Moment of Truth

49.9K 1.7K 341
                                    

           

How did I become the forbidden one? I dunno. It was all too fast...

Paulit-ulit sa utak ko na parang sirang plaka iyong sinabi ni Kairos Vejar sa akin almost a week ago. One week akong hindi pumasok dahil hindi ako makagulapay sa kalungkutan. Iyak ako nang iyak habang nasa dorm ako. Tinatanong ako ng mga dorm mates ko kung okay lang ba ako. Sabi ko na lang na okay ako. Okay lang naman talaga ako, okay ako kapag natutulog ako. Nakakalimutan ko kasi na hindi ako okay kapag natutulog ako.

Sleep is my get away.

I need sleep.

Sleep is life.

Kung pwedeng maging si sleeping beauty na lang ako para one hundred years akong tulog tapos kapag nagising ako dahil sa true love's kiss, makakalimuta ko nang niloko ako ni Sergio at ginago niya ako.

"Putang ina lang kasi. Nangako siya na ibibigay niya sa akin ang virginity niya. Kalokohan lang pala." Wika ko habang nakatayo sa harapan ng salamin. Papasok na ako ngayon. Hindi na ako pwedeng mag-absent dahil hinahanap na ako ng mga professors ko.

"Virgin, virgin! Tang ina lang!!!" I hissed. Padaskol kong kinuha ang bag ko at ang mga libro ko. Naalala kong dapat kong tawagan ang Cooperating Teacher ko dahil isang linggo akong nawala.

I need to mend my broken heart. Bullshit kasi si Sergio. Iyong taon nang tinagal ng relasyon namin, itinapon niya dahil lang sa libog.

Libog is life. Pakshet him.

Sumakay ako nang jeep paglabas ko ng dorm. As usual, traffic na naman ang sumalubog sa akin. Mabuti na lang at maaga akong nagising dahil kundi, male-late na naman ako.

Pagbaba ko ng dyip ay inis na inis pa rin ako. H'wag na h'wag ko lang talagang masasalubong ang higad na si Sergio dahil baka buhusan ko siya ng suka para naman magkaroon siya ng blisters sa katawan. Tang ina niya!

Habang naglalakad ako ay nakasimangot ako. I can see my friends pero snob ako kaya lakad pa more ang ginawa ko. Ang sabi ni Nika sa akin – iyong isa sa mga kaibigan ko ay may program daw sa gym. Doon na ako dumiretso at nag-hang out.

I checked my phone. May thirty missed calls na ako mula sa boyfriend kong higad at may forty five message asking me where I am. Pero hindi ko siya ni-reply-an.

Naupo ako roon at naghintay. Nag-iikot ang mga mata ko at dahil doon, nakita ko iyong haliparot na babaeng si Mary Jane. Tourism yata ang course niya. Tumaas ang kilay ko.

Sisirain ng kakatihan niya ang image ng Tourism.

Napatingin siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay tapos ay tumawa na para bang nakakainsulto. I made a face. Iniba ko ang direksyon ng mga mata ko at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko si Sergio na nakaupo na sa tabi ko.

"Baby girl ko, I miss you. Nagkasakit ka daw. Hindi kita nadalaw kasi may sakit din ako, alam mo na." Hinawakan niya ang kamay ko tapos ay nakadama ako ng kilabot. How dare he? Hindi niya ako dapat hawakan. Nakakadiri siya.

Binawi ko ang kamay ko. Napupuno na ang gym. Hindi ko siya kinikibo kahit na daldal pa siya nang daldal. Tango lang ako nang tango.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang program. Hindi ako nakikinig. It was about Good Drugs vs. Party Drugs. May isang pharmaceutical company ang nagbigay nitong free seminar na ito. I find it boring.

"Mahal kong Marimar, mag-date tayo sa Sabado. Babawi ako sa'yo dahil may sakit ako noong anniversary natin." Kinikilabutan ako sa pinagsasabi niya. Mahal ko si Sergio pero hindi ko makakalimutan iyong nakita ko.

Secrets Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon