Chapter 1

47 2 0
                                    

Nagising siya sa gitna ng masukal na kakahuyan, madilim at napakatahimik. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi naman siya takot sa dilim pero may kakaibang pakiramdam ang hatid sa kanya ang lugar na ito.

Napatingin siya sa sarili, nakasuot siya ng puting bestida na parang damit ng isang prinsesa. Sa kaniyang gilid ay may sapa, tumatama ang repleksyon ng maliwanag na buwan. Nagtago siya sa likod ng malapad na puno nang makarinig ng kaluslos, upang 'di makita ng kung sino man ang paparating. Pinakiramdaman niya ang paligid at 'di naglaon ay nakarinig siya ng mga nagmamadaling yabag.

"Nasaan na!?" Galit na turan ng nakatatakot na boses na iyon. May malakas na atungal ng lobo siyang narinig at halinghing. "Mga hangal! Isa lamang iyong bata! Bakit kayo natakasan!?" Galit na galit na sabi ng nag ma-may ari ng boses.

Sumilip siya at nakita siya ang kaniyang makamandag na pangil. Isa iyong bampira. Lima sila, isang tinatawag nilang Panginoon at isang may hawak na patpat, manipis at maliit. Ang tatlo ay malalaking lobo.

"Tara na!" Sigaw muli ng tinawag nilang Panginoon. Kinumpas nang may hawak na patpat ang kaniyang hawak at ito'y nagliwanag. Gumawa ito ng portal na patungo sa kung saan.

Nang wala na sila, takbo siya nang takbo sa madilim na kakahuyan, hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil wala siyang maalalang kahit na ano. Hanggang sa hindi niya na namalayang bangin na pala ang nasa kaniyang daraanan, naramdaman niya nalang na bumulusok na siya pababa at biglang nagdilim ang lahat.

Nagising akong pawis na pawis at hinihingal. That bad dream again. Ilang magka-kasunod na gabi ko na ba itong napa-panaginipan? Isa? Dalawa? Tatlo?

Pinilit kong bumangon kahit masakit ang ulo ko. Fuck hangover.

Naalala ko iyong dalawa, sina Hanna at Katie. Dito sila natulog kagabi naka-tuwaan naming mag-movie marathon na na-uwi sa trip nilang uminom, dali-dali akong naligo at nagbihis upang puntahan sila sa guest room. Naghi-hilik pa si Katie samantalang gising na si Hanna.

"Morning, bitch." Naka-ngising bati ko.

Inirapan lang ako ng gaga. Bumalikwas siya nang bangon nang may malala. "Oh shit! What time is it?!" Malakas na tanong niya sakin, napatingin ako sa cellphone na hawak ko.

"Alas dyes. Why?" Walang gana kong sagot.

Dali-dali siyang tumayo. At pumunta ng cr, bago siya pumasok ay hinarap muna ako. "Bitch! Pahiram ng damit! May exam ako ng 11 am! Diretso na ako ng university pagkagaling ko dito!" Natatarantang sabi niya sakin. Oo nga, exam week nga pala ngayon at finals pa.

I rolled my eyes. Among the three of us, si Hanna ang pinaka-grade conscious. Nakakaloka ang babaeng yun. Bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng damit na hindi ko pa nagagamit upang ibigay sa kanya.

Iniwan ko ang mga damit sa kama sa guestroom at bumababa upang i-check kung may almusal na.

"Nang, may almusal na po ba?" Magalang kong tanong nang makita ko si Manang na naghihiwa ng sibuyas sa may kusina.

"Nakahanda na sa dining table." Sagot naman ni Manang, halos siya kasi ang nag-palaki sa akin. Siya ang kasama ko, ang laging nandyan para gumabay at mag-alaga. Hindi na siya iba sa akin.

Wala ang parents ko. Nakarinig ako ng nagma-madaling yabag pababa ng hagdan, sigurado akong si Hanna iyon. Mabigat paa niyan!

"Sindee?" Tawag niya, bumungad siya sa may kusina. "Gotta go, Sin. I'll see you later." Nakipag-beso siya sakin, sinundan ko siya ng tingin bago siya sinundan para ihatid sa labas.

"Mag co-commute ka!?" Tanong ko. "Hiramin mo nalang kotse ko para hindi ka ma-hassle." Offer ko sa kanya.

"Okay, then. Where's your key?" Ini-lahad niya kamay niya.

Dungleton AcademyWhere stories live. Discover now