Chapter 1

15.9K 379 6
                                    


Walang tao sa paligid, walang kahit ano. Tanging puti lamang na halos kakulay na ng papel. Hindi na nag-abalang lumingon-lingon pa si Yolanda dahil wala rin naman syang matatanaw kundi ang puting paligid lang.

Alam nyang isa itong panaginip, ngunit hindi sya gumawa ng kahit anong hakbang upang magising sa malalim na pagkakatulog. Ilang gabi na rin nya itong nararanasan. Kaya imbes na matakot sa isang bangungot na ito -- kung bangungot nga ba itong matatawag -- ay aalamin na lamang nya ang misteryo sa likod ng maliwanag at puting-puting paligid na ito.

Sige sya sa paglakad hanggang sa may maabot na isang malamyos na tinig ang kanyang tainga. Tila isang boses ng anghel na umaawit sa kalangitan. Napahinto sya sa paglalakad.

"Maliwanag, puting paligid, umaawit na anghel?! Luh, patay na ba ko?" napakamot si Yolanda sa ulo.

Pinagpatuloy nya ang paglalakad, hanggang sa tumapat sya sa puti ring pinto. Kumatok sya ng tatlong beses.

"Tao po! Tao po! San Pedro, are you there?" Tumingala sya sa itaas ng pinto. Natawa si Yolanda nang makita ang isang camera. "Hanep, pati langit may CCTV." Inikot-ikot nya ang seradura ng pinto para lamang mapagtanto na hindi iyon naka-lock.

Marahan nyang binuksan ang pinto. Maliit pa lamang ang siwang non nang may lumabas na maputlang kamay at hinawakan sya nang mahigpit sa braso. Nasindak si Yolanda sa lamig ng maputlang kamay na nakakapit sa kanya. Ngunit mas nasindak sya sa laki ng bato na nakabaon sa singsing na suot nito at sa kulay ng kuko na matte saphire red. Sosyal ang multo!

"...Tulungan mo ko, Sis..." sabi ng boses sa likod ng pinto na tanging ang maputlang kamay lang ang kanyang nakikita.

Napabalikwas ng bangon si Yolanda. Nahimas nya ang magkabilang braso dahil sa malamig na simoy ng hangin na pumasok sa kanyang naiwang bukas na bintana. Tutok ang electric fan sa kanya, ngunit ramdam nya ang basang likod dahil sa matinding pagpapawis.

Sinalat ni Yolanda ang kili-kili. "Pati kili-kili ko namasa ah."

Mabilis syang bumaba ng kama at isinara ang bukas na bukas na bintana. Nahagod nya ang dibdib, mabilis pa rin ang pagtibok non. Lumevel up na ang kanyang panaginip. Kung noong nakaraan ay palaging puting paligid lang, ngayon ay may umaawit na, with matching sosyal na kamay.

Hindi sya natatakot. Mas nangingibabaw ang kanyang curiousity. Bakit kailangang sa kanya humingi ng tulong ng maputlang kamay na iyon? FC pa ang maputlang kamay, tawagin daw ba syang Sis! Aminado naman si Yolanda na bata pa lamang ay madalas na syang makaramdam ng kakaiba , at paminsan-minsan ay namamalikmata rin sya sa mga taong nasa paligid lamang ngunit yumao na.

Ibinaling ni Yolanda ang ulo. Sinipat nya ang orasan sa dingding. At nang malaman na magaala-singko na rin pla ng umaga ay minabuti nyang mag-ayos at maghanda na sa pagpasok sa trabaho.

<<<<<>>>>>

Madilim pa ang paligid ay lulan na si Yolanda ng kanyang secondhand na Honda Jazz na sasakyan. Dugo at pawis ang pinambili nya kay Yolen -- ipinangalan nya sa sasakyan -- kaya kahit pupugak-pugak na ang sasakyan na iyon -- dahil minsan nyang naisulong sa baha -- ay mahal na mahal nya ito. Palaging makintab at malinis ang loob at labas ng sasakyan, kaya hindi halatang luma na. ilang beses na syang muntikang ipahamak ni Yolen, at ngayon ay mukhang ipapahamak na naman sya ng mahal nyang tsikot.

Nahampas ni Yolanda ang manibela. "Hmpf! Ayaw kitang saktan huh, Yolen! Pero kung ngayon ka pa titirik, wag naman! Ang dilim dito eh."

Tuluyan nang huminto si Yolen. Napabuga na lamang ng hininga si Yolanda. Maigi na lamang at nasa loob pa rin sya ng subdivision nila. Wala namang dapat ipangamba. Pero dahil nahinto sya sa tapat ng malaking puno at bahay na sinasabing haunted ay parang hindi maatim ni Yolanda na bumaba ng sasakyan.

Love Ghost By (COMPLETE)Where stories live. Discover now