Chapter 9

34.7K 732 24
                                    

Tanghali na akong nagising dahil sa pinagod ako ni Rhyker kinagabihan. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi siya napapagod. Tinupad din nito ang sinasabi nito sa kanya na punishment. Nakakatakot tuloy gumawa ng kasalanan sa kanya pero a naughty side of her thinks na masarap ang bawal. Natawa siya sa naisip kaya naman bumaba na siya at nakita ang pagkain na nakahain may note pa na nakalagay dito.

Sweetie,
I know you are too tired from last night. Here are the foods for your brunch. Don't forget also to drink your milk. It's good for you and to our baby.

Love,
Rhyker

Kinilig naman siya dito at nagumpisa na siyang kumain. Ganado siya sa pagkain niya dahil alam niya din na niluto ito ni Rhyker. Matapos siyang kumain naligo na siya at pupunta na sa clubhouse ng village upang makipagkita kay Rhyker. Dito na din sila magtatagpo nila Giselle at Sohaima dahil nakabook sila para sa SPA Session.

"There you are Sweetie." Binati siya ni Rhyker at hinalikan sa labi. Nandito din ang kaibigan ni Rhyker na si Thatcher.

"Hello. Soon to be Mrs. Amezcua. You look lovely in every single day." Sinamaan naman ito ng tingin ni Rhyker.

"Out man!" Sabi nito sa kaibigan may pagkadiin pa sa sabi nito.

"Woah...woah. Don't be so threatened man. I like to compliment. No malice." Ngumiti pa ito sa kanila. Tuluyan na din itong pumunta sa Gameroom sa loob ng clubhouse.

"Ang cute cute talaga ng sweetie ko." Hinarap niya ang mukha ni Rhyker at pinisil pisil ito. She is so lucky to have Rhyker beside him. Nagmomoment sila ni Rhyker nang dumating si Cad kasama nito si Giselle na inaakay nito mukhang hindi ata makalakad.

"Hey Lovebirds!" Bati sa kanila ni Cad. Mukhang maganda ngayon ang aura nito pero ang kaibigan naman niya mukhang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa iniindang sakit.

"Hey Cad." Bati naman niya dito. Nginitian naman siya nito.

"Anong nangyari kay Giselle? Mate?" Tanong naman ni Rhyker kay Cad. Nakita niya ang pagsilay ng makulit na ngiti sa mga labi nito.

"I punished her last night thats why." Makahulugan naman ngumiti ito sa kanila ni Rhyker. Namula naman siya dahil naalala niya ang punishment ni Rhyker sa kanya.

"Please elaborate Mate." Sabi ni Rhyker nangungunot kasi ang noo nito mukhang may gustong sabihin.

"Ano kasi ano. Yung punishment. Pinaglinis niya ako ng bahay niya kasi madumi so. Ano...a--ayun nadulas ako then medyo napilayan.hehehe." Sabi naman ni Giselle mukhang namumula din ito. Alam niya kung kailan nagsisinungaling ang kaibigan siguro nahihiya ito umamin kaya gumawa ng kwento.

"Sweetie. Meron nga pala kaming Spa session nila So." Pagpapaalam niya dito baka na naman kasi magalit ito sa kanya e. Nagpupuppy eyes na soya sana gumana.

"I'm gonna think about it. Sweetie." Sabi nito sa kanya.

Bigla naman dumating si Treyton. Mukhang inaantok pa ito. Binati naman sila nito.

"Hey Lovebirds!" bati nito sa kanila ni Rhyker. Nakipag brofist pa ito kay Cad at Rhyker.

"Sestrenka! Nandito ka rin pala" nginitian ni Treyton si Giselle at akmang lalapit ito dito nang hinila ni Cad si Giselle pinaupo ito sa sofa at tinabihan ito.

"Di ba. Hindi ka makalakad ng ayos kaya maupo ka muna." Sabi ni Cad dito. Mistulang bata na naman si Giselle na nakikinig sa magulang. Napailing na lamang si Treyton dito at tumawa.

"Celestine, Pinapasabi nga pala ni So na hindi siya makakasama sa Spa session niyo ni Giselle." Casual nito na sabi sa kanya.

"Bakit daw?" Tanong niya dito.

Libidinous Series 1: Rhyker Maximus AmezcuaWhere stories live. Discover now