CHAPTER 43: I Love You, Goodbye [EDITED]

Start from the beginning
                                    


"Mine, I already said this before and I will say it again. You are the best thing that ever happened to me." He wiped my tears. "I have already plans and you are part of it. And letting you go is not part of my plan. Besides, you will stay with me forever, right?"


The way he looked at me, it was full of love. The way he said it, it was very serious and sincere. Kahit sinong babae ay siguradong matutuwa kapag narinig ang mga salitang binitiwan ni Nate. Yumakap ako sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at doon mas lalong umiyak.


"Well I guess, your silence means yes. And you're crying too much because you're too happy," sabi niya habang tinatapik-tapik ang likod ko.


Sana nga umiiyak ako dahil sa saya. But right now, I'm crying not only because I'm just happy, but also because I'm hurting. I'm sorry, Nate.


~~~~~


Gabi na nang magpasya kaming umuwi. May inutusan siyang tao para magdala ng kotse niya rito para hindi na kami mag-commute pa. At tahimik lang kami habang nasa biyahe.


Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya na nakangiti lang habang nagda-drive. Sana palagi siyang nakangiti nang ganyan, I muttered to myself. Ag.ad akong tumingin sa labas at kumurap-kurap para pigilan ang muling pagtulo ng luha ko.


Few minutes later, music played in his stereo. At intro pa lang ng kanta, nahihirapan na kong huminga. At lalo pang nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko nang sabayan iyon ni Nate. Patama lang kasi sa nararamdaman ko ngayon ang If I Let You Go ng Westlife.


Habang sinasabayan ni Nate ang chorus, sumusulyap siya sakin bago muling ibabalik ang tingin sa daan.


Same question, Nate. If I let you go, will I ever see you're smiling back at me? malungkot na tanong ko sa isip ko.


Sa bawat bigkas niya sa stanza ng kanta, para iyong mga patalim na tumutusok sa puso ko. Pero, hindi ko naman magawang alisin ang tingin ko sa masaya at nakangiting mukha niya. He held my hand. "Just like that song, I will never know what my life would be if I let you go."


In my case, I know. I will definitely become miserable if I let you go, Nate. I bit my lower lip to hold back my tears. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagkunwaring naghikab bago bumitaw sa kamay niya. "Matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag nasa bahay na tayo." Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Sumandal na ko sa upuan at bahagyang tumalikod sa direksyon niya. Kasabay nang pagpikit ko ang pagtulo ng luha ko na pasimple kong pinunasan.


~~~~~


Few minutes later, nasa tapat na kami ng bahay. Papasok pa sana siya, pero pinigilan ko na dahil malalim na rin ang gabi. Hindi naman siya nagpumilit pa.


Marahan niyang hinaplos ang ulo ko bago ikawit sa tainga ang ilang hibla ng buhok ko. "Nag-enjoy ka ba sa date natin, Mine?"


I smiled and nodded. "Sobra, Yours."


He was a bit surprised. Maybe because of my endearment to him. Matagal na niyang gustong marinig mula sakin ang endearment na iyon eh.


When he recovers, he smiled. "Napasaya ba kita sa date natin, Mine?"


"Sobra, Yours."


"Naibigay ko ba sayo ang dream date na gusto mo, Mine?"


"Sobra, Yours."


"Ang gwapo ko, ano?"


"Umuwi ka na, Nate." Muntik pa niya kong maloko do'n. Buti na lang at napigilan ko ang sarili kong sabihin ang 'Sobra, Yours'.


He pouted. "Hindi dapat iyan ang sagot mo."


"At hindi dapat iyon ang tanong mo."


"Mahal kita, Mine."


"Mahal din kita, Yours," direktang sagot ko sa kanya. After a few minutes of silence and staring at each other, my forehead creased. "What? Bakit ganyan ka makatingin sakin?"


"Wala naman. Nakakapanibago ka lang. I just feel that you're not in your usual self. Itong couple shirt natin, 'yang sweetness mo, 'yang paraan nang pagtitig mo, 'yang pagtawag mo ng Yours sakin, at ang pagiging vocal mo diyan sa pagmamahal mo. That's not really you." Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga bago niya ako hawakan sa magkabilang balikat at matamang tinitigan. "May problema ba, Mine?"


"Walang problema, Nate." Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko at hinawakan iyon bago ngumiti. I did my best para ipakita sa kanya na okay ako at walang problema. "Kapag hindi ako sweet, nagrereklamo ka. At ngayon namang nagpaka-sweet ako, nagrereklamo ka pa rin. Hindi ba ako pwedeng magpakita ng sweetness sayo, ha?" pahayag ko sabay nguso.


"Hindi naman sa gano'n, Mine. Parang sumobra lang. At okay lang naman sakin na hindi ka sweet eh. Sweet na itong gwapo mong boyfriend kaya hindi mo na kailangang magpaka-sweet sakin."


"Okay. If you say so," tumatangong sagot ko sa kanya.


Bahagya akong natigilan nang dampian niya ng halik ang noo ko. At napapikit din nang unti-unting bumaba iyon. Mula sa noo, tapos sa pagitan ng mga mata ko, sa ilong at hanggang sa mapunta ang halik niya sa labi ko. I responded to his kisses with the same intensity and emotions.


"I love you so much." At muli niya kong hinalikan sa noo.


I just smiled and hugged him tightly. Ilang minuto rin kami sa ganitong posisyon bago ako humiwalay at malakas na tumikhim. "Uwi ka na. May pasok pa tayo bukas."


Tumango-tango siya. "Okay. Magkita na lang tayo sa school. Good night, Mine."


"Good night, Yours." And goodbye, dugtong ko sa isip ko bago mabilis na tumalikod.


"Mine, balik ka na sa dati mong sarili, okay?"


Saglit lang akong tumigil at hindi na lumingon pa. "Uh-huh," tanging sambit ko bago ipinagpatuloy ang paglalakad.


Pagkapasok sa bahay, agad kong isinarado ang pinto at sumandal doon. Bumalik sa dating sarili? Oo, Nate. Babalik ako sa dati. Sa dati kung kailan hindi pa kita nakikilala at nagiging bahagi ng buhay ko, malungkot kong pahayag bago tuluyang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. 

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now