TULAY

28 2 0
                                    



Tulay
Daanan ng ibat ibang tao
Larawan ng ibat ibang uri ng tao ayon sa kanilang estado
Madalas na matao
pero minsan nagsisilbing tirahan ng maliliit na uri ng tao

Kung ihahambing sa buhay ng tao
Maraming daraan sa buhay mo
Pero di lahat sila mananatiling kasama mo
May panahong aalis sila at ikaw na mismo ang magpapatuloy ng buhay mo

Minsan rin umulan man tandaan mo may kasama ka
Umulan man sa iyong mundo lagi mong isiping may karamay ka
Kung Uma araw man lagi isipin mong ito'y pag asa
Minsan May mga tao talagang dumaraan sa iyo ay may saya

Ang tulay parang buhay
umulan man umaraw ika'y may karamay
May mga taong sayo'y nahimlay
sa iyo bahay at hanapbuhay nila'y nakasalalay

Minsan di nila alam halaga mo
tinatapunan ng kung ano ano
Dadaing kapag di kaaya aya't mabaho ang lagay mo
di ba nila alam ikaw ay pinakikinabangan din nilang mga tao

SA Buhay nama'y diskriminasyon ang dumi
karamiha'y sisiraan ka nang kung sino sino
Di madaling alamin kung sinong totoo
Madali sa ibang gamitin ka dahil sa iyong silbi

Tulay man di'y maihahambing sa pag ibig
May taong daraan upang pasayahin ang tulad mong nag iisa lamang
Madalas ma'y mga taong walang pakialam at napadaan lang
Kung mayroong daraang magmamahal sa iyo'y bihira lang

Madalas napang iiwanan
Madalas Lakaran
Minsan tirahan
Munting Tulay

MY POEMSWhere stories live. Discover now