CHAPTER 41: New Year [EDITED]

Start from the beginning
                                    


"Ang sweet mo nga, Orange Juice. Susubuan din kita." At si Max naman ang dumakot ng pagkain sa plato nila at isinalpak sa bibig ni Juice. Dakot talaga ang ginawa ng kaibigan ko.


Nagkatinginan kami ni Nate bago sabay ring natawa. Kakaiba talaga magpakita ng lambingan ang magkasintahan na iyon.


Nilingon naman namin ang kinaroroonan nina Sam at Deus nang makarinig kami ng bahagyang pagtatalo sa direksyon nila.


"Ako? Nagseselos? Duh! Hindi ko siya pinagselosan. Inis na inis lang ako sayo kasi kung sinu-sinong babae ang kinakausap mo."


"Hindi kung sinu-sinong babae ang kinakausap ko, Samantha. Kakilala naman natin siya eh. Besides, wala lang yun. Nagpa-picture lang siya nang magkasalubong kami kamakailan. Akala niya kasi ay artista na ko." Sabay tawa nito.


"At nakuha mo pa talagang tumawa sa harap ko, ano? Akala mo natutuwa ako? Tell me, Dervin. Sino ba talaga ang laman ng puso mo?"


"Aba'y malay ko sayo. Ikaw ang may-ari nito, bakit ako ang tinatanong mo?"


Nakangiting napailing na lang din ako sa lambingan nilang dalawa. Hindi mo alam kung seseryosohin mo ba ang pagtatalo nila dahil may banatan pang ganyan. Pero, masaya ako para sa mga kaibigan ko. Alam kong mamahalin sila at hindi pababayaan ng mga boyfriend nila.


Nang matapos kaming kumain, kinuha ng tatlong lalaki ang mga paputok tapos ay nagkanya-kanya rin kami nang hawak sa lusis at sinindihan ang mga iyon.


"Happy New Year!" sabay-sabay naming sigaw kasabay ng pag-ilaw ng mga lusis. Magkayakap na pinanood namin ni Nate ang ang mga fountains na sinindihan nila.


Pagtingin ko kay Nate, ay siya rin namang pagtingin niya sakin. Saglit din kaming nagkatitigan bago ngumiti sa isa't-isa. "Mine, Happy New Year. Sana sa susunod na Bagong Taon, nasa tabi pa rin kita at magkasama tayo."


"Happy New Year. And I'm also looking forward to it, Nate."


Hinawakan niya ang baba ko. "I love you so much, Mine."


At bago pa man ako makasagot, bumaba na ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan sa labi. Napangiti na lang ako sa bilis ng kilos niya. Hindi ko na rin inalintana pa kung nakatingin samin ang mga kaibigan namin. I'm sure, busy rin naman sila sa isa't-isa. Inilagay ko ang mga kamay ko sa leeg niya at buong pusong tinugon ang halik ni Nate. Doon ko na lang ipinarating ang sagot ko.


~~~~~


Hapon na nang makauwi kami galing Batangas. Nadatnan ko si Mama sa sala at mukhang may ginagawang lesson plan. "'Ma, nandito na po ako," sabi ko bago lumapit at nagmano sa kanya.


"Welcome back, anak. Kumusta ang lakad niyo?"


"Okay naman po." Umupo ako sa tabi niya. "Bakit, Mama?" maya-maya ay tanong ko nang mataman siyang nakatingin sakin.


"You look happy." It was a statement, not a question.


I nodded. "Yes, 'Ma. Sobra." Kita naman siguro sa mukha ko. Hindi ko na kailangan pang itanggi iyon sa kanya dahil kilala niya ko. She's my mother, after all.


Bahagyang ngumiti si Mama. "Masaya rin akong makita kang masaya, Miles. I'm very thankful dahil dumating sa buhay mo si Nathan. Dahil sa kanya, nakita ko kung gaano ka kasaya. Pero, anak, hinay-hinay lang sa relasyon ninyo. Huwag kayong magmadali." Then, hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "Nakakatakot din kasi ang sobrang saya sa isang relasyon. Dahil kung gaano kayo kasaya ngayon, maaaring doble ang sakit na maranasan niyo," dugtong pa niya.


May punto si Mama. Lahat kasi ng bagay na nararanasan ng tao ngayon, maaaring may kapalit. Mabuti man o masama, maganda man o hindi ang maging kalabasan niyon.


"Pero, ang importante naman sa isang relasyon ay ang tiwala. Iyon ang huwag ninyong tatanggalin sa isa't-isa. Huwag kang kampante kahit wala pa kayong masyadong problema ngayon. Lahat ng relasyon ay hindi maiiwasang magkaroon niyan. Pero, alam kong kakayanin niyo ang mga pagsubok na darating sa inyong dalawa.


"Nung una kong makita si Nathan, malakas ang dating niya. Siya yung tipo ng lalaking hindi agad sumusuko kung alam niyang hindi pa siya natatalo. At kung matalo man siya, gumagawa siya ng paraan para muling bumangon at lumaban. Iyon ang nagustuhan ko sa kanya. At alam kong hindi niya rin basta isusuko ang pagmamahalan niyo. Kaya, anak. Sana huwag mo rin siyang susukuan. Hangga't hawak niya ang kamay mo, huwag kang bibitaw. Magtiwala ka sa kanya at hindi ka niya bibiguin."


I smiled and nodded. "Yes, 'Ma. I trust him with all my heart."


~~~~~


Kinaumagahan, nagising ako nang wala sina Mama at Miller. Nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig.


Miles, nasa supermarket kami ng kapatid mo. May lutong ulam na diyan. Kumain ka na. Iyan ang nakasulat sa note ni Mama na nakadikit sa pinto ng ref.


Habang kumakain ako, biglang may nag-doorbell. Nang tunguhin ko iyon, isang lalaki ang nasa labas ng gate namin habang may nakaparadang kotse sa tapat nito.


"Good morning, Miss. Ikaw ba si Millicent Buencamino?" tanong nito.


I opened the gate. "Ako nga po. May kailangan po ba kayo sakin?"


"Ako ang may kailangan sayo."


Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang may edad na babae. Base sa ayos at tindig niya, halatang mayaman at hindi basta-bastang tao lamang siya. At sa tono pa lang ng pananalita niya, puno iyon ng awtoridad at kapangyarihan. Hindi mo pwedeng salungatin ang anumang sabihin o iutos niya.


I met her gaze. At medyo na-intimidate ako sa paraan nang pagtingin niya sakin. "A-ano pong kailangan niyo sakin?"


"I'm Margarita Montecaztres, Nathan's grandmother," pakilala niya na bahagya kong ikinagulat. Ito ang unang pagkakataon na nakita at nakilala ko ang lola niya.


Agad naman akong nagbigay galang at bahagyang ngumiti. "N-nice meeting you, Ma'am. K-kumusta po?"


She didn't smile back. "Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa, Miss Buencamino. I need to talk to you privately."


"Tungkol po saan?"


"About you and Nathan."

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now