CHAPTER 39: Third Monthsary Preparation [EDITED]

Start from the beginning
                                    

"Anong kailangan mo?" I asked, ignoring the sarcasm on what he said on the other line.


I heard him took a deep breath. "Hindi ano kundi sino ang kailangan ko. And it's you. Magkita tayo ngayon."


Inipit ko sa may balikat ko ang phone at muling itinuloy ang pagdidikit ng iba pa naming pictures. "Hindi ako pwede ngayon, Nate. Busy ako."


"Gano'n? Mas gugustuhin mong hindi makita ang kagwapuhan ko para diyan sa pinagkakaabalahan mo?"


Hindi ko napigilang iikot ang aking mga mata. Nai-imagine ko kasi na nakasimangot at nakanguso siya habang sinasabi iyon. "Oo. Mas gugustuhin kong magpaka-busy kaysa makita at marinig ang kayabangan mo."


"Aish! Mahal na mahal mo talaga ako, ano? Bahala ka. Kung ayaw mo kong makita, fine. May ibang araw pa naman para masilayan mo ang napakagwapo kong mukha."


Muli kong hinawakan ang phone ko. "Iyan lang ba ang sasabihin mo?"


"Nope. Tinawagan din kita para ipaalala sayo ang isang napakaimportanteng araw para sating dalawa. Ilang araw na lang din kasi yun, di ba? So, you need to prepare."


"Huh? I need to prepare? Bakit? Anong meron?" kunwari ay nagtataka at hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.


Ilang sandali rin siyang tahimik lang bago sumagot. "Kinalimutan mo?"


"Kinalimutan talaga ang term, Nate? Hindi ba pwedeng nakalimutan?"


"Pareho lang 'yon. Pero di nga, Mine? Hindi mo naaalala kung anong meron sa December 8?"


"Itatanong ko ba sayo kung naaalala ko?" balik-tanong ko habang nakangisi nang nakakaloko.


"Aish! Hindi ko sasabihin sayo. Dapat maalala mo. Kausapin mo na lang ako kapag natatandaan mo na. Pero kapag hindi mo naalala kung anong meron sa araw na 'yon, break na tayo. Tsk. Sige, Mine. Good night." Then, he ended the call before I could say anything.


I shook my head. Takutin ba naman ako ng break-up? Mukhang ako naman ngayon ang ginagamitan niya ng gano'ng taktika. Wala siyang originality. Psh!


Muntik na niyang makalimutan ang first monthsary namin. At hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa ang pangyayaring iyon.


Nakangiti akong naglalakad papunta sa parking lot kung saan naghihintay si Nate. Masaya ako dahil ito ang first monthsary namin at excited ako sa kung anumang sorpresa niya. Although wala namang sinabi na may surprise siya, nag-e-expect pa rin ako na may inihanda siya para sa pagce-celebrate ng unang buwan ng relasyon namin.


Nadatnan ko siyang nakatayo sa harap ng sasakyan niya. Kumaway siya. "Hi, Mine!"


Lumapit ako sa kanya at pasimpleng iginala ang tingin sa loob ng kotse bago ibalik ang tingin sa kanya. "Wala ka bang dala para sakin?"


Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now