Prologue: Under the starry night

12 1 0
                                        


The cold wind greeted me as I walked along the open field. I looked up and admired the bright night with thousand stars hanging and watching this world. Are they looking at me and wondering why am I staring at them? Or are they tired watching this world of constant change turned into their slumber sleep?

Kapag ako naging star, yung malalapit lang sa akin yung papanuorin ko. Titingnan ko kung anong mga ginagawa nila sa mga ganitong oras. Pagtatawanan ko yung mga ways nila ng pagtulog. Bibilangin ko kung ilang beses sila humihilik at kakantahan ko sila pag hindi pa rin sila makatulog.

Pero malungkot siguro na maging star kasi bihira na lang tumitingin ang mga tao sa itaas. Bihira na lang din silang makita dahil natatalbugan ng artipisyal na mga ilaw ng kalsada. At mahirap na din alalahanin na may mga bituin pa pala sa langit dahil puno na lang ng problema ang buhay. Halos lahat nga ata nakatungo dahil umiiyak at walang magawa.

"Ami! Uuwi ka na ba? Sabay ka na sa amin." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Mga choir mates ko pala. I thanked them but I declined the offer.

"Ay bakit naman? Kain tayong dinner diyan sa gotohan."

"Sorry guys. Tinext na ako ni lola na umuwi eh. Tsaka may nalimutan ako sa room. Kaya una na lang kayo pero salamat ulit." I waved them goodbye.

"Next time na lang. Bye! Ingat." They waved goodbye and left me. Nagtatawanan at nagkukulitan na sila nasa gate pa lang. Kung hindi nagtext si lola baka sumabay ako. Well, may next time pa naman siguro.

_________

I walked toward the Building B of our school. Grabe! 4th floor pa classroom ng mga Seniors. As I took the stairs, I realized that there were no lights at all. Sarado na ang mga ilaw ng classroom pati rin ang sa corridor. Grabe talaga! Ang aga ng school magtipid ng kuryente. 8:15 pm pa lang.

At last nasa fourth floor na ako. Kung hindi sa heart-attack dahil sa takot, baka sa hika naman ako mamatay. Inhale. Exhale. My golly. Namamawis na ako. Sa dalawang oras ng choir practice, di man lang ako pinawisan tapos pag-akyat ng hagdan parang nawala yung kalahati ng buhay ko. T_T

Sa mamalasin nga naman, nasa dulo pa yung classroom namin. Dahil sa magulo kong imagination, naiisip ko na may mga kaluluwang nakasilip sa mga bintana at tinatawag nila ako 0_0. Nawala lahat ng pagpapantasya ko ng may nakita akong liwanag. Hala, nalimutan ata nila na patayin yung ilaw. As I came closer, narealize ko na room pala naming iyon. Hala talaga! Mapapagalitan kami ni Maam pag nalaman na hindi nila pinatay yung ilaw. Yung mga classmate ko talaga. Pero parang imposible na hindi nila maalala yung ilaw. My heart was beating so fast and my mind was showing scary images. Ang weird naman gumana ng utak ko. Hindi kaya... hindi kaya mumu yung nagbukas?

I was inches away from the closed door. Creepy! I slowly opened it and there was no one. Baka naman. Baka naman regalo na ni God sa akin na may nakaiwan ng ilaw. Di ba? Para hindi na ako yung magbubukas ng ilaw at baka may mahawakan pa akong kung ano.

"Huy." Waaaahhhh! Did someone or something said 'huy' behind me? Overdrive na ata yung puso ko! Then that 'something' poked me!

"Our father who are in heaven..." I prayed without thinking. Alam kong dapat nagdasal ako ng matino para mawala yung bad spirit pero hindi na gumagana yung utak ko. I closed my eyes and mumbled repeatedly the prayer. Dapat nga tumakbo na ako, pero ayun nanigas na lang yung katawan ko.

"Seriously? Dinadasalan mo talaga ako? Ganoon na ba ako kasanto?" Wait... I know that voice. That was...

"Bwiset ka Louis! Bwiset!" I started hitting him. Medyo malakas. Paano ba naman tinakot ako ng bwiset na ito. Nangalahati pa ulit yung kalahati ko ng buhay. "Tinakot mo ako." Paluha na ako. Suddenly, yinakap niya ako. I was shocked but I held into his arms. Bumuhos na din yung luha ko at unti-unti ng lumambot ang mga tuhod ko.

The Matchmaker's TragedyWhere stories live. Discover now