The Mermaid Tail 3

1.1K 43 6
                                    

Isang himig ang nagpagising sa aking diwa. Hindi ito pangkaraniwang himig, anong klaseng musika ang aking naririnig? Nagpapagaan ito sa aking pakiramdam.

Hindi ko maidilat ng maayos ang aking mga mata sa sobrang pagod at antok.

Ipagpapatuloy ko sanang matulog pero naramdaman ko ang pagkabasa ng buong katawan ko at mga buhanging pino sa aking kamay. Dun ko lang namalayang sumasakit ang aking katawan.

Ano bang nangyari wala akong maalala.

Sa pagtigil ng musika, gumalaw ang bagay na pinagpapatungan ng aking ulo. Dun ko na naisipang idilat ng dahan dahan ang aking mga mata.

Bumungad sa aking ang ngiti ng isang babae. “Salamat at nagising ka na.” malumanay niyang sinabi.

Ang ganda niya. Isang anghel na may magagandang berdeng mata, kissable lips, perpektong pagkakahugis ng ilong at pulang makintab na buhok.

Isang amoy ang nakadistract sa akin. Ang langsa.

Sa paglibot ng aking mata. Nakita ko ang isang malaking klaseng buntot na maihahalintulad ito sa isda. Kumikintab ito kapag tinatamaan ng sinag ng araw.

“Nagandahan ka ba sa aking buntot, inaalagaan ko yan ng mabuti.”

Bu-Buntot niya? I-Isa siyang! Nanlaki mata ko ng unang pumasok sa isip ko.

Kahit masakit ang katawan ko ginawa ko paring makatayo para tingnan kung tama nga ang mga iniisip ko.

Mas lalong lumaki ang mga mata at napalayo sa kanya. Hi-hindi ako makapaniwala!

“I-isa kang mermaid!”

I heard her chuckled at ginagalaw pa niya ang kanyang fins para laruin ang tubig galing dagat.

“Yes!” Hinawi niya ang kayang pulang mahabang buhok. “Isang magandang Mermaid.” She wiggles her eyebrows.

Napahawak ako sa ulo ko at tinapik tapik pa ang pisngi.

“It’s just a freaking dream…”

“Nope.”

Tumingin ako sa kanya at ang paligid.

“It’s a play! Where’s the camera? Pwede na! Artista kana!”

Ngumiti siya. “Another Nope.”

“Aaaaah!!” I freak out!!! hindi ko alam kung bakit ako napasigaw. Nakita ko kasi yung gills niya gumagalaw sa likod ng kanyang tenga.

“Uy! Late ka naman sumigaw dapat kanina ka pa sumigaw.” Sabi niya at tumawa ng mahinhin. “Ang cute mo.”

Tumingin siya sa paa ko at walang ilang segundo hinila niya ito. “Aaah! Sh*t! Sh*t! Bitawan mo ko! Aaaaaah!!! Don’t eat me!!!” kung may makakita sa akin pagkakamalan akong bakla sa kakasigaw. 

“Hey! Stop moving! I’m not human eater.” Sa pagkasabi niyang yon, Napatigil ang pagwawala ko ng napansin ko ang pagkakatitig niya sa mga paa ko at ginagalaw niya bawat daliri ko sa paa kahit ang mga hibla ng kulot kong balahibo dito. Super Amaze siya.

“Ano kaya itsura ng akin? May ganito din ba? o ganito?” pino-point niya yung mga kalyo ko sa paa at mga kulot kong balahibo.

Natatawa ako sa kanya. Ang cute niyang tignan para siyang bata. Naramdaman ko nalang pataas ng pataas ang pagkap kap niya sa akin.

The Mermaid Tail {SLOW UPDATE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon