CHAPTER 3: Nathan's and Miles' Best Friends [EDITED]

107K 1.8K 68
                                    


MILES


Mga nakangiting mukha nina Max at Sam ang nabungaran ko pagpasok ko sa first class ko. They are my two bestfriends. Nabibilang din sa literal na mayayaman.


"Bakit ganyan kayo makangiti?" I asked.


Agad akong hinila ni Max para makaupo sa upuang malapit sa kanila. "Bhest, napag-isipan mo na ba?"


Bhest stands for best friend. "Napag-isipan ang alin?" takang tanong ko pa.


"Sinabi ko sayo na ikaw ang gusto kong maging headline news sa schoolpaper natin. So, napag-isipan mo na ba?"


"Sorry, I forgot."


"You forgot or you didn't think about it?" Sam asked, raising an eyebrow.


"Both," walang gatol na sagot ko.


"Grabe ka talaga, Bhest. Hindi ka man lang nagdalawang-isip na magsinungaling samin. You just hurt our feelings."


"I'm just being honest, Max. And sorry. Ayoko talaga. Na-feature mo na naman ako sa article mo, di ba? Dalawang beses pa."


"But twice is not enough! As much as possible nga, ikaw lang palagi ang gusto kong isulat sa mga articles ko eh."


"Tama si Max, Bhest. And my camera also loves your beautiful face. Ikaw lang ang gustong kuhanan para sa headline article ni Max."


I just rolled my eyes and ignore them.


Si Max ang editor-in-chief ng schoolpaper ng university namin at si Sam naman ang kadalasang feature photographer. Mga classmates ko rin sila noong high school kami.


Kung tutuusin, ang dalawang beses na pag-feature ko sa schoolpaper na yun ay sapilitan pa. Pinagbigyan ko sila dahil mga kaibigan ko sila. At ngayon nga, hinihingi na naman nila ang permiso ko na ma-feature sa article na isusulat ni Max. And this time, I refused to do it.


Ano pa bang gusto niyang isulat tungkol sakin? And as if namang may magiging interesado para basahin ang tungkol sa buhay ko. Mas gugustuhin pa ng mga estudyante rito ang makipagchismisan, makipagsosyalan, makipagyabangan at makipaglandian, kaysa basahin ang article na may kinalaman sakin. I'm not rich and just the number one student in this university. That's all they know about me. Nothing more, nothing less.


"Sorry, guys. My answer would always be the same. No."


"Fine. If you say so." They said in chorus, defeated.



MAX


Grabe ka talaga, Millicent Buencamino. Mga best friends mo kami, tapos ayaw mo kaming pagbigyan ngayon? I muttered to myself.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon