PROLOGO

101 3 0
                                    


Napapikit ako ng mariin bago humugot ng malalim na hininga.

"O? Iniisip mo pa rin ba kung magpapakita kana sa kanya?" Tanong nya habang seryoso akong tinitigan.

Halos dalawang buwan na simula nung nakabalik ako ng Pilipinas. At bago ako tumuntong dito ay pinag-iisipan ko nang mabuti kung magpapakita ba ako sa kanya o hindi. Ngayon pa ba na alam kong masaya na sya at tagumpay sa kanyang tinatahak na karera?

"Tammy, what if he's still mad?" Kagat-labi kong sambit.

Pumalatak sya ng tawa na aking lubos naman na ipinagtakha. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Hindi naman ako nag-biro ah?

"Sige nga, Jess. Tatanungin kita, ano ang mararamdaman mo kung basta basta na lang syang nakipag-break sayo na walang sinasabing kahit anong rason? Anong mararamdaman mo kung nalaman mong umalis na sya ng bansa? Masisiyahan ka ba?"Hindi naman ako nakapag-salita sa sinabi ni Tammy. Yes, iniwan ko sya na alam kong wasak na wasak. Iniwan ko sya na walang sinasabing kahit anong rason. I still chose to left him even though he begged me to stay.

"Kahit sa aming mga kaibigan mo, hindi ka nagpaalam. Nalaman na lang namin nung tumawag sya at hinahanap ka sa amin! Nawala ka na parang bula." Ramdam ko ang pagkairita nya dahil tumataas na ang tono ng boses nya.

"I'm sorry." 

Ayon lamang ang tanging naitugon ko kay Tamara. Hindi pa nya malalaman na nasa Australia ako nang hindi nya sinasadyang makasalubong ako sa Melbourne. Halos mag-makaawa ako sa kanya na huwag ipagsasabi kahit kanino na nasa Australia ako namamalagi. Dahil alam ko, once na may nakaalam bukod kay Tammy na nasa Australia ako alam kong makakarating ito sa kanya. 

"Ano ba kasing dahilan, Jessica? Bakit ka na lang bigla biglang umalis? Bakit ba kahit sa akin manlang ayaw mong sabihin?"

 Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil nakokonsensya ako. Hindi pwedeng may makaalam. Ayoko.

"Alam kong alam mo kung bakit ako umalis. Sinabi ko na iyon 'sayo noong magkita tayo sa --" Kita ko kung paano sya umiling sa sinabi ko.

"I still doubt it." Inirapan nya ako bago niligpit ang gamit nya.

"Manunuod ako mamaya." Sambit ko habang inaayos na rin ang aking gamit.

"You don't have to tell me, dahil simula noong dumating ka dito ay ayon ang ginagawa mo. Kada may shows sila ay naroon ka. Bumabawi ka ba sa apat na taon na pag-iwan mo sa kanya?" Sarkastikong sambit nya.

"Come on, gusto ko lamang malaman kung sasama ka." 

Tuwing may show sila ng kanyang banda ay naroroon ako para manuod. Kahit saan sa bansa, kahit malayo ay pinipilit kong pumunta. Kahit busy o kaya mga school works ay naroroon pa rin ako para suportahan sya. Ayon nga lang, sinisigurado kong hindi nya ako makikita.

"As always, baka sumama na rin si Dame at Zarayah. May class pa ako, see you later." Dire-diretso syang nag-martsa paalis.

Minabuti ko na lang na tawagan ang aming driver upang magpa-sundo. Wala na akong susunod na klase sa araw na ito. Babawi ako sa pagtulog dahil puyat ako sa pagrereview kagabi para sa long quiz namin kanina.

"May gusto pa po ba kayong daanan, Ma'am?" Tanong ni Manong Roy pagkasakay ko ng sasakyan.

Ngumiti muna ako bago umiling.

"Wala na po Manong, diretso uwi na po tayo. Kayo po ba? May dadaanan po?" Tanong ko rito ngunit umiling na lamang ito bilang tugon.

Kinuha ko ang cellphone ko nang maalala na may pupuntahan nga pala kami mamaya.

Le Coeur Brisé (Russell Reyes Fanfiction)Where stories live. Discover now