CHAPTER 28: The Realization [EDITED]

Začít od začátku
                                    


At ang kapal pa ng mukha para sabihing sinaktan ko si Mine. Sino ito para sabihin sa'kin 'yon? Ito ang unang nanakit sa kanya. 


Ang nakakainis pa sa mga nangyari kanina, para bang balewala lang kay Mine ang lahat ng sinabi ko. Parang hindi siya affected. Parang okay lang talaga sa kanya na lumayo at umiwas na 'ko. Ni hindi man lang siya nag-react. Ni hindi niya nga yata nakita at naramdaman na nasasaktan ako. Kaya nga hindi ko magawang maniwala sa mga sinabi nina Max at Sam na nasaktan ko raw siya. 


I smiled sarcastically. Nasaktan? Parang hindi naman. Tsk, I muttered to myself. 


"Kuya Nathan!" 


Bahagya akong nagulat bago lingunin ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Lumapit sa direksyon ko si Athan, ang walong taong gulang na pamangkin ko sa isa sa mga pinsan kong lalaki. 


"What are you doing here?" takang tanong ko sa kanya. 


"Dinadalaw ka." 


"Wala akong sakit." 


"Kelan ba umamin ang baliw na isa siyang baliw?" 


"Get lost, kid," pabalang na sagot ko bago muling tumingin sa harap. Kita nang nag-i-emo ako rito tapos dadalihan ako nang ganyan? Kung hindi ko lang siya pamangkin, inihulog ko na siya rito sa balkonahe. Tsk. 


"Later. May ipapakita ako sa'yo, Kuya Nathan." 


"I'm not interested," sabi ko lang habang hindi pa rin lumilingon. 


"I know. Kelan ka ba naging interesado sa mga brilliant ideas ko? Medyo magka-level tayo ng kagwapuhan, pero hindi sa IQ." 


I glared at him. "Wala akong oras makipag-asaran sa'yo kaya tantanan mo 'kong bata ka." 


"Hindi rin ako nakikipag-asaran sa'yo dahil wala akong oras para diyan. That's why, you have to see this," sabi niya sabay abot ng mga papel. Kinuha ko na lang iyon at tiningnan para matigil na siya. 


Nagsalubong ang kilay ko nang mapagmasdan ang mga naka-drawing doon. "What do you think, Kuya Nathan? Posible naman ang mga iyan, di ba?" 


"And how do you think it's possible?" tanong ko habang tinitingnang mabuti ang mga iyon. 


"Kuya Nathan, nakakalipad ang eroplano dahil sa pakpak nito. So, may posibilidad na kung ilalagay ang pakpak nito sa jeep o kotse, maaari ring makalipad iyon. Ito namang lumilipad na isda or naglalangoy na ibon, iyan ang pwedeng maging resulta kapag nag-mate ang ibon at isda. Ito namang puting uwak, madali lang 'yan. Pwede kong ilublob sa puting pintura," paliwanag niya sa'kin. 


"And this?" sabay turo ko sa drawing niyang dalawang buwan na pumapalibot sa planet Earth. "Paano mo maipapaliwanag sa'kin na naging dalawa ang buwan nito? Imposible ito." 


"Paanong imposible, Kuya Nathan? Ang planeta nga gaya ng Jupiter ay mahigit pa sa isang dosena ang buwan kaya hindi rin imposibleng magkaroon pa ng isang buwan ang Earth." 


Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi at ipinakita niya sa'kin ngayon. Pero ilang sandali pa, hindi ko na napigilang ngumiti. One thing that I realized now. Lahat ng gusto, may paraan. Lahat ng imposible, pwedeng maging posible kung gugustuhin mo. At ngayon, gagawin ko ang lahat ng paraan para ako na ang mahalin ni Mine. Nanliligaw na 'ko, ngayon pa ba ako susuko? 


Siguro may pagkakamali rin ako. Masyado akong nag-assume at pinangunahan siya. Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong magsalita noong gusto niya 'kong makausap. Siguro nga tama ang mga kaibigan niya. Nasaktan ko rin siya at hindi ko lang iyon nakita dahil mas nanaig ang takot, selos at galit sa puso ko. Pero ngayon, handa na 'kong makinig sa kanya. Handa na 'kong sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. At ano ngayon kung bumalik ang first heartbreak niya? Kayang-kaya ko naman iyon idispatsa at mas gwapo ako do'n kaya alam kong ako pa rin ang pipiliin ni Mine. Hindi na rin ako lalayo at iiwas pa sa kanya hangga't hindi ko iyon naririnig mismo sa bibig niya. 


Ibinalik ko ang mga papel kay Athan at tinapik sa balikat bago ngumisi nang nakakaloko. "Bakit ang talino mo? At bakit hindi ka nagmana sa kagwapuhan ko? Salamat, bata. Nang dahil sa mga ipinakita mo, mukhang magkaka-lovelife na ko." Sabay tawa ko. 


"Mukhang natuluyan ka na, Kuya Nathan. Hindi ka lang assumero, nagha-hallucinate ka pa. And my answers to your questions, matalino talaga ako dahil hindi ako nagmana sa'yo at lalong hindi ako nagmana sa kagwapuhan mo dahil wala ka naman no'n," sabi niya. 


"Kung wala akong kagwapuhan, anong tawag mo sa mukhang 'to? Tsk. Kumain ka ng gulay para hindi lang mata ang luminaw sa'yo, kundi pati isip mo," tumatawa pang sabi ko habang ginugulo ang buhok niya kahit ang gusto kong gawin ay pilipitin at baliin ang leeg niya. Nanggigigil na ko sa batang 'to eh. 


"Oh oh. Umuwi ka na sa inyo at matulog," sabi ko habang takip na ng kamay ko ang bunganga niya at kinakaladkad siya palabas ng kwarto ko. Baka kasi maihagis ko na siya sa balkonahe kapag humirit pa siya. 


Pagkataboy ko kay Athan at pagkasarado ng pinto, muli akong napangiti at napaisip. Imposibleng walang nararamdaman sa'kin si Mine kaya naman bukas din ay kukumpirmahin ko iyon. Hindi matatapos ang araw hangga't hindi ko nalalaman iyon mula sa kanya. 


Tumingin ako sa salamin at nag-pogi sign. Kahit pala nasasaktan at nagseselos ako, ang gwapo ko pa rin. Bwahahaha!

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Kde žijí příběhy. Začni objevovat