Chapter 2 [Present Time]

Start from the beginning
                                    

Si Tita, kunwaring umiyak lang pala para makuha yung atensyon ko. Ang lalim nga naman kasi ng iniisip ko kanina. -__-

"Nakooo! Ang alaga kooo! Mabait na ulit. Masaya ako para sayo iyo." Haha. Wow naman si Yaya. Teary eyed pa!

"Haha. Yaya naman eh! Siya nga pala, bakit po kayo nandito? Kayo na po ba ulit ang mag-aalaga sa akin?" Excited kong tanong.

"Oo, Chessa. Kinonchaba ako ng Tita mo. Na-kwento mo daw kasi ako sa kanya. Kaya ayun. Idinahilan ko sa mama mo na uuwi na ako dahil wala narin naman akong magagawa doon."

"Aaaah." tumango tango ako. "Si Tita talaga. Haha. Salamat yaya at hindi kayo nagsawa sa akin. Haha. Namiss ko kayoooo." Nagyakapan kami at tumawa.

"Hinding hindi. Ikaw ata ang alaga ko! Haha. Osha. Aayusin ko muna ang mga gamit ko ha. Bumaba ka muna doon at may sasabihin ata si Mam." Nag-nod nalang ako at bumaba na. Si Yaya, pumasok na dun sa magiging room niya.

Pagbaba ko, nakita ko si Tita na nakaupo sa may salas.

"Tita!"

"Ay halimaw!" Ako? Halimaw?! Sa ganda kong to?! 

"TITAAAA!!! Ako halimaw? Ang ganda ko para don!" Natawa naman siya. Halimaw daw ako.

"Ikaw pala Chessa. Nanggugulat ka kasi eh. Pasensya na."

"Haha. Okay lang po. Pinababa po ako ni Yaya kasi may sasabihin daw kayo."

"Oo nga pala. May balita kasi ako sayo."

"Ano po yon tita? Sabihin niyo na po. Naeexcite ako eh. *pout*" May patalon talon pa ako.

"Chessa... next week, You'll be back to school. I already enrolled you. Sa Thornton Academy. Pagmamay-ari namin ng kaibigan ko."

Ah scho--

O__O

"SCHOOL?!" Mixed emotions. I admit. I'm still afraid to socialize w/ others.

"Yes hija. Why? Ayaw mo ba?" Ayaw ko nga ba? Hmmm.. Hindi naman..

Magsasalita na sana ako kaso...

"4th year high school ka na nga pala pagpasok." Nakangiti pang sabi si Tita. Ako? Lalong nashock. parang ang late naman ata? 

"Tita, 16 palang po ako. Di po ba dapat iba? I mean dapat hindi po ako 4th year high schooli?" Napatawa naman siya. May mali ba sa sinabi ko? -.- Nung tumira kami sa US, nag-start ako as grade four tapos na-accelerate pa ako. Actually kung nasa Cali ako ngyon, dapat Grade 12 na ako at ga-graduate na. Eh 4th year diba 10th Grade, tama ba?

"Anak, iba dito sa Pilipinas. 16 ka na hindi ba?" I nodded. " Oh edi tama lang yun. 16 ang normal na edad kapag 4th year. Wala pa kasing middle school dito. Saka hindi ka din kasi naka-graduate doon sa States kaya hindi ka pa pwedeng mag-college." 

Shooooooot! Stupid Chessa. Nakalimutan ko. Hindi pa nga pala ako graduate! Sayang ilang buwan nalang sana. At sayang din yungacceleration ko doon. Psh. Bahala na. Kasalanan ko rin naman kung bakit di ko natapos yung high school doon eh.

And I wonder kung makaka-graduate ba talaga ako doon. Sa sobrang dami kong cutting classes at absent halos wala rin akong maayos na natutunan. Nang tumungtong kasi ako sa high school, a year after ma-grant yung acceleration ko, nawalang parang bula ang sipag ko sa pag-aaral. Sinukuan ko na lang kasi nonsense naman. Hindi rin naman mapapansin ng parents ko.

Pero sana pala tinuloy ko pa rin kahit para nalang sa sarili ko. Kaso wala na eh. Tapos na yun. At hindi ko na mababalik pa.

Other term for  tanga? C-H-E-S-S-A.  -____- Pagbigyan na. May pagka-engot talaga ako.

Ngayon ko lang na-realize na mas madali pala dito. After four years, pwede ka nang mag-college! Tapos after college pwede na mag-trabaho? Astig. 

"So ano? Okay na ba sayo? Alam mo, kung iniisip mo yung sa school, wag kang mag-alala. Gawin mo nalang kung ano ang sinasabi ng puso't isip mo. Wag kang matakot makipag socialize pero mag ingat ka pa rin." Napa-isip ako sa sinabi ni Tita. Tama siya. Sundin ang puso't isip.

"Kung may problema, pwede mong takbuhan ang Tita Ana mo. Ang may ari nun. Gaya ko, matanda rin siyang dalaga. At malapit din ang loob sa mga bata." Sa mga narinig kong sinabi ni Tita...

KAMPANTE na ako.

Hindi naman siguro ganun kahirap mag-adapt ng bagong nature...

Pero, hindi Chessang masayahin o maingay katulad ng nasa bahay siya.

Hindi Keres na brutal kundi mapagtimpi. Kumbaga, nasa gitna lang. Nasa gitna muna.

"Tita, okay na po yun. Salamat nga po pala sa mga payo niyo. Makakatulong po yun."

"Wala yun. Sinabi ko yun para maliwanagan ka sa mga bagay." Ngumiti ako as sign of response. At umayat na ako papunta sa kwarto ko.

Ngayon, may mga magandang bagay ang pumasok sa isip ko.

 

Hindi ako pwedeng magtiwala agad.. Dahil baka sa huli, ako lang din ang makakaranas ng SAKIT. Sakit na epekto ng panloloko ng mga taong nasa paligid ko. Ayaw ko nun. Kaya mabuti nang mag-ingat :)

 

Ang gusto ko lang isipin ngayon ay kung paano ko ma-eenjoy ang school.

 

Zzzzzz.......

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lame. I know. :3 Umpisa pa lang namaaan. Chill ^_^ 

 

Vote.Comment.Be a Fan and enjoy :)

Gangster's "I Hate You"Where stories live. Discover now