Barbecue

13 2 0
                                    

Ikadalawampu't siyam ng Agosto 2015, 12:04 p.m. Ipinark ni Charm ang kanyang kotse sa parking lot ng condominium na pag-aari ng ate niya na si Christy Cu. Pinatay niya ang makina ng kanyang kotse. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa nakakurus nyang dalawang kamay na nakapatong sa manibela. Ang sakit-sakit na ng kanyang ulo sa pag-aanalisa ng mga pangyayari. "Eto na ba ang karma ko?"- tanong niya sa sarili.

Napaangat ng ulo si Charm nang biglang tumunog ang cellphone nya sa kanyang bulsa. Kinuha nya ito at tiningnan. Napag-alaman nyang tumatawag sa kanya si Christy kaya agad nya itong sinagot. "Hello? Bakit ka tumawag?"- kunot-noong tanong niya.

"Hi Baby Boy!"- bati ni Christy sa kabilang linya.

"Just tell me what you want!!"- inis na sabi ni Charm.

"Umayos ka Charm! Ate mo ako, hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo!"- sabi ni Christy.

"Then umakto ka na parang ate ko talaga! Mas mature pa nga ang pag-iisip namin ni Carim kaysa sa iyo!"- sabi ni Charm.

"Hay!"- napabuntong-hininga si Christy. "Wala na talaga akong magagawa sa ugali mo!"- sabi niya.

"You're definitely right. Wala na talaga."- napangising sabi ni Charm.

"Tinawagan kita kasi nandito si...... Ano nga pangalan nun? Um... Basta new friend mo daw sya. Hinahanap ka."- sabi ni Christy na naging dahilan para muling mangunot ang noo ni Charm.

"Sino? Sabihin mo na ang pangalan."- sabi ni Charm.

"Basta pumunta ka na rito sa bahay para malaman mo na kung sino yung friend mo na pumunta dito. At para malaman mo na din kung ano yung sadya nya."- sabi ni Christy. "Dito ka na rin maglunch. Nagluto ako ng torta na paborito nating tatlong magkakapatid. Matagal na panahon na rin ang nakalipas mula nung huli tayong nakakain ng ganun. Puro sosyal na...."- sabi pa niya na hindi na natapos.

"THAT'S NOT MY FAVORITE FOOD YOU B*TCH!!"- sigaw ni Charm at pinutol na ang tawag ni Christy. Pulang-pula na ang kanyang mukha sa sobrang inis.

Pagputol ni Charm sa tawag ay nakatanggap siya ng isang message sa cellphone mula sa isang unknown texter.

** Nandito ako sa bahay niyo. Mukhang masarap yung torta ng Ate mo! Pero hindi yun ang pakay ko dito! Nandito ako para maghiganti! Gusto ko ring makita ang mga bituka ng dalawa mong kapatid na babae. Hehe. Louis Ayala to, pakisave na lang number ko sa phonebook mo. **

Pagkatapos basahin ni Charm ang kabuuang message ay agad siyang pinanlakihan ng mga mata. "Holy Sh*t!!"- nasambit nya. Tinawagan niya si Christy sa cellphone pero hindi nito sinasagot. "Answer the godd*mn phone."- bulong niya at binuhay niyang muli ang makina ng kotse at dali-dali niya itong pinaandar patungo sa kanilang bahay. Kinakabahan sya sa mga maaaring mangyari. Dahil sa natanggap na text message ay parang unti-unti na syang napapaniwala sa mga sinasabi nina Aliona at Devonne na ang pangalan ng lalaking nabundol nila ay Louis Ayala at balak nitong maghiganti sa kanila sa pamamagitan ng pagkitil sa kani-kanilang buhay. Unti-unti na rin syang napapaniwala na ang lalaki ang responsable sa pagkamatay ng mga Dela Rosa at ang isusunod nito ay ang kanyang mga kapatid.

Nang makarating na siya sa kanilang bahay ay agad niyang inihinto ang kotse sa tapat nito. Dali-dali syang lumabas sa kotse at tumakbo papasok sa bahay. "Ate?? Carim??!!"- tawag niya sa sala. Nang makita nyang walang tao sa sala ay dali-dali naman siyang tumakbo papasok sa kusina. "Ate??"

Nakahinga ng maluwag si Charm nang maabutan nya sa kusina ang kanyang Ate Christy na umiinom ng tubig. "Ate!! Nasaan na si Louis??"- tanong ni Charm na syang kinagulat ni Christy.

"What?? S-sinong Louis??"- takang tanong ni Christy.

"Yung sinasabi mong new friend ko na nandito sa loob ng bahay natin!"- sagot ni Charm.

The Man Behind the Clown Face Mask (Completed)Where stories live. Discover now