"Nasa Cr. Bakit? Anong problema at parang hinihingal ka?"- tanong ni Christy.

Binalewala ni Charm ang tanong ni Christy. Naglakad siya palapit sa lalagyan ng mga kutsilyo at kumuha ng isa doon. "Where's Carim??"- tanong niya.

"Nasa kwarto niya."- sagot ni Christy. "Bakit? A-anong gagawin mo dyan sa kutsilyo?"- tanong nya na nagsisimula ng kabahan sa mga sinasabi at kinikilos ni Charm.

Naglakad si Charm palabas sa kusina at sinusundan naman siya ni Christy. "Kunin mo sya at lumabas na kayo dito sa bahay."- utos niya.

"Anong nangyayari Charm? Natatakot na ako."- tanong ni Christy.

Tumigil si Charm sa paglalakad sa may sala at hinarap niya si Christy. "JUST DO WHAT I'VE SAID!!"- sigaw nya dito. Muli siyang naglakad at tumigil lang syang muli nang nasa harapan na siya ng pintuan sa CR. Sinundan pa rin siya ni Christy hanggang doon.

"SABIHIN MO NA KASI KUNG ANO ANG NANGYAYARI CHARM!!"- sigaw ni Christy.

Pinihit ni Charm ang door knob ng pintuan ng Cr pero nakalock ito. "YOU MOTHERF*CKER!! YOU SON OF A B*TCH!! OPEN THE F*CKING DOOR!!"- galit na galit na sigaw ni Charm habang pilit na binubuksan ang pintuan. Paulit-ulit nyang inuuntog ang kanyang kanang braso sa pintuan sa kagustuhang mabuksan ito. "LUMABAS KA DIYAN!!!"- sigaw nya at biglang bumukas ang pintuan.

Lumabas ang taong nasa CR. Nagawa niyang isandal si Charm sa pader na kaharap ng CR.

Nabitawan ni Charm ang hawak niyang kutsilyo.

"AHH!!"- napatili si Christy sa sobrang gulat. Nakita nyang nakasuot ng itim at mahabang tela na may hood ang taong ilinuwa ng CR. Nakasuot ito ng maskara na mukha ng payaso at suot rin nito ang gloves sa magkabilang kamay. Nakita nyang may hawak itong kutsilyo at nakita rin nya kung paano nito ibaon iyon sa tiyan ni Charm. "CHARM!!!"

"ARCKKKK!!"- nasambit ni Charm. Nawala ang galit at tapang nya dahil nangibabaw sa kanyang katawan ang sakit ng pagkakasaksak sa kanya ng lalaki gamit ang kutsilyo nito.

Maraming beses na napahakbang ng paatras si Christy. "NO!!"- iyak niya.

Halos mapaupo si Charm sa sahig dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya pero pilit naman siyang pinapatayo at pinapasandal sa pader ng taong nakamaskara. "RUN!!"- sigaw niya kay Christy kahit hinang-hina na sya.

Lumingon ang taong nakamaskara kay Christy.

Biglang nangatal ang panga ni Christy. Tumakbo siya papunta sa taas upang puntahan ang kapatid niya sa kwarto nito.

Muling tumingin ang taong nakamaskara sa nanghihinang si Charm. Nakabaon pa rin sa tyan nito ang hawak niyang kutsilyo. Marami ng dugo ang lumabas mula sa tyan nito at ito'y tumulo o umagos pabagsak sa sahig. "Masakit ba ang masaksak sa tiyan, kagaya ng ginawa mo sa akin??"- tanong niya.

"I-Ik-kaw??"- balik-tanong ni Charm nang makilala nya ang boses ng taong nakamaskara.

"Oo. Ako nga. Ako ang papatay sa iyo, sa mga kapatid mo at sa mga natitira mo pang kaibigan."- sagot ng taong nakamaskara. Hinugot nya ang kutsilyo mula sa tiyan ni Charm at hinayaan na nyang bumagsak ito sa sahig.

Napangisi ang taong nakamaskara. Dali-dali syang tumakbo papunta sa taas.

"Don't ask! Just do what I'm going to tell you."- nanginginig pa ring sabi ni Christy pagpasok nya sa kwarto ng kapatid na si Carim Cu. Sinarado nya ang pintuan ng kwarto at linock ito.

"H-huh??"- takang tanong ni Carim.

"Turn off the f*cking t.v."- utos ni Christy.

Pinatay ni Carim ang t.v kagaya ng iniutos sa kanya ni Christy. "Ate, anong nangyayari??"- tanong nya.

The Man Behind the Clown Face Mask (Completed)Where stories live. Discover now