Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Now will you come with me?"

"Hindi niya magagawa sa akin iyon! He's my forever."

"Walang forever." He made a face. "I hate to break it to you, but that's just the truth." Nagkibit – balikat siya na para bang normal na buhay lang ang pinagsasabi niya. Nakadama ako nang inis kaya naisip kong pumayag na sumama sa kanya para mapatunayan na ang mga sinasabi niya ay pawing kasinungalingan lamang.

Hindi ako lolokohin ni Sergio! Mahal niya ako! Ako ang Maria Del Barrio at Maria Mercedes at Marimar ng buhay niya!

"Now will you come with me?" Kalmado niyang tanong. Nakipagtitigan ako sa kanya. Naiinis ako. Paano niya nakayang sabihin sa akin ang bagay na iyon? Hindi niya ako kilala! Ano ba naman iyong nag-stalk lang siya sa facebook ko or sa kung saang social media tapos nalaman niya ang relasyon namin ni Sergio tapos magpapakita siya dito kasi nagkagusto siya sa akin or nagkagusto siya kay Sergio! Ewan! Basta buo ang loob ko, hindi magagawa iyon sa akin ng boyfriend ko!

"Look, you don't know me and I don't know you personally. Think about it, anong makukuha ko sa'yo kung lolokohin kita, Miss Cinco?"

"Katawan ko." Ingos ko.

"Seriously?" Tumaas ang kilay niya.

"Katawan ni Sergio!"

"Like what the actual fuck?" Napamura na siya. Napailing pa siya tapos ay tumingin muli sa akin. "Just come with me." Mula sa bulsa niya ay inilabas niya ang wallet niya, may kinuha siya sa loob, doon nakita ko iyong ID niya.

Vejar, Kairos Gregor Rouvin – Consunji.

Napatitig ako sa kanya.

"Consunji?"

"I know. The name's famous so why the hell I am here in front of you telling you that my girlfriend is cheating on me with your boyfriend for no apparent reason at all? Consunji – Vejar ako. Dumi ka lang."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya kilala – lalo na iyong apelyido niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Inis na tanong ko. "Itatanong ko lang kung anong pronunciation ng surname mo. Con-sun-hee ba o Con-sun-gi?" Nakakalokong nginitian ko siya. He squinted his eyes.

"That's bullshit. Now come with me."

Wala akong nagawa. I bit my lower lip and followed him. Gusto ko rin namang patunayan sa kanya na hindi magagawa ng boyfriend ko iyon sa akin. May celibacy ring si Sergio. Plus mahal niya ako – enough na iyon.

Nag-aalangan akong sumakay sa kotse niya pero gusto ko talagang mapatunayan na hindi iyon magagawa ni Sergio.

Sumakay ako pero sa back seat. Wala akong pakialam kung magmukha siyang driver.

I was feeling uneasy at parang nakikisama pa sa akin iyong traffic Uneasy na nga ako, napaka-traffic pa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya pinagtetext ko ag mga kakilala ko tapos ay palihim kong kinuhanan ng picture itong mamang kasama ko at sinned sa chat group ng barkada namin.

Kailangan nilang makita kung sino ang kasama ko.

Halas isa't kalahating oras kaming na-stuck sa Balintawak. May tumirik pa nga na Genesis sa gitna. Napansin kong may bumabang mga pasahero doon kaya lalo ding nag-traffic.

Minutes later, binabaybay na namin ang daan papunta doon sa condo ng mayayaman.

Skyline Vejar Towers.

Napaawang ang labi ko.

"Anong ginagawa natin dito?"n

"Oh? We're gonna have dinner." Sabi niya pa. Napakunot ang noo ko.

Secrets Volume 2Where stories live. Discover now