Chapter 11: We meet again

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko binaba 'yong windshield ng kotse ko dahil ayoko pang magpakita sa kanya. Hindi pa ito 'yong tamang oras. Bumisina ako sa kanya tapos hinanda ko 'yong kotse ko na para bang naghahamon ng isang karera. Since 'yong kotse lang niya at 'yong kotse ko 'yong nandito, kaya nakuha niya agad 'yong ibig kong sabihin. Bumisina rin siya sa 'kin pero binaba niya 'yong windshield ng kotse niya.

Nakita ko na ulit siya.

Iniwas ko agad 'yong tingin ko sa kanya. Gusto ko kapag nakita ko ulit siya, nakikita ko siya nang malapitan. Malapit na malapit, mata sa mata.

Malapit nang mag-go 'yong stoplight. No'ng oras na nag-green 'yong ilaw, pinaandar ko na agad 'yong kotse ko.

Pareho lang kaming dalawa ng bilis. Halos magkadikit lang 'yong mga kotse namin. Walang ibang kotse maliban sa kotse naming dalawa. Ginamit ko 'yong acceleration ng kotse ko kaya naiwan siya sa likod ko. Tuwing uunahan niya ako, hinaharangan ko siya. Hindi ko hinayaan na mauna siya sa 'kin. Hindi lang ako natutong mag-drive, natuto rin akong mangarera.

Sa huli, wala rin siyang nagawa. Nauna ako. Panalo ako. Nag-park kaming dalawa sa tapat ng university. Bumaba agad siya ng kotse niya at parang hinihintay pa niya akong bumaba. Hinanda ko 'yong sarili ko pagkatapos ay bumaba na rin ako ng kotse ko. Lumapit agad ako sa kanya.

Agad na nagtama 'yong mga mata namin. Nanlaki agad 'yong mga mata niya no'ng nakita niya ko. Hindi niya siguro inaasahan na ako 'yong kalaban niya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Nakita ko na naman 'yong mga mata niyang parang tinatawag ka. 'Yong matang matagal ko nang gustong makita.

Lumapit akong maigi sa kanya.

"Long time no see, Jeydon."

Tinitigan ko siya nang maigi at tinitigan niya rin ako sa mga mata ko. Ilang segundo na rin kaming nakatingin sa mata ng isa't isa.

"Naalala mo pa ba 'yong sinabi ko noon na balang araw, makakaya kitang tignan na wala na akong nararamdaman pa na kahit ano sa 'yo? Ito na 'yon."

Ngumiti ako sa kanya.

Tinalikuran ko siya tsaka ako naglakad palayo.

Natitigan ko siya na wala akong naramdaman pa na kahit ano. Totoo nga na wala na akong nararamdaman pa na kahit ano para kay Jeydon. Nagawa ko na rin 'yong una kong dapat gawin. Hindi ko napigilan na mapangiti. May malapad na ngiti sa labi ko.

Simula pa lang 'yan, Candice.

Tiningnan ko 'yong registration card ko pagkatapos ay hinanap ko 'yong room namin. Papalapit pa lang ako sa room na 'yon, pinagtitinginan na nila ako. Buti na lang sanay na ako sa mga tingin sa 'kin.

"Hi, miss!" sabi no'ng isang lalaki na malapit sa pintuan ng room namin.

"Wow, ang ganda naman niya," sabi ng kasama niya. "Hi, ate!"

"Classmate ka ba namin, miss beautiful?" sabi ulit no'ng lalaki na malapit sa pintuan.

Sasagot pa lang sana ako kaso may umakbay do'n sa dalawang lalaki. Pinagmasdan ko lang siya, hindi ko napigilan na mapangiti sa kanya. I must admit, I missed him. I missed this crazy guy.

"Ganda, 'no? Best friend ko 'yan." Inalis niya 'yong pagkakaakbay niya sa dalawang lalaki pagkatapos ay lumapit siya sa 'kin para yakapin ako. "I miss you, best friend."

"Sige na nga, Troy, miss na rin kita." Nginitian ko siya pero sumimangot lang siya sa 'kin. "Joke! Na-miss talaga kita."

"I know, right?" Ang bilis mag-bago ng expression ng mukha niya. Baliw talaga siya. Nakaakbay siya sa 'kin tapos hinila niya ako papasok sa room.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon