chapter 1.. ako na talaga

3.3K 35 2
                                    

Chapter 1.. ako na talaga

Zoe’s POV

\\(^_^) –maganda pa ko sa umaga!

(^_^)//  -sexy ako!

\(^_^)/ -ako na talaga!

Good morning!  ^_________^

Ganyan lagi kong gising tuwing umaga.. masaya haha :D

Monday ngayon at maaga ang pasok ko ngayon kaya naman kaylangan kong kumilos ng mabilis ayoko kasi ma-late..

As my daily routine.. ginawa ko na ang ritual ko tuwing umaga..

*tok* *tok* *tok*

“Princess, baba ka na para makakaen ka na bago pumasok ng school” –kuya Dylan

“Ok kuya wait lang po matatapos na ko dito.. sunod na lang ako” –ako

At inayos ko na ang gamit ko pati sarili ko..

Bumaba na ko sa kusina para mag breakfast..

“Good morning princess” –mama

“Good morning din po” –sagot ko sabay kiss sa pingi nya

“Oh kaen na baka mahuli ka pa sa school mo nyan” –mama

At kumaen na nga ako..

Pagkatapos ko kinuha ko na yung gamit ko at tumingin sa salamin para makita ang itsura ko.. ok pa naman mukang tao pa rin.. maganda pa rin.. wahahaha

“Hindi na magbabago muka mo kahit gaano ka pa tumitig dyan sa salamain na yan” –kuya Dylan na nanunudyo pa

“I know right? Hindi na ko gaganda pa lalo kasi maganda na ko haha” –ako lakas lang ng hangin no? haha yaan nyo na basta masaya ako eh

“Saan ka pa ba magmamana? Edi sakin na haha” –mama.. oh ano? Alam nyo na kung saan ako nagmana ng kagandahan? Haha idamay mo na rin pati ang kagagahan..

“Oh sige na pasok na.. tatanghaliin ka na nyan” –kuya

“Sige kuya kong gwapogi! Haha” –ako sabay alis na ng bahay at lumabas na ko ng gate namin

“I know” –sigaw ni kuya.. oh diba? Mga conceited lang haha

Naglalakad na ko papuntang school.. malapit lang naman kasi bakit pa ko sasakay diba? Actually minsan dala ni kuya yung sasakyan nya kaso hindi kami minsan magkapareho ng schedule ng pasok kaya minsan talaga nag lalakad ako papasok.. 10 minutes away lang naman kaya kayang-kaya ang paglalakad papasok sa school.

By the way ako nga pala si Zoe.. Zoe Ania Madrigal ang buong pangalan ko. Maganda ako syempre haha mayabang ba? iihhh yaan nyo na minsan lang yan haha. Estado namin sa buhay? Ok lang kasi hindi kami ganun kayaman.. nagtataka siguro kayo kung bakit may kotse si kuya tapos hindi naman kami ganun kayaman? Eh syempre iba-iba naman ang level ng yaman ng mga tao.. haha

Kung paanong level? Ganto kasi yun, kasi si daddy nasa ibang bansa dun sya nag work matagal na.. hindi kami ganun kayaman pero hindi naman kami dumating sa point na naghihikahos sa buhay.. magaling kasing mag manage ng pera si mama eh idol ko nga yun eh ^___^

Dahil sa pag mamanage ni mama sa pinapadala ni daddy, nagtayo sya ng bakeshop nya kaya ayun dagdag income sa family namin.. bakeshop na gumagawa ng made-to-order na cakes para sa iba’t-ibang klaseng events sa buhay.. try nyo rin masarap gumawa ng cakes si mama eh.. hoho nag promote?

Ay naku tama na nga yang kakakwento ko nakakapagod din mag introduce ng sarili no.. malalaman nyo rin naman yung mundo kong ginagalawan pag binasa nyo buhay ko eh..

My Accidental Boyfriend is a Gangster (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon