Sana

48 3 2
                                    

Ang paghanga kong ito,
Na kay tagal tinago,

Hindi masabi-sabi,
Dahil baka magsisi din sa huli,

Dahil ayaw kong mawala,
Itong pagkakaibigan natin na muntikan ng masira,

Ang pagkakaibigan natin ang daan,
Upang maipadama ko sayo ang aking nararamdaman,

At masabi ang mga salita,
Na gustong-gusto ng kumawala,

Kay tagal inasam-asam,
Na masabi sayo ang aking nararamdaman,

Na maipadama sayo na mahal kita,
Kahit na meron kanang iba,

Nag seselos ako,
Sa tuwing may nagkakagusto sayo,

Dahil binibigyan mo sila ng pansin,
At tuwang-tuwa kapa kapag sinasabi mo ito sa akin,

Napakasakit na makita kang masaya,
Sa piling na iba,

Pero wala akong magagawa,
Dahil hindi mo tanggap ang iyong kapwa,(babae)

Dahil hindi ka sang-ayon,
Sa ganitong klaseng relasyon,

Dahil para sayo,
Kasalanan ito,sa mata ng diyos at sa mata ng ibang tao,

Kaya kahit na namanhid na ako sa sakit,
Nandito parin ako't tinitiis ang pait,

Sana ay dumating ang panahon,
Na maimulat mo ang iyong sarili sa ganitong klaseng relasyon,

At sana sa mga panahong iyon,
Ay masasabi ko na ako'y nakapag move-on,

Tanggap ko na,na hindi tayo para sa isa't-isa,
Dahil may nakalaan pala para sa akin na mas higit pa.

Hear MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon