That's My Aia Cruz...

Zacznij od początku
                                    

{ Ano 'yung kanai? Pero sige. Siguraduhin mo lang na makakapuntos ka ah, dahil kung hindi, pepektusan kita.(>:-[) }

To: Aia Cruz ko <3

{ Yes naman, kanai ko. Babye na. Ma-miss mo ako lalo eh. }

From: Aia Cruz ko <3

{ Asa lang, Guevarra. Sige, ingat ka diyan sa kaka-shoot. Matamaan ka pa ng bola eh. }

To: Aia Cruz ko <3

{ Tss. Tinamaan na ako sa'yo kaya wag kang mag-alala, hindi na ako tatamaan sa bola at sa kahit kanino pa. ♥_♥ }

Nakangiti lang ako habang itinatago 'yung cellphone doon sa bag ko. Nakakabading na talaga 'yung si Cruz ko. Tumingala ako at, bull's eye! Kailan pa naging ring 'tong mukha kong ubod nang gwapo? Sinamaan ko ng tingin si Coach at pati na rin 'yung mga team mates ko na halos mamatay na sa tawa. Tss. Mga baliw na kolokoy.

"Inlababo 'yan sa Aia Cruz niya, Coach," sabi ni Blue habang tumatawa pa rin. Kung makatawa naman 'tong bughaw na 'to, parang walang bukas.

"Oo nga Coach. Nanliligaw na 'tong binata niyo," sabat naman nitong si Red. Sarap lang sipain ng pulang 'to.

"Hinalikan na niya si Aia Cruz, Coach," sabi naman ni Grey sabay tawa nang malakas. Mga kulay na walang magawa sa buhay. Kaya ayoko sa mga kulay na pula, bughaw at abo eh. Tumakbo ako papunta sa kanila at binatukan sila nang tig-iisa. Si Coach naman, kung makangiti halos mapilas na 'yung mukha niya. Kinuha ko lang 'yung bola at saka ini-shoot sa ring. Three points, walang palya.

"You're now a real gentleman, son. Next time, dalhin mo dito si Aia Cruz mo," sabi ni Coach at saka ako tinapik sa balikat. Tss. Kung alam ko lang, ikikwento niya kay Aia 'yung mga kalokohan ko noong bata pa ako. Hindi naman ako madalas magkwento sa tatay kong Coach ko eh, lalo na kung tungkol sa mga babae. Aasarin lang ako noon. Tumango lang ako kay Coach at saka kinuha 'yung bola at binato 'yung tatlong kulay na kanina pa tawa nang tawa.

"Practice na! Dali!" sabi ko at ipinasa sa kanila 'yung bola upang magawa na nila 'yung training drills namin. Tss. Excited na akong ipakilala ang Aia Cruz ko sa tatay ko. Habang naglalaro kami, dumating na rin ang cheerleading squad. Ayan na naman 'yung mga sizzling hot girls na pinagpipiyestahan ang aking taglay na kagwapuhan. Pero sorry na lang sila noh, taken na ang puso ng nag-iisang Lance Daniel Guevarra. Nabihag na ni Aia Cruz ko ang aking puso't kaluluwa. Aba't, kailan pa ako naging makata?

"GO LANCE! WE LOVE YOU!" sabay-sabay na sigaw noong mga cheerleaders. Nilingon ko sila at kinindatan sila. At sa kindat na 'yun, automatic na nagkaroon sila ng epilepsy. Pwesto, at shoot! Pasok sa ring ang two points. Pagkatapos ng 30 minuto, nagkaroon kami ng break. Naupo ako sa bleachers at uminom ng Gatorade na pink. Tss. Mas gusto ko pa rin 'yung blue, pero mahihindian ko ba kung si Aia Cruz ko na ang nagbigay? Sabi niya kasi, favorite color niya ang pink kaya 'yun din 'yung kulay ng binili niyang Gatorade. Hay, iba na talaga ang tama ko sa babaeng 'yun.

"Hi Lance. Matagal na rin tayong hindi nakakapag-usap ah. Can I sit with you?" tanong ni Natasha, 'yung leader ng cheerleading squad. Nagkibit-balikat lang ako habang umiinom ng Gatorade. Tinabihan niya ako at inangkla sa braso ko 'yung kamay niya. Peste! Parang linta lang! Ganoon lang kami hanggang sa dumating na rin 'yung iba pang mga estudyante. Panonoorin kasi nila 'yung qualifying games namin ngayon laban sa varsity ng isang Catholic school. Naupo lang sila doon sa bleachers at nagsidatingan na rin ang mga players at iba pang mga estudyante ng Holy Trinity Catholic School. Tss. Hindi naman sa nagmamayabang, pero mukhang wala silang binatbat sa amin.

I Heart You, Lamok! (Two-Shots)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz