor. Bumalik nalang siya sa kanyang swivel chair at nakita roon si Mrs. Duquez. Mamaya na ito aalis. Aaminin niya, mamimiss niya ito. Para narin kasi niya itong nanay, tapos ang galing pa sa trabaho. Sana lang, ganoon nalang rin ang bagong sekretarya na kinuha nito. Ano nga palang pangalan nun? Aki? Adelle?

"Sir Marco.. may gusto po sana akong sabihin sa inyo." sabi nito sakanya.

"Take a sit Mrs. Duquez. Ano po ba iyon?" nakangiting tanong niya rito.

"Sir, kasi ang totoo po niyan ay nagkamali kayo kahapon sa nakita niyo."

Kumunot naman ang noo niya, ano ba ang pinagsasabi ni Mrs. Duquez?

"Yung dapat na secretary niyo po kasi nagkaroon ng trangkaso."

"Ha? Eh sino yung nasa labas?" kunot noong tanong niya.

Yumuko naman si Mrs. Duquez. "T-Temporary lang ho siya,sir. Eh kasi ho, magaling at qualified po si Cora sana sir. May experience at pamilyadong tao narin gaya ng gusto niyo."

"Sino naman si Cora?" muli niyang tanong. Parang hindi niya gusto ang nararating ng usapan nila ah.

"Yun ho yung secretary niyo talaga na trinangkaso. Eh hindi po kayo pwedeng mawalan ng secretary sir lalo na sa dami niyong kailangang attendan na meetings at projects na ginagawa niyo kaya ho naisipan kong mag-hire muna ng temporary para ho hangga't hindi pa gumagaling si Cora ay may umalalay muna sainyo."

Napasandal nalang si Marco sa swivel chair niya at pinisil ang nasa gitna ng dalawang mata niya. Napapikit siya at huminga ng malalim. "Haaay, ano pa nga ba? Nandiyan na eh. Hayaan nalang. Basta hindi tatanga-tanga iyang bago,Mrs. Duquez."

"Opo sir. Magaling na bata si Adie, matalino ho. At tsaka siguro dalawang linggo lang siya rito at makakabalik na si Cora."

"O sige sige. Salamat Mrs. Duquez. Pwede na kayong umalis. Yung separation fee niyo ho ay nasa account niyo na."

Tumango nalang si Mrs. Duquez at tumayo. "Salamat rin ho Sir Marco. Magandang umaga." nakangiting sabi ni Mrs. Duquez.

Mga limang minutong nakasandal at nakapikit lang si Marco sa upuan niya. Ang daming tumatakbo sa utak niya. Nandiyan ang banta sakanya ni Colyn. Oo, banta. Dahil kapag hindi daw siya pumayag na maging modelo ng brand niya ay iluluklok raw siya nito sa napakaraming reporters. Sinamahan pa ng asawa nitong si Jeremiah. Tapos heto, at namromroblema siya sa sekretarya niya. Ano ba iyan!?!

Nasaan na ba ang kape niya?!

Napansin niya ang tasa sa gilid ng lamesa niya. Mainit pa ito kahit papaano. Humigop siya ng kape niya at kasabay nun ang pagbuga rin nito.

PUCHA. ANG TAMIS.

Isa lang ang may gawa nito.


"ADIE!!!!!!"

Putragis. Magkaka-diabetes ata siya sa loob ng dalawang linggo.


---------

VOTE AND COMMENT!
Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now