Chapter Twenty-One

4.6K 94 0
                                    

Coby's P.O.V

Ilang linggo ang nagdaan at laging busy si Rylai hindi ko alam kung bakit or kung ano ang pinagkakaabalahan niya, may tiwala ako sakaniya at alam kong nasa tama ang ginagawa niya.

Minsan nga madaling araw na siyang makauwi at maaga umalis, nagtatampo na minsan ang kambal pero lagi kong sinasabi na baka busy lang si mommy sa work at nauunawaan naman nila.

About Valentine, Yes nagkikita pa din kami minsan na niyang nakabonding ang kambal pero pansin ko na ayaw sakaniya nang kambal kaya hindi ko na pinayagan si Valentine makipag kita ulit sa kambal

I'm so depressed nung malaman kong may nakabili ng company ko, habang busy ako kay valentine hindi ko namalayan na unti unti napalang nawala sa akin ang pinaghirapan ng mga magulang ko, nang malaman nila ito ay umiyak sila. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Rylai ang lahat

Kaya nang malaman ko na nabenta ang kumapanya di ko alam kung itutuloy ko pa ang plano ko. Lalo na't si antonio pala ang nagbenta nito.

Ang plano ko ay papayag ako sa kasal na gusto nila pero hindi ako sisipot, sabi kasi ni Mr. Antonio Madrigal kapag pumayag ako sa kasal, itatransfer niya ang mga iba niyang kayamanan sa akin pero hindi ko alam na lolokohin niya ako. I'm such a fool!

Kasi sabi niya kapag hindi ako pumayag sa gusto niya, isisiwalat niya daw ang issue ni Lissandra na isa itong raped victim kaya nagpakatuta ako sakaniya para kay Rylai.

Alam ko din na hindi ako ang ama ng bata dahil alam kong walang nangyari sa amin.

Ilang linggo nalang birthday na ng kambal, malungkot nga sila dahil hindi na nila masyadong nakakausap ang ina.

"Tara na kids, tulog na" kinarga ko sila at pumasok sa kwarto nila.

"Mommy is so busy. I miss her" saad ni nyx at yumakap sa akin

"Me too" ashe said. Hiniga ko na sila at inabot ang mga dede nila

Hinagod ko ang buhok nilang dalawa at hinalikan ang kanilang noo.

"Baka may surprise si mommy sainyo kaya siya busy, okay? I love you babies" tumango lang sila at nagdede na.

Kinantahan ko naman sila, hanggang sa nakatulog na din ako sa tabi ni Nyx. Si ashe ang unang nakatulog kaya si Nyx ang tinabihan ko.

Mga ala-una pasado na ata yun nang maramdaman kong may humalik sa labi ko.

"I love you coby" she said at naramdaman ko nalang na lumabas na ito ng kwarto, tulog man ang kalahati ng diwa ko alam ko si Rylai iyon.
-----

LISSANDRA'S P.O.V

"Ma'am nakuha na po natin ang mga investors ng madrigal, may mga natira man sakanila pero mga maliliit na kumpanya nalang ito" balita sa akin ni Yashashree Joy

"Ma'am may 85% na stock na tayo sa company nila, masyado nang malaki iyon at maari na nating makuha ang kumpanya niya" pagbabalita ni Ediesen Arcega.

Kasama nilang dalawa ang mga ilan ko pang pinagkakatiwalaang tao at mga may naiambag na sa plano ko.

I clap my hands and smile triumphantly

"Hindi ako nagkamali sa pag pili sainyo. I'm so proud of you guys, you did a good job" ngumiti naman sila at tumango

"Wala yun ma'am" nahihiyang saad.

"Kapag natapos ito, i assure you guys i'll treat you" ngumiti naman sila at pumayag tsaka lumabas nang office ko

Dumating na ang pinakahihintay kong araw at yun ay ang pagbagsak ng mga madrigal.

"Ma'am bawal po kayo dito"

"LET ME IN" Napatingin ako sa labas ang may marinig akong sumisigaw. Soundproof ang office ko mula sa labas pero rinig ko ang mga nangyayari sa labas ng opisina ko.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Valentine na pawis na pawis at may umbok na tiyan. Nasa tantiya ko na nasa tatlong buwan or apat na ata ang tiyan niya

"Ma' am bawal po--" pinatigil ko ang guard at ngumiti.

"Hayaan niyo siya" tumango yung guard at lumabas ng opisina

"what brings you here? Valentine?"

"Tigilan mo na ang ginagawa mo sa pamilya ko, sige ilelet go ko na si coby, hayaan mo na kami" saad ni valentine

"Hayaan ko kayo nino? Ng tatay mo slash tito slash kabit?" Tanong ko

Kitang kita ko ang gulat sakaniyang mukha.

"Ano nagulat ka ba na alam ko ang baho mo?" Tanong ko. Nagulat naman ako ng lumuhod siya sa harap ko, ganyan nga beg for my forgiveness

"Lissandra sorry, sorry kung tinangka kong agawin ang asawa mo sorry kung bakit nawala ang anak mo, sorry patawarin mo na ako lubayan mo na ang pamilya ko

" let me---------- think" i said.

"Please! Please" she beg

Tinignan ko siya nang puno nang awa, galit, at poot. Tsaka lumabas ng opisina

Hindi ko kayang titigan siya, nasusuka ako sakaniya.

Agad akong sumakay ng kotse at nagtungo sa isang coffee shop. Pumasok ako dito at nakita ko si Coby na nakaupo

Umupo ako sa tapat niya, nakita ko naman na parang nagulat siya.

"Bakit?" Tanong ko

"Ah, wala di ko lang inaasahan ito. May hinihintay kasi ako isang lalaki may sasabihin daw siyang importante" saad ni coby. Actually ako yung tinutukoy niya, nagpatawag lang ako sa secretary at ginamit ang boses ng isa niyang ka-officemate

Nilabas ko ang folder na nasa bag ko, at inabot sakaniya naguguluhan siyang tumingin sa akin at dahan dahang binuksan ang folder

"Ako yung lalaking tinutukoy mo" nakita ko ang gulat sakaniyang mukha at tumingin sa akin.

"H-how?"

"Hindi ko alam coby kung bakit pinaglihiman mo ako, kung bakit parang wala kang tiwala sa akin."

"I-I'm sorry, nahihiya lang akong lumapit sayo dahil ayoko dumagdag sa problema mo. I'm so sorry"

"Sana sa susunod na may problema kang kakaharapin, isipin mo na may isang rylai dito na kaya kang damayan at tulungan ka na malutas ang problema." Tumayo ako  at iniwan siya sa loob-----

Habang hawak ang papeles ng Wyatt Group of Companies, binabalik ko na ang pagmamayari niya.

Forever And AlwaysWhere stories live. Discover now