DOTA o Ako?

78 4 0
                                        

"DOTA o Ako?"

Pumunta ako ng internet cafè para mag-rent ng computer at gumawa ng assignments. Kasalukuyang nasa rurok ng laro ang mga DOTA players doon, hindi maitatanggi dahil sa malakas na malulutong na murahan nila at halos magwala sa kinalalagyan nila.

Pumuwesto ako sa bakanteng PC at sa akin na lang iyon pinabuksan n'ung bantay. Pagkapindot ko start button biglang namatay ang katabing monitor.

Natigilan ang user sa sumunod na upuan ko.

Natameme ako. Maling set ang nagalaw ko. Bigla akong kinabahan. Ang intense pa naman ng lalaki sa laro at harsh niya makapag-trash talk kanina.

Bumaling siya sa akin na may karahasang reaksyon sa mukha niya.

Natatakot ako, anytime pwede niya akong paulanan ng mura habang dinuduro-duro at pagbantaan ang buhay ko. Baka mamaya ay hindi na ako makalabas ng buhay sa lugar na 'to.

Mabilis na nakaisip ako ng paraan para ma-distract si kuya. "Sabi ko na nga ba, nandito kang hinayupak ka! 'Di ba, ngayon 'yung date natin? Bakit nandito ka? Ano ba talagang gusto mo? Pumili ka! DOTA o ako?!"

Single
CCS
2019
CU

University Crushes: The Confidential ConfessionsStories to obsess over. Discover now