Chapter 3. Meet-ups

37 1 0
                                        

^Feiya Reece^

"Couz!" I heard a familiar voice. I smiled to myself then turned around. At last I have company...

"Hi there," I greeted. She hugged me.

"You're pretty popular, you know," she said. Siniko pa 'ko.

"Ha?" Tapos napansin ko nakatingin ang lahat sa'kin. Sheesh. Ano ba yan, ayoko ng ganyan. (>.<)

Napansin yata ni Heirms na clueless ako sa sinabi niya. May tinuro siya sa bulletin board.

What?! O_O

Buti na lang hindi ako napasigaw. I slowly stepped towards the board to see clearly.

There is a poster. A big one. There's a girl in it and below there's a caption saying: "Meidan University is proud to announce and welcome Ms. Feiya Reece, finally, as one of its students."

Heirms tapped my shoulder. "See? I told you."

I sighed. "Ganito ba lagi dito everytime there's a transferee?"

"Nah," she shooked her head. "They're only doing things like this for special individuals katulad mo."

"Special?! Me?!" Medyo tumaas ang boses ko dun.

Eh paano naman, pinaka ayaw ko yung tingin ng lahat sakin parang celebrity. I hate always being the center of attention. I just want to blend in.

"Hey couz, relax! Hindi mo naman kasalanan na anak ka ng famous hotellier na si Andrew Reece di ba?"

That's when I realized na tama si Heirms. I can't change who I am.

(_ _")

I slowly nodded.

--------------------

^Reiko Abeldez^

Dahan-dahan kong itinaas ang mukha ko to see if may tao na sa classroom. Ano ba yan, nakatulog na pala ako habang nakayuko dito sa desk. Napaaga kasi ang gising ko kanina kaya tuloy napaaga din ako dito sa school.

Huh? Wala pang tao?(@_@)

Tiningnan ko yung relo ko. 20 minutes bago mag 7. Maaga pa rin pala eh. Pero kahit na. Dapat meron na kahit mga ilan pa lang.

Tumayo ako. Wow ang sarap mag inat...

Teka... tapos sumilip ako sa binta. Ang daming students sa baba. May event siguro. Oh baka may bisita na naman.

After some minutes nagsisipag datingan na mga classmates ko. I sighed.

Hindi pa rin ako makapaniwala na dito sa Meidan University ako nag-aaral. Ayoko naman dito. Super mahal kaya dito. Di naman namin afford eh kaya lang thanks to the scholarship na pinagpaguran asikasuhin ng kuya ko kaya ako nandito ngayon.

Akala siguro nila gusto ko dito. Haaay... Abnormal kaya tong school na'to. Bakit? Malalaman nyo rin.

Napatingin ako sa pintuan ng classroom. Sa labas, may babaeng nakatayo. She looked at lost. Ngayon ko lang ata siya nakita dito sa may room namin. Baka taga ibang section. Pero familiar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati pero hindi dito.

I decided na lumabas. Mukhang kailangan ng tulong eh. Tsaka curious talaga ako. Familiar talaga siya eh.

"Hello. May I help you?" Inglesero mga estudyante dito eh.

Tiningnan niya 'ko. Wow, ang ganda nya. Wait. Hindi ako tibo ah. Maganda talaga sya, pero simple lang. Mayaman to sigurado. Pero sa lahat ng mayaman sya yung walang arte sa katawan.

Nakatingin lang siya sakin. Familiar talaga siya...

"You?" sabi niya.

"Ikaw?" sabi ko.

Sabay yun. Tapos.

"Oh thank you last time," --siya.

"Salamat nun ah," --ako.

Sabay ulit un. Wow ahh...

Tapos tawa lang kami ng tawa. Kasi naman bakit kailangang same pa kami ng sinabi, sabay pa tapos twice pang naulit.

Ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang dati na kaming magkaibigan.

"So glad na makita kita dito. Small world. Anyway, gusto kong magpasalamat about last time. Kung hindi dahil sayo baka naligaw na'ko," she smiled.

Nakarecover na'ko sa pagtawa.

"Wala yun no. Ako ang dapat magpasalamat kasi dahil lang dun binigyan mo ko ng 3,000php,"

"You deserve it. Matulungin kang tao kaya dapat lang na bigyan kita," katwiran niya.

Nakita ko yung hawak niyang papel. Kulay blue ito at medyo maliit. Ahh... kaya pala ngayon ko lang siya napansin dito. Transferee siya. Pero teka, half of the year na ah...

Hinanap ko yung badge niya pero wala. Hmm. Silver yun for sure. Nakalimutan lang siguro niyang isuot.

"Uhm... pwede ko bang makita yung papel na hawak mo?" I offered.

Inabot niya. Nung nakita ko, I smiled. Swerte talaga tong babaeng to saken. Akalain mo classmate ko pa siya!

"Tara," hinila ko yung kamay niya. Buti na lang vacant yung katabing upuan ko.

Nakatingin lang siya sakin. "Upo ka na," sabi ko. "Akala ko naliligaw ka na naman, eh nasa tamang classroom ka na."

"Talaga? Hindi ko alam eh," she chuckled.

"So, we're classmates?" tanong niya. Tumango lang ako.

"I'm Feiya Reece. Nice to meet you," inabot niya kamay niya sabay smile.

"Reiko... Reiko Abeldez. Nice to meet you too," nag smile din ako tapos shake hands.

------------------

^Feiya Reece^

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! I'm so glad na this girl would be my classmate. Feeling ko medyo makakahinga na'ko ng maluwag sa university na'to because of her. Ang gaan ng loob ko sa kanya.

Bumukas ang pintuan ng classroom at pumasok ang isang matangkad na lalaki, gray na ang buhok niya. Siguro nasa mid 40's na ito.

He must be our professor.

Napatingin siya sa akin then he smiled. I felt my stomach na parang nanigas, tapos nanlamig ang mga palad ko.

This is it...

When I heard our professor called my name, all eyes automatically turned on me. Even si Reiko.

I slowly stood up then walked towards the platform.

---------------

AN: Kung may mapansin po kayong mga errors, sooorryyy pooo. Di po ako perfect. Aha.

Comments please... vote na rin kung pwede. ^__^v

Thank you!

First To Be Inlove (On-Going)Where stories live. Discover now