‘’ Ano kayang masarap na luto para dito? ‘’ Tanong ni Karmina habang pinagmamasdan ang kan’yang gagamiting sahog para sa kan’yang lulutuin. ‘’
Ah! Adobohin ko na lamang ang ibang parte, ang mga buto buto ay ilalaga at ang ulo ay ipapaksiw ko. Masarap ang ulo kapag pinapaksiw, hindi ba? ‘’
Umaakto ang dalagita na para bang may kausap. Habang hinahanda ang lulutuin ay naalala nito ang kan’yang mga magulang. Nais n’ya sanang magpatulong dahil masyadong malalaki at mahirap hiwain ang kan'yang mga iluluto, ngunit naisip n’yang mas maigi kung mag papahinga na lamang sila. At nais n’ya rin surpresahin ang mga ito kaya mas maigi kung s’ya na lamang ang magluluto. Buong araw silang nag aalala sa kanilang paboritong anak, si bunso.
Magdadalawang araw nang hindi nag paparamdam ang aking kapatid. Si nanay ay buong gabing humahagulgol dahil sa hindi pag paparamdam ni bunso. Masakit sa tainga at nakakadurog ng puso ang kan’yang pag-iyak kaya sinubukan kong patahanin s’ya. Si itay naman ay buong gabi akong sinermonan habang hinihintay si bunso. Kaya't pinakalma ko s'ya at ipinagtimpla ng maiinit na kape. "
Sigurado akong matutuwa sila inay at itay. Paborito nila ang aking iluluto. " Makikita mo sa kan'yang mukha ang pananabik na makitang kumakain ang kan'yang magulang ng kan'yang inihain.
Matagal tagal bago natapos magluto si Karmina. Sinigurado n'yang masarap ang timpla ng mga ito. Nais n'yang matuwa sa kan'ya ang kan'yang mga magulang kaya niluto n'ya ang kanilang paborito. Nagsimula nang ihanda ni Karmina ang kanilang hapag kainan.
Pinunasan n'yang maigi ang mga plato, baso, kutsara at tinitidor. Nais n'yang maging maganda ang gabi na ito. " Itong ulo, kay itay ito. Paniguradong mapapadami ang kain n'ya nito. Hilig n'ya ang pagsipsip ng ulo, lalo na sa may bandang mata. "
Nilagay n'ya ang paksiw malapit sa pagpupwestuhan ng kan'yang itay. "Si inay, lahat naman ay kinakain noon. Kaya alam kong lahat ng ito ay gugustuhin n'yang tikman." Handa na ang lahat. Hinihintay na lamang ng hapag-kainan ang mga kakain. Pumunta si Karmina sa silid ng kan'yang inay at itay. "Ito talagang si inay. Gusto pa binubuhat."
Itinayo n'ya ang malamig na bangkay ng kan'yang inay. Nakadilat pa ang mga mata nito. Nasa leeg pa ang telang ginamit upang tumahan ito. Upang hindi na marinig ni Karmina ang masakit sa tainga at nakakadurog ng puso na pag iyak nito. Inupo n'ya ito sa lamesa. At bumalik sa silid upang ang kan'yang itay naman ang sunduin. "Itay talaga oh. Sabi ko namang dahan dahanin ang pag inom ng kape. Ayan tuloy, bumula ang bunganga mo"
Itinayo n'ya rin ang amang wala ng buhay. Tiniis ang bigat nito at pinilit ang sarili na madala ang ama sa kusina. "Ayan, kumpleto na tayo" Masiglang sabi ni Karmina. "Hindi n'yo na ho kailangang kumilos. Sa inyo ho ang gabing ito. Hayaan n'yo ho akong pagsilbihan ko kayo"
Masiglang pinagsisibilhan ni Karmina ang mga magulang. Inilagay n'ya sa plato ng kan'yang ama ang paborito nitong parte. Ang ulo. "Itay, pasensya na ho kayo kung may buhok buhok pa. " Sambit nito sa ama.
Ang ngiti sa kan'yang mukha ay hindi maalis. Sabik na sabik itong matikman ng kan'yang mga magulang ang inihain n'ya para sa kanila.
"Inay, itay, kain na ho kayo." Umupo si Karmina sa tabi ng kan'yang ama. "Niluto ko ho ang inyong paborito." Abot tainga ang ngiti ni Karmina.
•
•
•
•
"Si bunso."
*
*
*
*
(_This is not my own story nakita ko lang po to sa social media so I decided na i post din sa wattpad para I share sa inyo_)
-
-
-
-
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!🎆🎉🎊🔊
~PinkDolls💋
